Marijuana

968K 13.1K 2.4K
                                    

Ivan's POV

"Mahal kong asawa so sweet!" tawag ko kay Kulengleng na nagluluto sa kusina, eh alangan naman sa sala?!

"Ano na namang kalandian yan Ivan'tot?"

"Hehe ..mangangapitbahay lang ako Kulengleng."

"Saang kapit bahay?"

"Syempre sa boss ko! Sino pa ba ang kalapit nating bahay?!" slow talaga nitong asawa ko.

"Wala kong tiwala sa pangangapitbahay mo na yan eh! Nung isang araw nagpaalam kang sa kapitbahay lang ang punta pero nakarating ka ng kanto!"

"Hehe .. aalis nako Kulengleng!" paalam ko sa panenermon ng asawa ko.

Nadaanan ko pa ang mga anak ko na nasa sala.

"Daddy where are you going?" tanong ni Dara sakin.

"Jan lang .."

"Kina Tito Dale? Pabigay naman 'to kay Elo!" inabot nya sakin yung isang notebook.

"Ikaw ke bata bata mo pa, loveletter na yang inaatupag mo!" panenermon ko kay Dara.

"Dad, notes lang yan! Ang OA mo! Jan ka na nga!" at ang maldita kong anak ay tinalikuran ako.

Naku. Magkaanak ka nga naman ng ganyan ka maldita ewan ko lang kung di mo talaga matiris ng di oras.

Pumunta na ako sa bahay nila Dale, pinapunta nya daw ako to discuss something, pag re-report-in siguro nya ako dahil one week na syang naka leave, naconfine kasi si Mayu at nagkasakit kaya todo alaga sya.

"Sir nasa study room po sila." bungad ng katulong na nagbabantay sa mga anak ni Dale.

"Hi kids!" bati ko.

"Hello!" bati din nila.

"Hello Tito Ivan!" bati ni Mayu at tumayo sya; lumapit sakin at hinalikan ako.

Tuwang tuwa talaga ako sa batang ito, napakaperfect nya, sya yung batang pinapangarap ng kahit na sinong magulang, mabait, bibo, matalino, maganda at napaka sweet.

"Mayu pumayat ka ah .. ok ka na ba?"

"Yes Tito I'm fine !" kahit hindi sya nakangiti ay kita naman ang ngiti sa mga mata nya.

"Eh ikaw po, ok ka po?" tano.g nya sakin.

"Eto gwapo pa din." biro ko.

"Hihihi .." natatawang tumalikod sya.

Iniwan ko na sila at umakyat na ako papuntang study room.

Nasa taas na ako ng makita kong lumabas sila Asha, at pamilya nya. Lahat sila umiiyak. Bakas ang lungkot sa kanila, kumpleto sila, with Karla, Veronica, Ella, at ang parents nila.

Gusto kong magtanong pero tuloy tuloy lang sila sa pagbaba ng hagdan. Nang nasa harap na ako ng pinto ay dahan dahan akong pumasok, pagbukas ko pa lang ay ramdam ko na yung negative aura, something's not right, i saw the elder Aragon, Dianne and Jd ..

They give me an accomodating look, while wiping their eyes. Iba talaga yung pakiramdam ko.

"Good Morning Mr Aragon, Miss Dianneara .." bati ko sa dalawang matandang Aragon, yung Dad ni Dale at Dad ni Dianne.

They smile at in-offer ang isang upuan. Si Miss Dianne ang unang nagsalita.

"You know Ivan , hindi ka na naiiba samin, para ka na ding pamilya, so we decided na ikaw na ang papalit pansamantala sa posisyon ko." hindi sapat ang salitang gulat sa reaksyon ko, dahil halo halong emosyon ang naramdaman ko.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon