⚽ Chapter 6 ⚽

15.9K 373 3
                                    

-Feeling Closer-


Sa wakas ay natapos din ang klase namin. Akala ko wala ng katapusan ang tinuturo ng instructor namin. Tumayo na rin ako at inayos ang mga gamit ko.


"Miss dela Merced?" narinig kong tawag sa akin ng instructor.


Dinala ko ang gamit ko at lumapit dito. "Yes, Ma'am?"


"Naibilin na sa akin ni Dean ito. Ikaw muna ang kasa-kasama ni Mr. Hernandez habang nandito siya sa department natin."


Napatingin ako kay Wyatt na palapit na rin sa amin ng guro. Nakangiti nanaman ito. "I personally requested for your company." sabay kindat. May sakit ba ito sa mata o talagang kailangang may kindat bawat sabihin nito.


"A-Ako? Bakit ako?"


"Simply," nagkibit-balikat ito. "So far you are the only person I know from your department. Why, don't you like to accompany me?"


"H-Hindi naman sa ganun..."


"Well, I'll leave you two at that. Have a nice stay Mr. Hernandez."


"I will."


Naglakad na kami palabas ng classroom. Iniisip ko pa rin kung bakit ako ang napili ng lalaki sa tabi para smaahan siya habang nandito. Malaki na ito para alagaan ng sarili. Bakit kailangan pa nito ng yaya.


"Can we grab something to eat then?"


Nilingon ko siya at napakamot nalang sa batok ko. May baon naman kasi ang biskwit kahit papaano para makatipid. Pumupunta lang ako sa canteen para sa meetings namin ng team.


"Ah...eh...may dala kasi akong pagkain. Pero sasamahan nalang kita kung gusto mo."


Tumaas ng bahagya ang dalawang kilay nito. "Really? Anung baon mo? Packed lunch?"


"Uhm...nagbabaon ako ng ganun pero hindi yun ang dala ko ngayon eh. May dala akong biskwit at tubig." Nginitian ko siya ng malapad.


Kumunot naman ang noo nito. "Is that even enough to keep you going until afternoon?"


Inilagay ko ang isang kamay ko sa beywang ko dahil nawiwierduhan talaga ako dito sa lalaking ito. "Akala ko ba sasamahan kita? Di ko alam na dapat pati kakainin ko papakialaman mo."


Nagtaas ito ng dalawang kamay na parang inaaresto. "Tinatanong ko lang kung gusto mo mag-rice you know."


Nagsimula na akong maglakad. Sumunod din naman ito. "Alam mo, okay na ako sa biskwit at tubig. Para sayo siguro kulang yon pero kung ikaw ang nasa lugar ko sinasabi ko sa iyo na masaya ka na na may baon kang gantong pagkain."


"Then I'll try that."


Napatigil ako at nilingon ito. "Ha?"


"I'll try having biscuits and water for lunch."


"Ha? Eh bakit? May pera ka naman-"


"I want to experience having biscuits and water for lunch."


"Kulang kaya sa iyo yon. laki laki ng katawan mo eh."


Ngumiti lang ito at hinila na ako papuntang canteen.


============================================================================


Tulad ng nakagawian, nagsitapunan sa amin ng tingin ang kapwa namin mga estudyante. Hay. Ano bang kapangyarihan meron ang lalaking ito para mabigyan ng ganoong atensyon. Tinignan ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. Hindi mahigpit o maluwang ang pagkakahawak niyon. Tama lang. Ang likod nito...tama lang sa laki ang mga muscles nito hindi mukhang body builder o payat. Ang tangkad nito, malapit na sigurong umabot sa anim na talampakan. Hmmm...angat nga siguro ang ibang katangian nito sa ibang kalalakihan sa school. Bukod sa biniyayaan ito sa hitsura, biniyayaan din ito ng kayamanan.


Elites 1: Wyatt Hernandez [COMPLETED]Where stories live. Discover now