⚽ Chapter 13 ⚽

13.8K 341 2
                                    

- Ligaw 101 Week 7 -


Dominique's POV


Nakasimangot akong umupo ng umaga na iyon sa kusina habang nagluluto si Nanay. Lagi nalang ako nagkakaganito sa mga araw na ganito.


"O anak bakit naman nakasimangot ka ang aga aga? Ay naalala ko nga pala di ba may dadaluhan kang kasiyahan mamayang gabi kaya wla kayong pasok ngayon?"


Mas nalukot ang mukha ko sa binanggit ni Nanay. "Oo 'Nay. Yun nga ang problema ko eh. Ayaw kong pumunta sa mga sosyalan at pagandahan. Alam niyo naman ako eh."


"Eh gustung-gusto ka namang bihisan ni Marinella diba? Libre pa."


"'Nay ayoko. Saka hindi nga ako marunong sumayaw eh."


"Anak, para naman maramdaman mo na matagumpay kang magtatapos ngayon. Ilang taon din ang ginugol mo sa pagaaral."


Nginitian ko si Nanay. "Makamartsa lang ako kasama ka 'Nay masaya na ako."


"Eh 'diba nabanggit mo na inaya ka ni Wyatt na makasama niya mamayang gabi?"


Napahawak ako bigla sa ulo. Pakirmdam ko sumasakit iyon kahit na hindi naman. "Hindi ko nga po alam paano ako pumayag."


Naalala ko ang nangyari ng gabing iyon. Napakasaya ko. Ito ang isa sa mga taong bibihirang iparamdam sa kanya na espesyal siya sa kaarawan niya. Napangiti ako pero agad ding nawala iyon nang maramdaman ko ang naging pamilyar na na tibok ng puso ko. Lagi kong nararamdaman iyon sa tuwing naiisip ko si Wyatt. Mabilis ang tibok niyon na parang kinakabahan ako pero parang may mumunting kiliti rin na hatid iyon. May mga araw na iniisip-isip niya ito at napapangiti siya pero hindi niya alam paano at bakit ito nasa isip niya. Kapag nahuhuli ito minsan sa pagkikitaan nila ay nagaalala siya kaagad. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito sa isang lalaki. Nakakatakot.


"Anak, okay ka lang?"


"'Nay? Paano niyo po malalaman kung mahal niyo na ang isang tao?"


"Kapag hinahanaphanap mo siya, kung nagaalala ka sa kanya, lagi siyang nasa isip mo at hindi mo alam kung bakit."


Parang yun lang iniisip ko kanina ahh...


"Bakit anak-"


Naputol ang paguusap namin nang may kumatok sa pintuan namin. "Ako na po 'Nay."


Halos lumuwa ang mata ko nang makita si Ai na nasa labas ng bahay namin. Sinulyapan ko ang magara nitong sasakyan na nasa kalsada at ang mga kapitbahay namin na nagtsi-tsismisan at sinisipat ang bagong dating.


"Hi Nikki!"


"Ahh..eeh...Ai. Ikaw pala. May kailangan ka ba sa akin?"


"No, silly." Mahinhin itong tumawa at ikinumpas ang kamay. Halatang-halata sa bawat galaw nito na sopistikadang babae ito at aling sa marangyang pamilya.


"Pasok ka muna medyo mainit eh."


"Ay anak, may bisita pala tayo. Napakaganda mo naman iha. Lalo na ang buhok mo. Para kang prinsesa."


"Hay naku. Hindi po ito sa salon. Natural po ito."


"'Nay siya po si Ai. Isa siya sa mga kababata ni Wyatt."


"Eh bakit ka naparito iha?"


"Sabi po kasi ni Wyatt may misyon ako at kailangang kasama ko si Nikki. Okay lang po ba?"


Elites 1: Wyatt Hernandez [COMPLETED]Where stories live. Discover now