⚽ Chapter 7 ⚽

15.5K 387 17
                                    

-Ligaw 101-


Dominique's POV


"Anak, kumusta naman pag-aaral mo?"


Nginitian ko si nanay bago ako sumagot. "Okay lang naman po. May bago nga lang po akong responsibilidad ngayon."


Nakakunot ang noo niya nang lumingon siya sa akin. "Anong ibig mong sabihin anak?"


"Yung anak po kasi ng may-ari ng school eh pinapabantay sa akin. Eh ewan ko lang po siguro po sa sobrang wala siyang magawa kaya nagpapaturo manligaw sa akin eh wala pa ngang nanliligaw sa akin, nanay."


"Eh bakit nga ba hindi ka pa nagpapaligaw anak?"


Niyakap ko ang likod ni nanay. "'Nay, pinapamigay niyo na po ba ako?"


Tumawa ito ng bahagya. "Anak, gusto ko mabuhay ka parang mga kaedad mo. Masaya at walang pinoproblema."


"'Nay, tutulungan kita hanggang kaya ko. Saka yang mga nobyo nobyo na yan makakapagantay naman yan eh."


"Eh itong binatang sinasamahan mo, gwapo ba ito? Baka naman ikaw ang gustong ligawan?"


Natawa naman ako naiisip ko palang si Wyatt. "'Nay naman. Naiisip ko palang yung taong yon sumasakit na ulo ko. Mayaman yun 'nay. Marami akong magiging problema kung nagkataon. Saka wala pa akong balak magpaligaw at magkanobyo."


Hinarap ako ni Nanay at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Basta wag mong isasara ang puso mo kahit na kanino. Hindi ko lang alam pero kung iniisip mo lahat ng lalaki ay tulad ng ama mo, nagkakamali ka. Maraming lalaki diyan na magmamahal sa iyo ng walang hanggan, ng walang kapalit, at hindi ka iiwan. Wag kang mawawalan ng paniniwala sa pag-ibig."


Niyakap ko si Nanay. "Opo 'Nay. Sa ngayon kuntento na ako sa ikaw at ako."


***


Pagkarating ko sa school ay nakasandal ulit si Wyatt sa magarang kotse nito. Nang mamataan ako ay ngumiti ito.


"So, anung ituturo mo sa akin ngayon?"


"Eh ni hindi pa nga ako pumayag. Saka anung ituturo ko sa iyo eh hindi pa nga ako naligawan."


Kumunot ang noo nito. "Huh? Bakit?"


"Kasi takot sila sa akin? Iniisip nila na may pagkaamasona ako."


Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. Nakaramdam ako ng ilang. Hmm...hindi pa ako nailang sa isang lalaki. Bakit ako maiilang dito? "You look normal to me."


"Sino ba kasing liligawan mo? Hindi ba pwedeng kayo nalang dalawa? Bakit kasi kailangan kasama pa ako."


"Okay. Sabihin nalang natin na ganito. Your personality is similar to hers. So I need you."


"Ano naman kung matutulungan kita?"


"Hmm..ikaw. Anung hihingin mo sa akin kapalit ng oras mo?"


"Ayos na ako sa libreng pagkain at pamasahe."


"Okay! Game! So, may naisip ka na ba na dapat kong matutunan sa panliligaw?"


"Eh wala nga akong karanasan. Ang kulit mo."


Nagisip ito saglit at nang ngumiti ito ay alam kong may naisip nanaman ito. "Okay, we'll go my way. Sabihin mo sa akin kung may chance niya akong sagutin sa bawat pakulo ko. Kapag sinabi mong sasagutin na niya ako then we'll stop this thing." Kumindat pa ito pagkasabi niyon.


Elites 1: Wyatt Hernandez [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora