⚽ Chapter 18 ⚽

12.1K 330 8
                                    

- Overdrive -

Magddrive ako hanggang Baguio...


Dominique's POV


Nakaayos na ang dalawang bagahe na dadalhin ko sa biyahe papuntang Baguio. Dalawang linggo ang stay namin doon para sa sports clinic na gagawin namin sa mga probinsya ng Benguet.


"Miss Dom, ready na po yung mga sasakyan."


Kumunot ang noo ko. Dalawa? Usually isa lang ang sasakyan na ginagamit namin paakyat.


"Ah eh...Miss Dom...Kasama din po kasi si Sir Wyatt. At napagkasunduan po kanina na kay Sir Wyatt nalang po muna kayo sasabay."


Parang nagpanting ang tainga ko. "Pakiulit nga ulit yun Carriane baka nagkamali ako ng dinig eh."


"Ah...kay Sir Wyatt po kayo sasabay?"


"Wala ba akong say sa decisions niyo?"


"Miss Dom mas maganda nga po iyon diba? Makakausap niyo pa po si Sir Wyatt."


Napahilot ako sa sentido ko. Now is not the time to be thinking about our past. Damn it. Why do I have to share the same car with him?


"Fine let's go."


Nang makarating ako sa labas ay nakita ko ang van ng Medallion at isang black na Ford Ranger. Sa likod niyon ay may mga kahon-kahon ng supplies. Nakita ko rin di kalayuan si Wyatt. Nakawhite polo shirt ito, khaki pants at white sneakers. Napatingin ako sa suot ko. Parehong pareho ang suot namin ang pinagkaiba lang namin ay short khaki ang suot ko.


"Uy Miss Dom, nakacouple outfit kayo ni Sir Wyatt!!!" kinikilig na sabi ni Carriane. Kung di ko lang kaibigan/PA itong babaeng ito matagal ko ng sinesante ito.


"We are running late already. Tara na."


Kinuha ni Leto ang mga gamit ko at inilagay sa likod ng sasakyan ni Wyatt. Inalalayan niya rin akong sumakay sa sasakyan. Sinalubong ako ng pamilyar na amoy. His scent is still the same.


"Ingat po kayo ah!"


Hindi ko alam kung nangaasar ang mga ito sa aming dalawa o ano. Naiinis na kasi ako eh.


Hindi nagtagal ay sumakay na rin si Wyatt. Bago nito mapaandar ang sasakyan ay may biglang tumawag dito. Dahil connected ang phone nito sa sasakyan ay narinig ko rin ang tumatawag dito.


"Yow bro! Missing in action ka nanaman ba mamayang gabi?" nakilala ko ang boses ni Sebastian.


"Yeah. I'm going to Baguio. I'll be staying there for two weeks."


"Whoa! Totoo bro?"

Elites 1: Wyatt Hernandez [COMPLETED]Where stories live. Discover now