Jd's Tears

1.2M 15.4K 5.2K
                                    

Dapat walang update ngayon. Kaso di ko talaga kayo matiis eh. Sabi nga nila kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan XD Sana ma-appreciate nyo :))

Ivan's POV

Ako na ang Assistant na all around, as in all around.

Kasama na ang tagaawat at referee .. Tengeneng yan! Kulang na lang pumito ako sa gitna ng hotel staff at ni Jd .. Ayaw magpaawat ng gwapo kong amo. Hindi ko din naman sya masisi dahil asawa nya ang nawawala .. Kahit naman siguro ako pag nawala ang asawa ko mababaliw ako. Speaking of Asawa eto na at tumatawag na ang mahal kong asawa.

Calling ..
Andrea Kulengleng

"Hello Andrea Kulengleng?" bati ko sa baliw kong asawa.

"Hoy Ivan'tot! Nasaan ka na naman?" sigaw nya sakin.

"Aba't!" pinikit ko ang mata ko at pinigilan ang init ng ulo  ko. "Malamang nagtatrabaho no?"

"Nagtatrabaho? Anong oras na! Alas syete na kaya! Siguro nambabae ka na naman."

"Para sabihin ko sa'yo Kulengleng, walang oras ang trabaho ko, at wala sa bokabularyo ko ang mambabae." sagot ko.

"Oh bakit guilty ka? Nasaan ka ba? Umuwi ka na!" lumingon ako kay Sir Jd na halos makalahati na ang lsman ng isang boteng alak. Kanina pa umiinom yan pagkatapos tumawag sa isang investigator para paimbestigahan yung baliw na kambal ni Asha.

"Ok .. Ok .. uuwi na ako."

"Bilisan mo ah!" napabuntong hininga na lang ako sa sungit ng asawa ko.

Pagkababa ko ng phone ay lumapit ako kay Sir Jd at para magpaalam.

"Sir, aalis na ako." tapik ko sa balikat nito.

"Asha..." kahit nakapikit ay binabanggit pa din nito ang pangalan ng asawa nya. Halatang umiiyak ito.

"Sir .." kalabit ko pa ulit. Iminuwestra naman nito ang kamay nya na tila pinapaalis na ako.

Hindi na lang ako sumagot at lumayo na,kung hindi lang dahil sa asawa at mga anak ko, di ako aalis, dahil kahit paano nag aalala pa din ako sa kalagayan ni Sir Jd. Di lang amo ang turing ko sa kanya, kundi isang matalik din na kaibigan. Sa mga oras na nangangailangan ako lagi syang nanjan at madaling lapitan, gustuhin ko man tumulong sa problema nya pero di ko naman kaya, wala akong alam sa pinagumpisahan ng lahat at kung bakit nangyayari ito.

Ibinilin ko sa guard ang  unit ni Sir Jd, nag iwan ako ng calling card in case man na may mangyaring di maganda, eto ang mahirap sa mahirap eh, naiwan ko yung kotse ko sa company kaya naman magta-taxi ako ngayon, at sana naman pagod na ang bunganga ng maganda kong asawa para naman matahimik ang mundo ko.

Pagkadating ko sa bahay ay kita ko na agad ang maganda at sexy kong asawa sa may pintuan ng bahay. Oo sexy talaga ang asawa ko. Kahit na tatlo ang anak namin ay maganda pa din sya.

"Hi Andrea Kulengleng!" hinalikan ko sya sa pisngi.

"Ivan'tot! Umamin ka nga sakin! Nambabae ka ba?!" nakapamewang na sabi nya pagkatapos isara ang pintuan.

Eto na naman po tayo, kailangan ko na naman humarap sa mahabang interrogation.

"Andrea kulengleng .." hinawakan ko sya sa magkabilang braso habang nakapamewang. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ikaw lang ang nag iisang babae sa buhay ko? Ikaw lang ang nag iisang baliw na mahal ko. Ok?"

"Bakit ginabi ka na naman?" asar na tanong nya. Alam kong pag di na sya sumigaw ay di na sya galit.

"May problema  si Sir, tinulungan ko lang." sagot ko.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon