⚽ Chapter 17 ⚽

12.9K 332 4
                                    

- brainSTORMing -

Dominique's POV

Nang makita ko ang orasan ay napansin kong four thirty AM na pala. Bumangon ako at dumiretso sa banyo. Habang nagsisipilyo ay naalala ko ang party nung nakaraang linggo. I think I did well. I don't want to show him any vulnerable side that I have. What's troubling me is how he reacted towards me. I don't understand. Parang sa aming dalawa ako pa ang may kasalanan dito. Like, what the heck! Naghilamos ako bago nagpalit sa workout outfit ko.


Inayos ko ang sports bra at workout pants ko. Dahil wala pang tao ng ganito kaaga sa school, kumportable akong nagjjog ng ganito ang suot. Siguro ay medyo kulang ang tela para sa iba pero para sa akin ay tama lang ang ganitong workout outfit.


Pagdating ko sa grounds ay nagstretching muna ako. Pagkatapos ay uminom ako sa isa sa mga water stations bago sinimulan ang pagtakbo. Sinasabayan ko ang pagtakbo ko sa music na naririnig sa earphones ko. Maya't maya ay nagppush ups o curl ups ako bago tumakbo uli. Araw-araw kong routine ito. Dahil sa lakas ko kumain kaya pakiramdam ko kailangan kong magehersisyo. Bukod doon, gusto ko mamaintain ang figure ko lalo na at ako ang modelo ng sarili kong clothing line.


Bukod sa clothing line ko, kinukuha din akong brand ambassadors ng ibang mas kilalalang sports apparel companies. Napangiti ako nang maalala ko noon na navote ako bilang sexiest athlete sa Pilipinas at inalok na magpose pero tumanggi ako dahil ayokong makita ng mga estudyante ko iyon. Marami rin sa mga babaeng nasasali sa sexiest women ang nagtatanong sa akin ng sikreto ko sa magandang pangangatawan nang hindi nagpapadoktor o umiinom ng gamot.


Tinignan ko ang relo ko at nakita kong magaala siyete na. Pinunasan ko ang pawis ko bago nagstretching uli. Pupunta na sana ako sa isang water station nang tinawag ako ng secretay/PA ko na si Carriane. Nilingon ko ito at kumunot ang noo ko nang mapansin ang katabi nito. Ang aga ata nito?


Wyatt's POV


Katabi ko ngayon ang sekretarya ko na si Leto habang papunta sa Medallion International Sports School. Dahil nga ako na ang nagtakeover sa posisyon ni Mom sa kumpanya ay ako na rin ang kailangang pumunta sa business meetings nito.


"Gwapo ng kotse niyo Sir!"


Napangiti ako. Pinadala ko pa talaga ang Jaguar F-Pace ko galing sa ibang bansa. Wala pa kasi niyon sa 'Pinas kaya ganoon.


"Marami kayong mahahatak na chicks."


"I thought you have a girlfriend?"


"Ah eh..hindi pa naman po ako sinasagot Sir."


Si Leto ay ang sekretarya ko rin noong bagong pasok ako sa kumpanya. Buti nalang at makalipas ang apat na taon ay naroon pa rin ito sa kumpanya.


"Kaya ka hindi sinasagot eh. Puro ka chicks."


Napakamot nalang ito sa batok.


"Have you been to Medallion?"


Umiling ito. "Mas pinipili ni chairwoman na pumunta mag-isa doon. Ang pagkakarinig ko ay mabait at maalaga sa chairwoman ang may-ari ng eskwelahan na iyon kaya kampante rin sila na hayaan siya mag-isang pumupunta."

Elites 1: Wyatt Hernandez [COMPLETED]Where stories live. Discover now