Downfall

1M 12.3K 2.4K
                                    

Asha's POV

"Babe pwede ba tayong mag usap?" sabi ni Jd sa mababang tono.

Kasalukuyan kong inaayos ang pagkakahiga ni Mayu, maayos na syang natutulog sa kwarto namin ni Jd.

Minabuti namin na itabi sa pagtulog si Mayu,para naman namomonitor namin ang kalagayan nya, any moment pwede syang atakihin ng seizure nya kahit natutulog sya.

"Jd mamaya na .." kalmadong sagot ko at pinagmasdan si Mayu.

Masakit pero kailangan naming tanggapin na hindi mabubuo ang araw namin ng hindi sya inaatake. Pero kahit hindi sya atakihin ay kalbaryo pa din na maituturing ang sitwasyon namin.

Apat na gamot ang iniinom ni Mayu sa loob ng isang araw. Tatlo sa gamot na ito ay dalawang beses nyang tine-take. Pahirapan ang pagpapainom ng gamot kay Mayu, bawat subo nya ay may kaakibat na iyak.  Iyak na karugtong ng sakit ng damdamin namin.

"Sorry .." lumingon ako kay Jd at nakita syang nakatungo.

"Hindi naman ako galit Jd, i was just too stressed out nung nalaman ko yun, pero hindi mo maalis ang masaktan ako sa nalaman ko, tinago mo sakin ang isang napaka importanteng bagay."

"I know it's all my fault." tumingin sya sakin at hinawakan ang kamay ko. He kissed it and i saw that's he's guilty.

"Wag na nating gawing big deal 'to. We need to be strong for Mayu." i squeezed his hand and smile.

"Gagawin ko ang lahat Babe,  promise." napangiti na lang kami at tinabihan si Mayu.

"Goodmorning Mayu!" bati ni Jd sa bagong gising na si Mayu. She just give us a sweet smile. Kinarga sya ni Jd at lumabas sila. "C'mon let's wake up Miyu and your Kuyas!"

Bumaba naman na ako para asikasuhin ang pagpasok nila Iko at Elo, nakita kong nasa baba na sila Mommy at Ate Ella. They preparing breakfast, nandito sila para tulungan ako, si Ate Ella ang tumatabi kay Miyu sa pagtulog sa gabi, si Mommy naman ang kasama nila Elo at Iko. I don't want to be unfair sa mga anak ko, but Mayu needs our hands on attention.

"Morning Nay, morning Tita, morning Lola!" bati ni Elo kasunod nya si Iko. Si Jd naman ay nakasunod sa kanila karga sila Mayu at Miyu.

"Oh seat down .. kain na kayo . " pinaghila ko ng upuan sila Iko at Elo at pinaghain. Habang kumakain sila ay hinanda ko na ang pampaligo nila at ang mga gamit nila.

Si Jd naman ay nasa sala at nilalaro sila Miyu at Mayu.

"Nay di po kami magyu-uniform may family day po kami ngayon." sabi ni Iko pagtapos nilang maligo at hawak ko na ang uniform nila.

"Nay dapat kasama sila Miyu at Mayu pati si Tatay." nagulat ako sa sinabi ni Elo at napatingin kay Mommy.

Agad na lumapit si Ate Ella. "Elo pwede bang si Tita na lang ang sasama sayo? Tapos sasama din si Lolo at Lola para complete family?"

"Tita sabi ni Teacher, parents daw saka sisters." nag pout pa ito.

"Nay ayaw nyo ba pumunta?" tanong ni Iko.

"No. Hindi kasi pwedeng lumabas si Mayu ngayon, kung gusto nyo, Miyu can come with you."

Lahat kami napatingin kay Jd na karga si Mayu habang naglalaro si Miyu.

"Ok." halata ang disappointment sa mata nila.

"Oh c'mon magbihis na kayo .." dinala sila ni Ate Ella sa taas para mabihisan.

Lumapit ako kay Jd and sat beside him. I'm disappointed too.

"You can go with them ..ako na lang ang mag aalaga kay Mayu." sabi ni Jd.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon