⚽ Chapter 22 ⚽

12.2K 321 9
                                    

- The Reveal -

Dominique's POV

Alam kong dapat galit ako sa kanya. Pero sa tuwing nakikita at nakakasam ko siya parang unti-unti nitong tinutunaw ang yelong binalot ko sa puso ko. My feelings are still there for him. Despite the pain. Despite the hardships I went through. I still love him dearly.


Pagbaba ko sa condo ko papuntang Medallion ay nahagip ng mata ko ang isang lalaking nakacap ng itim. Tulad sa mga movies, parang isa ito sa mga kaaway na nagmamasidmasid. Nang makaabot ako sa reception desk ay may inabot sa akin na kahon. Tinanong ko ang receptionist pero sabi nito ay iniabot lang din. Pumunta ako sa sulok at binuksan ang maliit na kahon. May mga nakalagay na litrato ko doon na napakarami. May mga condom rin na nakalagay doon na halatang nagamit na. The view disgusted me to the bone. It sent chills down my spine again.


May nakasulat na note doon. Ganda mo kasi eh kailangan ko pa tuloy magsarili. Tandaan mo akin ka lang Dominique. Naisara ko ang kahon at itinapon iyon sa pinakamalapit na basurahan. Pagkakita ko sa labas ay hindi ko na nakita ang lalaking nakaitim.


Maghire na kaya ako ng bodyguard?


Mukha ngang obssessed ito sa akin. Nakakatakot pero imposible din namang makalapit ito sa akin.


Pinakuha ko nalang sa valet ang kotse ko bago pumunta sa Medallion. The school always gave me a happy feeling. It reminds me of a good memory. Umupo ako sa isa sa mga bench doon at pinagmasdan ang mga batang naglalaro.


"Teacher!"


Nakita ko si Dominic na tumatakbo palapit sa akin.


"Tabi ako sayo ha?"


Nakangiting tumango ako. "Of course you can."


"Teacher may tanong ako."


"Ano naman yon?"


"Bakit po kayo nagtayo ng school?"


"Hmm...kasi dream ko maging teacher eh."


Tumango ito na parang naintindihan ang sinabi ko. "Mahilig po kayo sa bata teacher?"


Ngumiti ako ng malungkot. "Oo mahilig ako sa bata."


"May anak na po ba kayo teacher."


Huminga ako ng malalim. Matagal na rin ang mga nangyari at wala pa namang nakapagtanong sa akin bukod kay Bree na bestfriend ko.


Tumango ako ng marahan. "Oo. May baby na ako. Kasama ko na sana siya na nagpplay dito ngayon. Pero kinuha na siya ni Papa Jesus sa akin Dominic." Naramdaman ko ang pamilyar na sakit at kirot. May nalaglag na luha sa mata ko.


"Talaga teacher? Ibig sabihin po, may guardian angel kayo?"


"Oo meron. Nasa heaven na siya at may wings."


"Teach-"


"I think your teacher is looking for you kiddo."


Nanigas ako sa boses na narinig ko. Oh no. Please no.


"Opo sir!" Sumaludo pa ito bago umalis.


Now I am left face to face with Wyatt. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mata niya. May galit, sakit, at lungkot.


"Tama ba ang narinig ko, Dominique?"


"Anong ginagawa mo dito? How much did you hear?"


Elites 1: Wyatt Hernandez [COMPLETED]Where stories live. Discover now