⚽ Chapter 24 ⚽

12.9K 327 16
                                    

- Closer -

Wyatt's POV

Nasa Medallion ako ngayon dahil gusto ko tanungin si Carriane kung nasaan si Dominique. I want to ask her so much. It's clear now that I am at fault. Ako yung nagkulang at hindi nagtiwala sa kanya. I wasted 4 years and a chance to have a family.


Inaantay ko si Carriane sa lobby nang may umupo sa harap ko na babae. She looked pretty and bubbly at the same time. Iniisip ko kung dito ba ito nagttrabaho.


"May dumi ba sa mukha ko?"


She caught me staring at her. "None. Sorry, I know it's rude to stare."


"Excuse me lang ha, kabbreak ko lang sa boyfriend ko kaya lumayo-layo ka sa akin ayoko ng panibagong boyfriend ngayon hindi pa ako nakamove on."


Kumunot ang noo ko. "Excuse me?"


"Hindi ka naman siguro nagkakagusto sa akin niyan?"


Umiling-iling ako. "Sorry, I think you got it all wrong. My heart's taken."


"Weh? Talaga? Ilan dalawa din? Ano taksil ka din? Ano? Sagutin mo ako!!!"


She started to hit me and I don't know what I did to trigger such emotion. Pinigilan ito ni Carriane na kararating lang pala.


"Bree ano ka ba girl, wag mo siyang saktan!"


"Eh siya kasi eh!" the woman childishly said.


Hinarap ako ni Carriane. "Sorry Sir sa ginawa ni Bree. Baka heartbroken nanaman ang isang ito. Alam niyo na hindi makamove on."


Sinuklay ko ang buhok kong medyo nagulo. "I'm fine I guess."


"Hinahanap niyo po ba si Miss Dom?"


"Yeah, is she here?"


"Ay naku, Sir. Nasa condo niya ngayon. May trangkaso. Medyo stressed out po siya dahil sa sobrang hectic ng sched niya."


"Okay, I'll just visit her there."


Patayo na sana ako ng pigilin ako ni Carriane. "Ay Sir, pupunta rin doon si Bree kasi may pinapadala siyang pagkain." Kinalabit nito ang nananahimik na si Bree. "Uy, sumama ka na at doon din lang ang punta mo."


Tahimik itong nakasunod hanggang sa makarating kami sa sasakyan ko. Pinagbuksan ko ito ng pinto bago sumakay sa driver's seat.


"Sorry kanina ha, nadala lang ako ng emosyon." nahihiyang sabi ni Bree.


"So your ex cheated on you huh?" Pinaandar ko na ang sasakyan.


"Gagong iyon! Kung hindi pa nabuntis yung best friend ko sa probinsya hindi pa aamin ang hinayupak na letseng yon!"


"Sorry to hear that. Just be glad you're not with him now."


"Tama ka diyan. Teka, anung sadya mo kay Nikki?"


Oooh someone who calls her Nikki. Must be a part of her past. "I want to ask her some things but for now I think I'll just check on her."


"Ganoon ba? Hmm...mukha ka naman katiwa-tiwala. Ibibigay ko nalang sayo ang spare key ko ng condo niya. Iwan mo nalang doon ha? May hahabulin pa kasi ako sa bakeshop."


"You have known her for quite long?"


Tumango ito. "Noong nanganak siya sa ospital noon, nakilala ko siya. Mula noon, naging kaibigan ko na siya. Hay! Isa pa iyon! Iniwan siya ng hinayupak na lalaking bumuntis sa kanya. Ang walang hiya! Akalain mo inisipan pa siya ng masama. Putragis iyong lalaking nang-iwan doon."


Elites 1: Wyatt Hernandez [COMPLETED]Where stories live. Discover now