⚽ Chapter 9 ⚽

11.8K 358 5
                                    

- Ligaw 101 Week 3 -

Dominique's POV

Hindi ko alam kung makakaginhawa ako dahil hindi dapat kami magkikita ni Wyatt para sa "ligaw" session namin.


Agad akong inusisa ng mga kateam ko dahil sa madalas na pagkikita namin ni Wyatt.


"So... kayo na ba ni Wyatt?!"


"Lagi daw kayong magkasama."


"Eh kilala ka namin eh. Hindi ka naman sasama kung kani-kaninong lalaki. Kayo na ano?"


Umiling ako ng mariin. "Hindi no! Bakit naman ako magkakagusto doon? Nagpapatulong lang siya sa akin."


"Alam mo kung ako sa iyo, di ko na sya pakakawalan!" sabay tili pagkatapos nitong sabihin  iyon.


Napabuntong-hininga nalang ako. "Alam niyo magsimula nalang kayo magwarm-up no? Sige na kahit simulan niyo lang ng ilang laps bago dumating yung trainees natin."


Inaayos ko ang listahan ng trainees nang makarinig ako ng tilian. Napalingon ako sa mga kateam na kani-kanina lang ay tumatakbo. Pumagitna ako upang makita ang pinagkakaguluhan nila.


Nang makita ko ang direksyon ng mga mata nila ay parang sasabog na ang ulo ko. Sa harap ko ay parating ang mga trainees kasabay ni Wyatt.


"Dominique!!!"


"Uy Nikki yung boyfriend mo parating na!!!"


"Hindi ko nga siya boyfriend!"


Inaantay namin na makarating sila. Sinalubong ko siya ng magkasalubong ko din na kilay.


"You don't look like you are happy to see me." sabi ni Wyatt na parang batang nagtatampo.


"Ano ba kasing ginagawa mo dito?!"


"Hm...I want to join the training today."


"Eh pangbabae tong training namin. Mas intense ang training ng mga lalaki Wyatt at bukas pa iyon."


"I'll just watch then. Would that be better?"


"Oo nga Nikki!!! Hayaan mo na siya!!!"


"Para mainspire naman kami!!!"


Tumingin ako kay Wyatt at kumindat nanaman ito sa akin. Muli ay bumangon ang mga mumunting kiliti sa loob na hindi ko maintindihan.


"Oo na sige na nga!"


Bumalik nalang ako sa bench at inayos ang mga gamit ko. Mukhang hindi lang trainees ang kailangan kong disiplinahin ngayong hapon.


***


Nagpahinga ako sa may bench at pinanood ang trainees na nasa harap ko. Kalaro nila si Wyatt. Magaling ito maglaro kung  tutuusin. Pwedeng ito ang tumayong trainer ng bagong trainees nila.


Napansin kong papalapit na si Wyatt sa akin habang tumatakbo ng marahan. Pagkarating nito sa may bags ay kinuha nito ang bote ng tubig at ibinuhos iyon sa ulo nito.


Nagmistula itong modelo sa ginawa nito. Nakarinig din ako ng mga impit na tili mula sa team ko.


"Oy ikaw. Kung balak mo mangakit ng players dito sa ibang team ka nalang. May pangalan kaming inaalagaan kaya ayoko sanang magulo sila."


"It's not my fault they're drooling because of me."


"Wala ka bang klase o anuman ngayon?"


"Wala." Lumuhod ito at ngumiti sa akin. "I wanna be with you today."


Kumunot ang noo ko. "Hmm? Bakit naman?"


"Nasanay na akong kasama ka eh."


"Baliw. Eh pano pag sinagot ka na ng nililigawan mo? Alangan namang karay-karay mo pa rin ako?!"


"I wouldn't do that believe me."


Bigla nalang siyang hinila ng isang kateam ko at muli ay naglaro sila.


***


Nang matapos akong maligo ay nakita ko si Wyatt na inaantay ako sa labas ng shower room.


"Akala ko nakauwi ka na?"


"Well, I figured that it's time to go home so, I would like to drive you home."


"Hmm..kung sabagay, makakalibre rin ako ng sakay."


"Saka...dinner din sana...if that's okay...?"


"Hmm..pero si nanay..."


"Kahit takeout nalang. So we can eat with your mother."


Sumakay na kami sa sasakyan niya. Muli ay pumasok sa ilong ko ang mabangong amoy ng sasakyan niya.


"Thank you for letting me practice with you."


"Wala yon. Saka wala naman akong magagawa. Kahit captain ako, pinahahalagahan ko pa rin ang sinasabi ng mga kateam ko. Saka alam ko naman na hindi ka naman talaga makakagulo."


"You are so passionate with your sport do you know that?"


Ngumiti ako. "Iniimagine ko kasing ulo ng tatay ko yung bola kada sipa ko." Parang namutla ito kaya binawi ko kaagad. "Biro lang. Alam mo kasi, malaki ang allowance namin dahil kami ang defending champion at bumababa iyon sa tuwing natatalo kami. Kaya gusto ko lagi kaming nananalo pero siyempre iyon eh kung hanggang saan kaya ng team ko."


"They are lucky to have you as their captain. Yung ibang captain kasi prinepressure nila yung players niya kaya siguro hindi sila ganun kasuccessful."


Ngumiti ako at tumango-tango.


Ilang sandali pa'y nakarating na kami si bahay. Inabutan namin si nanay na nagtatahi ng mga retaso ng tela. Nagmano ako at ganun din naman si Wyatt na nakasunod na pala sa akin.


"Ay hijo, pasensya ka na at hindi ako nakapaghanda ng masarap na pagkain-"


"Okay lang po Ma'am. Nag-uwi na po kami ng pagkain. Ito nalang po ang pagsaluhan natin."


Dinala ko na ang mga pagkain sa kusina habang nagkwentuhan naman si nanay at si Wyatt. Wala sa sariling napangiti ako. At sa hindi rin mapaliwanag na dahilan, nakaramdam ako ng kakaibang saya dahil nasa bahay namin si Wyatt ngayon.


***To be Continued***

Sorry I was not able to update the story last Saturday. We went hiking up Mount Ulap!!! You should try it. :3 >//<


Anyways, thanks for reading my story and reaching this part. See you next update! :) :D

Elites 1: Wyatt Hernandez [COMPLETED]Where stories live. Discover now