Bromance

1.2M 16.2K 3.5K
                                    

Asha's POV

"Eh bakit kasi kailangan dalawa pa kayong sumama sakin?" asar na tanong ko kay Jd at Ivan na nasa harap ng sasakyan. Papunta kasi kami sa bahay namin at bibisitahin ko si Ate. Dalawang linggo na din ang nakakaraan simula ng mamatay si Kuya Daniel, I know she's still moving on at gusto ko syang damayan.

"Eh baka kasi magwala yung baliw mong kapatid at di ko kayanin, mas mabuti ng kasama ko si Ivan atleast may aawat."

"So ganoon Sir? Ako na naman ang shield?"

"Hindi. Referee ka lang."

"Another payment for being a referee."

Nagsimula na naman ang mag amo at ako'y naiinis na naman.

"Hoy baka nakakalimutan mong ako nagbayad ng kinain nyo ni Andrea sa Tagaytay."

"Dapat lang! Nang distorbo ka ng date eh."

"Hoy ako pa ngayon?"

"Hindi. Hindi. Ako yun. Ako!" asar ni Ivan.

"Isa pa, babawasan ko sweldo mo!" asar na si Jd pag ganyan.

"Sabi ko nga ako eh." mas mababa ang boses na sabi ni Ivan na tila natakot sa sinabi ni Jd.

Napapa iling na lang ako sa mag amo na ito. Ang sakit lang nila sa ulo. Napapirap na lang ako sa bangayan nila.

"Sabado ngayon. Dagdag dapat 'to." bulong ni Ivan.

"Oo alam ko. Bubulong bulong ka pa jan." sita ni Jd

Lumingon si Ivan na nakangiti kay Jd at pinalo sya.

"Kaya mahal na mahal kita Sir! Ang bait bait mo eh!"

"Oo nga eh. Kaya ang mahal din ng bayad mo!" inis na sabi ni Jd kay Ivan.

"Ganoon talaga Sir! Wala ng libre sa mundo. Lahat pinaghihirapan at pinagbabayaran."

Hindi man sinasadya ay nagka double meaning sakin ang sinabi ni Ivan. Yeah .. Dapat lahat pinagbabayaran at .. pinaghihirapan. Napabuntong hininga na lang ako sa naisip ko. Di pa ba sapat? O kulang pa? Actually di ko pa nga napagbabayaran.ang nagawa ko kay Ate and I know sobrang hirap ng sitwasyon nya ngayon. Dalawang tao na ang nawala sa kanya. Kaya alam kong galit na galit sya sakin ngayon.

"Yun naman pala eh. So alam mong bawas sa sweldo mo ang kinain nyo ni Andrea?" napalingon ako sa sinabi ni Jd.

"Sir naman! Wala sa usapan yun! Ang hard mo naman! Para naman tayong walang pinagsamahan nyan!" sabi ni Ivan.

"Sa susunod kasi isipin mo yung sasabihin mo! Hindi yung puro ka dakdak jan!"

"Opo Sir." sagot ni Ivan sa mapaagkumbabang tono.

"Hey Babe are you ok there?" lumingon si Jd sakin ng huminto kami sa stop light. Sya kasi ang nagda drive.

"Ok lang ako. Ituloy nyo lang yang bromance nyo." natatawang sagot ko.

"Psh." irap ni Jd kay Ivan, tapos nag beautiful eyes sakin. Natatawa at nangungunot noo na lang ako sa ginagawa ni Jd. Marahan kong pinitik yung ilong nya na ikinatawa namin.

Kasunod noon ang mahabang busina ng mga sasakyan sa likod namin, naka go na pala.

"Ayan kasi. Sige landi pa!" asar ni Ivan samin.

Bago tuluyang paandarin ni Jd ang sasakyan ay binatukan nya muna si Ivan. Ang hard talaga nitong asawa ko, minsan naaaawa na ko kay Ivan. Pero alam ko naman na harutan lang nila yun.

"Sir pag ako nabobo kasalanan nyo." banta ni Ivan.

"Matagal ka ng bobo sinisi mo pa ako."

Naiiling na lang ako sa usapan nila pag itong dalawa na'to ang nag usap at nagsama hindi sila mauubusan ng topic hindi uso sa kanila ang silent type.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon