⚽ Chapter 2 ⚽

18.2K 433 7
                                    

- We Meet Again -

Dominique's POV


Nasa main canteen kami ngayon dahil imi-meet namin ang ibang members ng team. Bukas na ang championship ng football at mahirap ang naging laban nila para marating ang finals. Hindi kami straight wins. May isa kaming talo at ang mga nakalaban namin sa talo na yun ang makakalaban naamin sa finals.


"Dapat pag-igihan natin bukas Nikki. Napagaralan mo na ba ang players nila?"


"Hmm...oo, nung nanood ako sa laro nila pinanood ko kung paano sila maglaro at sa tingin ko magwwork ang naiisip kong plano."


Hindi ako nakalaro sa game na iyon dahil sinugod si nanay sa ospital at kailangan ko siyang bantayan kaya medyo nahuli ako sa laro. Marami ang nagsabi na wala ako kaya natalo ang team pero malaki ang tiwala ko sa mga kateam ko. Alam nila kung gaano kaimportante ang larong ito para sa akin, sa kanila, at sa school.


Habang inaantay ang mga kateam ko ay naglibot ako ng tingin. Pakiramdam ko kasi may nagmamasid sa akin. Nahagip ng mata ko ang magagandang pares ng mata na nakatitig nga sa akin. Si Wyatt. 


Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa mga kateam ko kahit na ramdam na ramdam ko ang titig nito sa likod ko. Nag-uusap pa rin ang mga ito tungkol dun sa laro ng makakalaban namin.


Bakit ba ako tinitignan ng taong ito eh bayad naman na ko sa atraso niya sa akin. Dinala ko na siya sa clinic, hinatid ko pa sa classroom niya. Pagtingin ko sa kanya ay nakatingin pa rin siya sa akin. Shet na malagkit! Yung tingin niya sa akin ay parang....hmm..paano ko ba madedescribe yun.....parang nangaakit ganun. O ako lang talaga. Pero ano bang hitsura ng nangaakit?


"Yiieeee! Si Wyatt Hernandez yun di ba?" sigaw ni Gianne, isa sa mga kateam ko. Hay naloko na. Bakit ba ako kinakabahan? Okay na kahapon eh. Wala na akong atraso. 


Lumingon ang ibang team members namin sa gawi niya maliban sa akin. Alam ko namang si Wyatt yon eh. Eh ano ngayon kung siya may-ari ng school na to? Eh ano ngayon kung mukha siyang maginoo pero bastos naman. Nagpahatid pa talaga. Eh ano kung sobrang gwapo niya?


"Siya ang nagiisang anak ng isa sa mga elitista sa mundo ng negosyo dito sa Pinas. Marami silang pag-aari na businesses. Mula sa mga hotels and restaurants. Binili lang ng mama niya itong school dahil alumnus siya nito." sabi nung isa.


So ganun pala talaga kayaman tong lalaking to. Kaya pala kung makaasta akala mo kung sino. Paulit-ulit man, haaayyy mayayaman talaga.


"Nasa Graduate School na siya at nagttake up ng Masters. Ang alam ko, siya ang magmamana ng kumpanya nila dahil medyo matanda na rin ang mama niya. Kaya siya na rin ang magiging may-ari ng school na ito!" May kasama pa itong impit na tili. Tss akala mo naman mapapansin ka niyan eh mga kauri din niyang mayaman ang gusto niya.


"Eh diba ang bata pa niya?"


"I know right. He's like 23. And he's so handsome! Kaso madalas sa ganyan eh inaarranged marriage nalang." bumagsak ang mga balikat nila na tila talung-talo. Sabi ko sayo 'te eh. Minsan talaga mas gusto ko kausap sarili ko kaysa sa mga kateam ko.


Tumayo ako at pinalo ng mahina ang mesa. "Girls, yung gameplan ang pinunta natin dito hindi para pagusapan yang pinapantasya niyong kung sino mang lalaki yan."


"Nikki talaga. Alam mo...sa ginagawa mo tatanda kang dalaga. Just chill, relax. Alam naman namin na stressed out ka at home and at school pero you're doing good naman eh. Kailangan mo ring magrelax minsan." Eh may kaya kasi kayo kaya ganyan. Scholarship at allowance ko ang nakasalalay sa bawat game ko malamang seryoso ako!


"I even think having a boyfriend will do something good to you. Hindi ka na masyadong strikto, masungit, laging seryoso."


"Actually marami naman talagang nagkakagusto sa iyo eh. Kaso natatakot sila dahil mas matapang ka pa sa kanila."


"Ang priority ko ngayon ang makatapos at mabigyan ng magandang buhay ang nanay ko. Madrama na kung madrama. Saka kaya kong mabuhay ng walang lalaki sa buhay ko." Tatay nga wala ako eh boyfriend pa kaya. Iiwan ka rin naman nila.


Matagal na akong hindi dumedepende sa lalaki mula nung nawala na si tatay at sumama sa iba. Para ano pa ang paghahanap ng batong ipupukpok ko rin lang sa ulo ko.


Sabay-sabay na bumuntung hininga ang mga kateam ko. Wala sa sariling napalingon ako sa kinatatayuan ni Wyatt ngunit wala na ito doon. Buti naman. Makakausap ko na rin ang mga kateam ko. Tinuloy nalang namin ang paguusap tungkol sa paparating na finals.


***To be continued***

Not too much progress in their story for this part. Well, let's take everything slowly but surely, eh? :) :)

Elites 1: Wyatt Hernandez [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant