⚽ Chapter 12 ⚽

12.9K 322 6
                                    

- Ligaw 101 Week 6 -

Dominique's POV


"Wyatt, may tanong ako."


"Hmm? What is it?"


"Gawain pa ba ito ng isang manliligaw? Para kasing ginagawa na ito pag sinagot ka na ng oo."


Nasa sasakyan kami ngayon nito na pickup. Mukhang malayo ang lalakbayin namin dahil ipinaalam pa ako ni Wyatt kay Nanay na baka bukas na kami makauwi. Sinigurado naman ni nanay na ligtas ang mapupuntahan namin.


Tumawa ng bahagya ito. May kakaiba sa aura nito ngayon. Parang sobrang saya na excited at parang kapilyuhang iniisip.


"I guess, we'll take the 'ligaw thing' off for now. I just want to spend time with you."


May kakaibang kabog ang dibdib ko. Parang kakaiba ang tibok niyon. Parang kinakabahan pero hindi naman siya kinakabahan.


"Sira ka talaga. Dapat yung babaeng gusto mo ngayon ang kasama mo hindi ako."


"Ayaw mo bang kasama ako?"


Napaisip ako sa tanong nito. Nitong mga nakaraan linggo napalapit na ito sa akin. Nasanay na ako sa presensiya nito. Pakiramdam ko pag nagkagirlfriend na ito maninibago ako dahil hindi na ito ang kasama ko.


"Eh bakit naman kita gustong makasama? Namimiss ko na nga si Nanay. ikaw nalang lagi kasama ko. Sawa na ako sa pagmumukha mo."


Kunwari itong nasaktan. "Ouch baby. Alam mo ba na ang daming babaeng gustong mapunta sa lugar mo ngayon? Why can't you even enjoy this day with me hmm?"


"Ano pa nga ba? Eh eto na nga at tangay-tangay mo na ako."


Ngumiti ito na parang nagtagumpay ito sa isang bagay. Parang baliw.


"Hoy ikaw diyan ah, anung balak mo? Saka, bakit ba hindi mga kaibigan mo ang sinama mo kung saan man tayo pupunta?"


Nawiweirduhan na talaga ako sa lalaking ito. Kung saan saan ako dinadala. Minsan iniisip ko na ako naman talaga ang nililigawan nito at hindi kung sino mang babae na kapareho niya ng school. Teka bakit ba naiinis ako kahit na iniisip ko lang yung babae na yon? Ah basta! Nakakinis!


"Dominique, I already told you that I want to spend time with you. What part of that can't you understand?"


"Ang hindi ko nga maintindihan eh bakit ako?"


"Look, Dominique. Just enjoy the day okay? Because whatever the answer is to your question, is also for me to know and for you to find out." Pagkatapos sabihin niyon ay kumindat nanaman ito.


Umingos nalang ako dito dahil mukhang di naman masasagot ang tanong ko dito.


Nakaramdam ako ng antok dahil sa sarap ng simoy ng hangin. Naramdaman kong may humahaplos sa buhok at nang imulat o ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Wyatt. Nararamdaman ko rin ang init ng katawan nito. Naramdaman ko ang matipuno nitong dibdib. Hoy ateng lumalandi ka na. Umayos ka nga!


"Baka gusto mong lumayo sakin kung ayaw mong mabigwasan?"


"How could you be so violent and beautiful at the same time, woman?"


"Eh nasaan na ba kasi tayong lalaki ka ha?"


"We have to eat lunch. Saan mo ba gusto kumain?"


Elites 1: Wyatt Hernandez [COMPLETED]Where stories live. Discover now