⚽ Chapter 5 ⚽

15.1K 368 5
                                    

- Kick Off -

Dominique's POV

Nang makarating ako sa gate ng school ay nakaramdam ako ng kakaibang kasiyahan dahil alam kong may matatanggap nanaman ako sa school. Hindi nanaman kami guguluhin ng mga tauhan ng mga Saavedra.


Malungkot akong naglakad habang inaalala ang mga pinaggagawa sa amin ni nanay ng mga tauhan ng mga Saavedra. May mga pagkakataong tatambay sila sa bahay at tila mga senyorito kung makautos kay nanay. Meron din naman na kukunin nila ang ibang gamit namin. Pinakamalala na marahil ang pagtutuok nila ng mga baril nila sa amin upang takutin lang kami.


Napatingala ako at bumuntong-hininga. Nag-usal ako ng piping dasal. Alam ko Lord na may plano kayo sa amin ni nanay. Huwag niyo po kaming pababayaan.


Nang makarating ako malapit sa field ay napatigil ako nang makita si Wyatt na nakasandal sa kotse niya. May araw bang papasok ito ng hindi sobrang gara at sobrang gwapo? Sabagay, gwapo kasi ito talaga at mayaman. Halos lahat din ng babaeng napapadaan dito ay napapalingon sa napakagwapong binata.

 Halos lahat din ng babaeng napapadaan dito ay napapalingon sa napakagwapong binata

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Kailangan ko siyang lagpasan para makarating sa field. Lalagpas na sana ako nang magsalita siya.


"Won't you even say hi or wave at me?"


Napatigil ako at tingnan siya. Medyo nakakunot ang noo nito.


"Hi...?" sabi nito at ngumiti. Lumabas ang dimples nito at itataya ko ang buhay ko para patunayan na hindi bababa sa isang daan ang titili dahil sa ngiting iyon. "Congratulations! I watched your game."


Napangiti ako. Nakakaramdam ako ng saya sa tuwing may bumabati sa pagkapanalo namin. Hindi naman kasi ganoon talaga karami ang nanonood sa mga ganoong klaseng laro. "Talaga? Salamat!" ^^


"You did an amazing job out there," nahihimigan ko ang kasiyahan sa boses nito.


"Hm...bakit ka nga ba nanood?" Para sa isang graduating student na galing sa business school ay hindi ata normal sa kaniyang manood ng ganoong laro.


Tumawa ito ng bahagya. May nasabi ba ako? "Bawal ba?"


Namula ako at bahagyang yumuko. "Hindi naman. Kaso halos wala naman talagang nanonood ng game namin."


"Well, let's just say that I want to see how good you are. I mean, the ball that you kicked knocked me out so I was wondering where do you use that kind of...power."


Mas namula nanaman ako nang maalala ang pagkakasipa ko ng bola noong natamaan ito.


"Hmm..may kailangan ka ba?" Ayoko na kasing kinakausap ito pakiramdam ko may sasabihin itong hindi maganda.


Kumunot ang noo nito. "What made you think that I need something?"


"Kasi...hindi naman dito ang graduate school. Malayo pa yun oh." Itinuro ko pa kung saan banda ang business guildy.


"I'll be seeing someone from your department."


Tumango-tango ako at ngumiti. "Akala ko kasi mapadpad ka lang talaga dito sa amin." Nagdadalwang-isip ako kung mauuna na ako o aayain ko nalang siya. Pinili ko ang huli. "Gusto mo bang sumabay? O may inaantay ka?"


"I can go with you" sabi nito na abot mata ang ngiti.

==============================================================================


Pagkapasok namin ay pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Ikaw ba naman magkaroon ng kasamang umaapaw sa kagwapuhan.


"Sino bang hahanapin mo dito?"


Nag-isip ito saglit bago sumagot. "Yung dean ninyo. We have matters to discuss."


Tumango tango nalang ako. Naglakad lakad lang kami hanggang makarating kami sa tapat ng classroom ko. "Ahm...Wyatt, dito na ako ha? Alam mo naman siguro yung daan papunta sa office ni dean."


"Yeah. Thanks for walking me anyways. See you around!" Kumindat pa ito. Napailing nalang ako habang impit na napatili ang mga babaeng malapit sa amin.


Bakit ba kilig na kilig kayo sa lalaking iyon? Bukod sa mayaman ito, isa lang naman ito sa mga gwapo sa paligid niya. Isang normal na mayaman.


Pumasok na ako sa classroom at naupo sa desk ko sa tabi ng bintana. binubuklat ko ang notes ko nang pumasok na rin ang professor namin.


"Good morning, class! Well, we are very lucky to have an important visitor for the next two weeks."


"Sino po siya Ma'am?"


"Well, let us welcome, Mr. Wyatt Hernandez, Heir to the Hernandez Academe."


Napanganga ako nang makita ko si Wyatt na malawak ang pagkakangiti. Akala ko ba may kailangan lang itong kausapin? Bakit kasama ito sa klase nila ngayon?


"Hi. I am Wyatt. I will be joining you for two weeks. I hope you'll enjoy my company in your class."


Muli, tulad ng inaasahan ko may impit na pagtili ang mga estudyante.


Naglakad na si Wyatt papunta sa upuan nito at sinalakay ako ng kaba nang maupo ito sa tabi ko.


"Didn't expect to see you this soon." sabi nito sabay kindat sa akin.


Napatitig nalang ako dito.


***To be continued***

Short update here guys. Hope you like it anyways :) :') Vote and Comment! :)

Elites 1: Wyatt Hernandez [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora