LabletterniChin(A/N)

1.2M 13.6K 1K
                                    

Author's Note ito hindi update. Ok? You may now leave. Bwahaha ..

Sa mga nag stay .. O sige makinig kayo sa sasabihin ko, get a one sheet of paper. Haha

O eto serious na, ginawa ko to para sa mga katanungan nyo at paliwanag ko.

Unang una .. ay tungkol sa update. Hindi naman talaga big deal sakin ang pag comment nyo ng update, masaya nga yun eh, kasi dagdag comments! Hahaha ..

Sa totoo lang hindi ko in-expect na marami ang magbabasa nito. Kung hindi nyo naitatanong si Jd po ay nanggaling sa unang story ko, so ibig sabihin side story lang po sya! At nakakaloka na mas nagboom pa ang side story kesa sa original story wahaha!

So mabalik tayo sa update. Ako po ay hindi nagsusulat ng isang upuan lang, yung tipong pagtayo may update na. Hihi sa totoo lang inaabot ng isang linggo or kung swerte eh, tatlong araw ay mabubuo ko na yung drafts, kasi pag may idea na pumasok sa isip ko saka lang ako magta type, tapos pag wala na, titigilan ko na, hanggang sa maghihintay na lang ulit ako na bisitahin.ng idea.

Ang idea ko po ay gumagana pag may isang pangyayari or nakakatuwang bagay akong nao-observe o nararanasan, isa na po dun ang comments at votes nyo. Pag may nag comment napapangiti na lang ako tapos biglang daan ni idea, syempre di ko naman palalagpasin yun, punta agad ako ng create tapos type na. Parang si crush lang yan eh, pag nasight na syempre kuha agad ng polbo sabay ayos ng hairlalu at bago pa dumaan si crush eh, maganda ka na! Ayieeee !

Sa simpleng comment nyo natutuwa na ako, nagbibigay na yun ng idea sakin, di ko naman kayo pinilit na magvote at comment diba? Diba? Ayaw ko ding mag update ng makapag update lang yung tipong kahit walang sense yung update eh nagtype pa din, ayokong ma dissapoint kayo sa basta bastang update, na napilitan lang dahil may isang reader na nagdemand at nagmamadali. (may lakad ata?)

So ang sagot sa tanong nyong kelan ang update eh, hindi ko po alam. Depende sa idea. Wag ako ang kulitin nyo, si Idea po! Sya po ang may kasalanan hindi ako hahaha!

Nakakatuwa ding isipin na kahit baguhan pa lang ako sa pagsusulat eh marami pa ding nagbabasa sa kwentong sinulat ng kamay ko at galing sa idea ko.

Like what I write, di ko ine-expect na magboo boom ito. Siguro yung iba sa inyo eh nakita itong story sa what's hot list, non-teen fiction category. Sobrang nakakatuwa yun! Dahil nasa what's hot list po tayo, non-teen fiction and romance category. Bonus po yun para sakin. At syempre thank you sa inyo.

Syempre madami sa inyong nag expect, (oyyy aminin naghanap sya ng bedscene!) kasi may nagmemessage sakin na kesyo bitin yung bs, asan yung bs, bakit walang bs, wahahaha.. Ang story po na ito ay nasa 'non-teen fiction category dahil sa plot, buntisan ang peg eh! Syempre may jugjugan yun! Yes! Opo! may jugjugan effect pero sorry to dissapoint you, i won't write bed scene in one chapter yung tipong isang buong chapter eh puro bed scene, and if I write bs hindi po sya detalyado dahil hindi kaya ng utak ko, tama na yung halikan tapos kayo na ang magtuloy sa inyong malikot na imahinasyon! Kaya nyo na yan! Go!

At isa pa natatakot akong awayin ng boyfriend kong si Watty baka ipabura nya sakin to eh! Conservative po si watty! Huhu malulungkot ako! Ayaw ko din naman mag private o restricted chapter, effort din yung pag follow tapos pag natapos mo ng basahin eh, i-unfollow na! Haha!

So yun, hindi po ito sex story, por que nasa non-teen fiction plus romance. Walang hardcore dito!

Marami ng nakapansin sa inyo ng mga mali ko sa pagsulat like wrong grammar wahahaha naiiyak ako, pero aaminin ko na! Oo bobo ko sa ingles! At trying hard pa! Nakikiramay ako sa mga naiyak sa maling paggamit ko ng ingles! At katulad ng lagi kong nire-reply pag may nakakapuna, ie-edit ko pag may oras na po ako. Waaaaaah! Oras para pag aralan ang English Grammar! Huhu sorry po ulit!

Mananawagan na po ako sa inyo, kung sinong pwedeng mag edit ng chapter kahit yung pa isa isa lang, hiyang hiya na kasi ako talaga sa mga nagrereklamo sa grammar. Di naman ako nagagalit, nahihiya pa nga ako eh, kulang na lang lumubog ako sa kinatatayuan ko pag nababasa ko yung mga comment nyo. So sana, matulungan nyo ako.

Kung pwede ka, paki message na lang ako ah? Salamat in advance! Alabyu.

Sa mga nagsasabi na kung pwede tayong maging friends eto po ang procedure...

Please dial 00-1234-56 and look for my secretary or my ex-boyfriend Ian Somerhalder. Or type on your phone my cellphone number 09123456789 10000 and send to 808.

Pag nareceive ko na po yung load ayown! Friends na tayo forever and ever! Wahaha

Seriously speaking, sa mga nagpopost sa MB ko at nagme message sakin, PRENDS na tayo! Agad agad! Ganun lang kadali! Chocolate ko ah! Haha nakakatuwa yung mga taong ganun na nag oofer ng friendship. Nakaka overwhelm!

Sigurado ka na ba jan sa desisyon mo? Gusto mo kong naging kaibigan? Haha

Lahat naman po tayo dito prends. Wag kayong mahiya, hindi ako halimaw! aswang lang! Message me anytime at magrereply naman po ako.

At di rin ako yung tipo ng writer na pa mystery effect! Yung tipong mababaliw ka sa katauhan nila. Feel free to view my facebook account and twitter account! Sa facebook nyo makikita ang modernong aswang! At bago nyo ko ifollow sa twitter magdalawang isip muna kayo! Gumawa lang ako ng twitter dahil sa pagkaadik ko sa My Husband's Lover! Pag MHL time na, online na din po ako sa twitter, nakiki power tweet po ako sa bawat trending! Aside from that yun lang po ang silbi ng twitter sa buhay ko! Ang subaybayan ang buhay ni Lally, Vincent at Eric! Haha

See the link on my profile!

Don't expect me to update pag weekend, busy po ako sa araw na yan, that's my laba day, linis day, at pahinga day hihi .. weekdays po ang update ko.

Pero araw araw akong online libre wifi dito eh! Hihi nababasa ko yung mga comments nyo at minsan di ako agad makareply kasi busy ako.

Maraming salamat sa mga nagbabasa at naghihintay ng update, pati na din sa mga nagme message sakin via MB, Inbox, Chat, at FB. Thank you po! Godbless!

So yun sana naintindihan nyo na po.

- Just call me Chin or Ate Chin ..

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon