Chapter 4: Tamang Hinala

14.5K 287 9
                                    




= 4 =






PITAH P.O.V






Katatapos lang ng klase namin, kaya naman dumiretso kami ng barkada sa dating bahay namin. Grabe ang tagal na rin pala bago ulit kami nakabalik dito, dun na kasi kami umuuwi sa kanya kanyang bahay namin simula ng maging okay na kami sa parents namin.






"Hoy Traviz saan mo nanaman dadalin si Lian?!" - sigaw ni MC.





"Lul! May kukuhanin lang kami sumama ka pa!" - sigaw ni Traviz.





Pumasok sila sa kwarto at maya maya lumabas na rin dala dala yung laptop niya, hinihiram pala ni Lian.






Umupo silang dalawa sa couch, habang sila Kai at Glecy naman naghahanda ng memeriendahin namin.





Si Tricia at Mondragon naman nag e.Xbox.





"Lul ka! Talo ka na kasi ayaw mo pa tanggapin!" - sigaw ni Tricia kay Mondragz.





"Babawi ako! At pag natalo ulit kita may kiss ulit ako!" - humahalalhak na sabi ni Mondragz.






"Kailan pa tayo naging si Traviz at Lian?!" - natatawang sabi ni Tricia saka itinuon ang mata sa LCD ng tv.





"Baby Yans! Juice oh!" - sigaw ni Miggy saka inabutan ng juice si Yanessa na kanina pa nag.ke.candy crush.





Si Reno naman nagpaplants vs. zombie.





Si Kollins naman katabi ko dito sa isang couch, hawak hawak niya ang kamay ko habang nakatungo sa balikat ko at nakapikit.





"TAO PO!! PAPA KENNETH ALAM KONG NANDITO KA!!"





Hahaha! Kilalang kilala ko na yung boses na yon! Si Ellaine!





Pagkapasok na pagkapasok nila dito sa loob tumabi kaagad si Ellaine kay Kenneth at dumantay siya dito.





"Papa Kenneth! Nakakapagod sa school namin!" - reklamo ni Ellaine.





"Gagawin ko?!" - naiinis na sigaw ni Kenneth!





"Kiss mo ko! Yieee.. Kikiss na niya ako!"





"Psh..manahimik ka naman kahit isang oras lang!!" - sigaw ni Kenneth.






"Pag ba tumahimik ako matutuwa ka?!" - sobrang taas talaga ng boses nitong si Ellaine!






"Hindi lang ako matutuwa! Magdiriwang ako!" - sarcastic na sabi ni Kenneth.





"Okay!! One hour!! Para sa Papa Kenneth ko!!"





Napahagalpak ako ng tawa ng parang nilock pa ni Ellaine ang bibig niya na parang zipper!





Napatingin naman ako kay MC at Jazmine, ang sungit talaga ng mukha nitong si Jazmine.





"Kumusta school?" - tanong ni Jazmine kay Mc.





"Okay lang." - ngiting ngiti na sabi ni Mc.





"Okay lang? Bakit may pasa ka jan sa gilid ng bibig mo?! Nakipag away ka ba ha?" - sigaw ni Jazmine.





"Mapatrouble lang..sorry na."





"Sinong mas lamang ikaw o yung kaaway mo?!" - napanganga ako sa anong ni Jazmine!





"Syempre ako!!" - pagyayabang ni MC!





"Talaga?" - dun ko lang napansin ang kaunting pagngiti ni Jazmine.






"Oo naman! Laka--" - biglang hinalikan ni Jazmine si Mc! Sandali lang yon pero napatulala si Mc!






"Good. Ngayon alam ko ng mapagtatanggol mo ako!" - nakangiting sabi nito. Grabe ha? Nakakatawa sila.





Napansin ko naman ang pagkunot ng noo ni Traviz, ganun din si Lian.





"Sino nga 'to?" - naiiritang tanong ni Lian habang nakatingin sa laptop ni Traviz.





"Wala nga." - naiinis na sagot ni Traviz.






"Eh bat galit ka?! Nagtatanong lang naman ako." - sigaw ni Lian!





"Ilang beses mo na ba itinanong saakin yan ngayon?" - pansin ko sa boses ni Traviz na balisa siya.






"Eh pano ang dami niyong pictures dito sa laptop mo!!" - sigaw ni Lian!






"Edi burahin na! Problema ba yon?"





"Bat naiinis ka?"





"Aish!! Daming tanong!!" - sigaw ni Traviz saka humiwalay sa pagkakayakap sa bewang ni Lian, umalis si Traviz at pumasok ng kwarto nagtalpak pa 'to ng pinto.






Napansin ko namang paiyak na si Lian. Kinuhit ko si Kollins.





"Uhm?"





"Nag away si Traviz saka si Lian."






Tinignan ni Kollins si Lian, biglang tumulo yung luha nito. Lumapit ako sakanya, si Kollins naman nakatingin lang saakin.






"A-ayos ka lang?" - tanong ko.. Umiling iling si Lian.






"Ngayon lang niya ako sinigawan ng ganito Pitah, dahil lang jan sa picture na yan!" - sigaw ni Lian saka padabog na inilapag yung laptop sa lamesa, hinila ni Kollins yung laptop at napansin kong kumunot ang noo ni Kollins ng makita yung picture.






Tinignan ko si Kollins at tinanong ko siya sa mata. Umiling siya pero kita ko sa mata niyang may alam siya.






"Nasaan si Traviz?" - tanong niya saakin.






"Nasa kwarto." - sabi ko, tumayo si Kollins at akmang pupunta sa kwarto, nilapitan ko siya at hinila ko sa kamay.






"Sino yon?" - tanong ko.






"Tignan mo yung picture, pupuntahan ko lang si Traviz." -sagot niya saakin.






Kinuha ko yung laptop dun sa lamesa at napalunok ako ng makita ko kung sino ang babaeng kasama ni Traviz.






Ang first love niya.


****

Student Terror 2: Revenge of the RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon