Exercise

1.7M 17.5K 5.9K
                                    

[ Para sa'yo dahil naka relate ka.Maraming salamat! ]

Jd's POV

Good news! Kambal ang anak ko! At parehong Junior pa! Wala kayo sa lolo ko! Hahaha .. Nakauwi na kami sa Hotel at ngayon nga ay nakaupo na.

"Hungry." napatingin ako kay Asha ng sabihin nya yun. It's five in the afternoon. Medyo kinabahan ako pero kaya pa yan! Pag sinabi nyang hungry dapat pakainin.

"What do you want Babe?" tumagilid ako ng upo at humarap sa kanya. Lihim na nananalangin na sana po wag mahirap ang gustuhin nya.

"Hmm .." hinimas nya ang tummy nya. At bawat paghimas nya ay lihim ko din na kinakausap ang dalawang nilalang sa tyan nya. Babies bati tayo diba? Please wag pahirapan ang Daddy. Bubuin ko pa ang internal organs nyo mamaya, wag nyo kong pagudin at baka mawalan ako ng lakas.

"Gusto kong bagoong." huh! Akala nyo ah! Meron ako nyan! Nung nakaraan pa ako bumili dahil ayon sa pagre-research ko number one na hinihingi ng mga nagdadalang tao ang bagoong at wag kakalimutan ang isang pinaka importanteng bagay..

"Tapos gusto kong maasim .." grabe Jd! Ang galing mo talaga! Kaya mahal na mahal ko sarili ko eh.

"Alam ko na yan Babe! Leave it all to me.." sabay smirk at talikod.

Kinuha ko yung bagoong sa pinakalikod ng ref kung saan di madaling makita. Nilabas ko at naglagay sa platito.

"Here's your bagoong Babe .." nilapag ko sa harap nya yung bagoong. "Sandali lang yung mangga." tumalikod ako para halukayin sa malaki kong taguan ang maasim na mangga. Akala nyo ha! Prepared ata ito!

"Huh? Anong mangga?" naestatwa ako at kinabahan, tila ata sumablay ako sa pagkakataong ito. Easy Jd, wag kang kabahan, chillax lang.

"Eh ano pala?" tanong ko sa kanya ng humarap ako.

"Gusto ko ng Apple." napaisip ako, apple at bagoong? Shet! Ito na yata yung sinasabi sa article na nabasa ko, nag iiba daw ang taste buds ng mga buntis at pinag mi-mix ang dalawang magkaibang pagkain. Napalunok ako at napahawak sa table.

"Apple?" nagningning naman yung mata ko ng masilayan ang tumataginting na apple sa lamesa. Nasa akin ang alas.

"Yup. Apple." ulit nya at nag open ng tv.

"Ok. Apple." in-extend ko ang kamay ko at handa ng abutin yung apple nang ..

"Uhm .. i want green apple ah, not red." and boom. Nayakap ko ng di oras ang lamesa, napasubsob ako, parang bula na naglaho ang confidence ko! Palpak ang preparations!

Napatayo ako at lumapit sa sala kung saan nakasabit yung jacket ko. Sisimulan ko ng mag treasure hunt ng green apple. Baka mapalabas ng agad ang mga anak ko at sila ang maghanap ng green apple na yan! Tss ..

"I'm going, babalik ako agad! Wag mong ubusin yang bagoong." bilin ko pa dahil iniunti unti nya ng papakin ang bagoong.

Lumabas na ako at naglakad pero hindi ako dumiretso sa elevator, sa unit ni Ivan ako pumunta. Syempre partners kami eh! Kumatok ako at wala pang ilang minuto ay lumabas na sya, naka shirt at naka short sya. Walang sabi sabing hinila ko sya palabas.

"Teka Sir! Di ako papalag alam ko yan! Wag mo naman akong molestyahin!" huminto ako at sinapok sya.

"Kapal ng mukha mo, ikaw momolestyahin ko?!" sigaw ko sa kanya.

"Easy lang Sir. Puso mo." babatukan ko sana ulit kaso .. "Tara na Sir. Alam kong gwapo ako, wag kang masyadong halata." lumakad na sya.

Lintik talaga itong lalaki na ito! Ang sarap upakan.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon