⚽ Chapter 25 ⚽

13.5K 304 5
                                    

- Harm's Way -

Dominique's POV

Naalala ko pa nung ikinuwneto ko kay Bree na pinapalapit ko na uli si Wyatt sa akin. Panay ang sigaw nito sa akin na kesyo tanga daw ako, magpapaloko nanaman ako, hindi na ako natuto. Ang sabi ko naman dito ay hindi naman nagbago ang nararamdaman ko para kay Wyatt. Mahal ko pa rin ito kaya bakit ko pagkakaitan ang sarili ko na maging masaya uli.


'Nay, baby, sana tama ang desisyon kong papasukin uli si Wyatt sa buhay ko. Sana hindi na niya ako masaktan.


Tinawagan ako ni Wyatt na magkita nalang kami sa Starbucks sa baba ng condo ko. Pakiramdam ko teenager nanaman ako. Kinikilig sa first date namin ng crush ko. I wore a loosely fitting sleeveless top and shorts paired with my white sneakers. Inayos ko na messy bun ang mahabang buhok ko. Tinignan ko ang sarili ko at nang makontento ay bumaba na ako.


"Mukhang inspired tayo Ma'am ah," tudyo nung isang guard.


"Ikaw talaga Kuya. Lagi naman akong inspired."


"Ay may nagpapabigay po nito Ma'am. Inabot ng bata kanina."


Inabot ko ang sobre at binuksan iyon. Nanlamig ako nang mabasa iyon.


Akin ka lang. Sisiguraduhin kong akin ka lang.


Hindi naman ganito ang sulat ni Wyatt. At nang mabasa niya iyon ay naghatid din iyon ng malamig na pakiramdam sa akin.


"Nasa labas na ako. Sa may black trooper. - Wyatt" Anang natanggap ko na mensahe sa isang unknown number. Kumalma ang kalooban ko nang malaman na si Wyatt iyon.


Hinanap ko ang trooper na iyon at nang mamataan ko iyon ay tumunog ang phone ko. Hindi ko na tinignan at sinagot ko nalang. Naglakad din ako palapit sa trooper.


"I'm running a little late, Dominique. Just stay inside the shop muna."


"Huh pero nandito ka na-"


Naramdaman ko nalang ang yumakap sa akin at pinalanghap ako ng panyo at dahil sa gulat kaya di ako nagpumiglas. Nabitawan ko ang phone ko bago ako nilamon ng kadiliman.


***


Pagkagising ko ay napakasakit ng ulo ko. Nakaupo sa harapang banda ng isang sasakyan. Napansin ko ang mga black roses na nasa likod ng sasakyan nito. So kung sino man ang kasama ko, siya ang nagpapadala ng mga natatanggap niya nitong mga nakaraang araw.  Napalingon ako sa tao sa labas ng sasakyan nang makarinig ako ng boses.


"Sigurado kang liblib yan ah. Ayokong may makakita sa amin....Okay, sige salamat. Papunta na kami diyan." Pabalik na sana ito nang makita akong gising na. Pamilyar ang mukha nito pero hindi ko maalala kung saan. "Hey there sweetheart, you remember me?"


"S-Sino ka? Nasaan ako?"


"Jeremy Sanchez. Charity ball? Does it ring any bell?" Ah, ito yung anak ni Mr. Sanchez. Pero bakit ko ito kasama?


"Bakit kita kasama? Ikaw ba nagpatulog sa akin?"


"I'm just claiming what's mine."


Kumunot lalo ang noo ko. Baliw ba ito? "Hindi kita maintindihan."


Sumakay na ito sa loob ng sasakyan. "Oh I will bring you to our own paradise baby. Pasasayahin kita."


Sinubukan kong buksan ang pinto. The air in the car smells like danger to me. I need to escape! "Palabasin mo ako please!"


"Huwag mo ng subukan tumakas. Nasa probinsya na rin tayo. At walang masaydong bahay dito. Kaya kung gusto mo pang mabuhay, sundin mo lang ako."


Elites 1: Wyatt Hernandez [COMPLETED]Where stories live. Discover now