Jelly

1.5M 19.3K 7K
                                    

[ This is for you! Salamat sa mabilis na pag edit ng chapter 2 :)) ]

Jd's POV

"Bwaaaaaaaakkkk .."

Pagkarinig ko pa lang ng pagsuka ni Asha ay napamulat na ako. Tumayo ako agad at naghanap ng baso at tubig. Sa sobrang pagkalito ko, natapon pa yung baso ng tubig na hawak ko kaya pagdating kay Asha ay kalahati na lang. Nakita ko syang nakaharap sa bowl at nagsusuka.

Pang ilang araw na ba syang ganyan? Pero di pa din ako nasasanay. Nagigising ako sa umaga na naririnig ang pagsuka nya. Nalilito at nagugulantang pa din ang mundo ko tuwing umaga.

Lumuhod ako at lumapit sa kanya, hinawakan ko sya sa balikat at likod, hinimas himas ko yun para naman kahit paano eh mabawasan ang hirap nya.

"Ok ka na?" tanong ko ng hinilig nya yung ulo nya sa dibdib ko. Nanghihina syang tumango. Tinulungan ko syang tumayo at hinarap sa lababo para makapaghilamos. Gamit ang kanang kamay ko ay, sinahod ko yun sa gripo at ako ang naghilamos sa mukha nya, talagang nanghihina si Asha dahil nakapikit syang nakahilig sa dibdib ko. Wala na akong pakialam kung mabasa man yung shirt na suot ko.

Inakay ko sya papunta sa kama, hiniga ko sya sa dalawang unan na magkapatong. Nakita kong basa yung shirt nya kaya naman kumuha ako ng bago.

"Babe .. Papalitan lang kita ng damit ahh?" tinuyo ko yung mukha nya at bahagyang hinimas yun. Marahang tumango lang sya.

Sinimulan kong tanggalin yung tshirt nyang basa, and I can see her naked body, yes, nakedly, pero yung urge na gahasain sya ay pinigilan ko, kaya pikit mata kong sinuot yung tshirt na malinis, nang masigurado kong wala na akong makikita ay dumilat na ako. Inayos ko yung shirt nya at inayos ko na din sya sa pagkakahiga.

I kiss her forehead at siniguradong tulog na sya bago ako nagpalit ng shirt ko at lumabas. Nang nasa kusina na ako, nag isip ako ng lulutuin ko, masyadong maselan sa pagkain si Asha. Kung ano ang magustuhan dapat ibigay, di mo lang mabigay ng 30 minutes magagalit, sobrang hot tempered, ang daming ayaw, ang daming napapansin.

Feeling ko nga habang lumalaki yung tyan mas lalo syang lumalala, grabe lang sa init ng ulo, kapag galit sya, galit talaga! Pag gusto, gusto! Dapat ibigay mo, or else mag aaway lang kayo.

Ang tagal ko ng nag iisip dito pero di padin ako makapagdecide, bumalik na lang ako sa kwarto at sinilip sya. Ang peaceful ng pagkakatulog nya, so tumabi ako sa kanya at humiga.

Di nyo lang alam kung anong nangyari sakin kagabi! Grabe! In the middle of the night naghanap lang naman sya ng puto! Jusmiyo! Nagulantang ako nun! Unang una! Saan lupalop ako ng Japan hahanap ng puto? Pangalawa kung meron man! Dis oras na ng gabi!

Gusto kong magwala sa sobrang frustrate, pagod ako sa trabaho tapos hahanapan ako ng puto? Pwede pakamatay na?!

Pero dahil mahal ko sya, at matalino ako, tinext ko si Ivan na ihanap ako ng puto! Wala na! Damay damay na ito!

Luckily, bago pa mapariwara ang buhay naming dalawa, may nakilala kaming Filipino citizen sa lobby ng Hotel, nagtanong sya kung anong problema namin.

Di namin alam na Chef pala sya. Kaya ayun! Pinagluto nya kami ng Puto, Japanese version. Madaling araw ng maihain ko yun kay Asha. Sobrang excited ako at feeling great dahil naibigay ko na naman ang kaartehan nya -este kagustuhan pala ng Baby. Pero yung energy kong nag level up ay bigla ding naglandfall dahil pagtapos ng dalawang subo ay inayawan nya na. Ilang beses ko pa syang tinanong kung ayaw nya na ba talaga. At tinulugan nya na ako. Sa sobrang disappointment ko, ako na lang tuloy ang kumain, masarap pa naman!

So yan ang dahilan kaya ako napuyat at muling matutulog ngayon. Pero wala pa atang 30mins ay ginising nya na ako.

"Jd!" naramdaman kong may humampas sa braso ko, pero talagang inaantok ako kaya di ko na lang pinansin.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon