Chapter 30: We got married. Lol

14K 282 14
                                    






= 30 =



PITAH P.O.V




"Hi baby!!" Napatawa ako nang mag online na sa skype si Kollins, oo nakaalis na siya, pati si MC, Traviz at Yanessa.. Si Reno at Kai.. Dalawang buwan na rin ang lumipas.



"Nakikibaby ka na rin ha?" Nakangiting sabi ko sakanya, "Hindi naman masamang lambingin ang mapapang asawa ko diba?" Pambobola niya, biglang nag init ang mukha ko dahil sa sinabi niya, araw araw niyang pinapaalala saakin na babalik siya at magpapakasal kaming dalawa, alam ko sobrang tagal pa non, pero naniniwala naman ako na matutupad yon.



"Kumusta ka diyan?" Tanong ko sakanya, ngumiti siya "Ayos lang ako, medyo nakaka-adjust na ako sa mga bagong kaklase ko. Nagsisimula na rin akong pumasok tuwing saturday sa company.. Alam mo na pinag hahandaan ko ang kasal natin." Nakatawang sabi niya.



"Sus, kapag yang kasal na sinasabi mo hindi natupad lagot ka saakin!" Sigaw ko, tumawa naman siya. Napansin kong naghuhubad siya ng tshirt niya! "Hoy! Anong ginagawa mo?!!" Hiyaw ko sakanya, narinig ko naman ang pag ngisi niya. "Relax, magpapalit lang ako." Aniya, nanlaki ang mata ko nang mapansin kong medyo nagkaka-abs na siya, badtrip talaga, habang tumatagal lalong gumaganda ang katawan niya.



"Syempre baby, bukod sa paghahanda ko sa future natin. Nireready ko na rin ang katawan ko para sa pag-gawa kay baby Strawberry." Nanlaki ang mata ko at halos sumabog na ang mukha ko sa sobrang pula! "Nakakainis ka!!" Hiyaw ko sakanya, pero tinawanan niya lang ako. "Hahaha! Araw araw akong nagwo-work out para naman pagbalik ko malakas ako." Bwisit talaga itong lalaki na 'to..




"Ikaw, lalo kang gumaganda ah.. Baka naman may umaaligid na sayo na iba diyan." Napansin kong napalitan nang pag aalala ang boses niya, "Sa tingin mo ba magpapaligaw ako kung sigurado na ako na ikaw na ang mapapang asawa ko?" Nakangiting tanong ko sakanya, napansin ko naman ang pagliwanag ng mukha niya.



"I love you." Bulong niya, "I love you too..." Nakangiting sagot ko, "Babalik ka ha? Hihintayin kita.." Sabi ko sakanya, tumango tango naman siya.



"Pano? Out na ako, late na ako sa kasal nila Mondragz!" Paalam ko sakanya, "Osige, mag ingat ka. I-congrats mo ako sakanilang dalawa." Yun lang at nag out na ako, kinuha ko na ang pouch ko at sandali akong tumingin sa salamin, maayos naman ang itsura ko. Sabi nga ni Kollins, ang ganda ko daw.



Lumabas na ako ng kwarto ko at nagmadaling pumunta sa simbahan.



"Gosh! Ang ganda niya." Bulong ni Ellaine sa tabi ko, naglalakad na ngayon si Tricia papunta sa altar, napatingin naman ako kay Mondragz na ngayon ay gwapong gwapo sa suot niya, ngiting ngiti siya pero kasabay non ang maluha luha niyang mata, masaya siguro siya dahil sakanya na talaga si Tricia. Haaay, kami ni Kollins matagal pa ang kasal, pero okay lang. At least may pinanghahawakan na akong salita mula sakanya.




Ako, si Miggy, Glecy, Ellaine, Lian at Kenneth ang nandito ngayon sa kasal. Sayang nga lang at hindi kumpleto ang barkada, si Kollins sana ang best man pero dahil wala siya si Miggy at Kenneth ang kasama ni Mondragz ngayon. Brides maid naman ako ni Tricia, nagkabati na rin kaming dalawa, parang biglang wala nalang yung tampuhan namin nung nakaraan.



Nag aaral pa rin ako, magkaklase kaming dalawa ni Miggy sa Culinary Arts, si Glecy naman pinanindigan ang pagtou-tourism. Si Kenneth naman Engineer ang peg, si Ellaine naman malapit ng gumaraduate ng high school. Si Lian naman 4th year na sa pasukan, palagi din silang nag cha-chat ni Traviz, haaay pinanindigan din nila ni MC ang pagtetraining sa Korea, 2 years daw ang training nila bago sila i-debut. Nakakatuwa lang dahil pare-pareho na kaming may mga gusto sa buhay, at iba iba yon.



Pagkatapos na pagkatapos ng kasal hindi kami dumiretso ng barkada sa reception, sa bahay namin kami nagpunta! Maging si Mondragz at Tricia walang pakialam sa ibang guest.




"Para sa bagong kasal!" Sigaw ni Kenneth! "Cheers tayo jan!!" Sigaw ni Mondragz at muling inangkin ang labi ni Tricia, sobrang saya lang nila tignan, yung ngiti ni Mondragz hindi na maalis alis, si Tricia naman kahit hindi ipakitang masaya siya, kita naman sa mata niya yung saya at yung pagmamahal niya kay Mondragz.




Kapit na kapit din siya sa kamay nito na para bang natatakot siyang mawala ito.. "Ang kamay.." Natatawang bulong ni Glecy saakin, "Pansin mo rin?" Tumatawang sabi ko..




"Tsk, sabi ko sayo iwanan mo na yan." Bigla kong narinig ang naiiritang boses ni Kenneth, tinignan ko siya at nakita kong nakakunot ang noo niya habang kausap si Ellaine.. "Eh..k-kasi kausap kita kanina sa phone kaya nadala ko pa rin 'tong cellphone ko.." Natutuliro na sagot ni Ellaine sakanya, ring ng ring ang cellphone niya, inagaw ni Kenneth yon at sinagot ang phone ni Ellaine.



"Putangina mo. Di ka ba nakakaintindi? May boyfriend na ang pinopormahan mo. Ulol ka!" Galit na galit na sigaw ni Kenneth tsaka ibinato ang cellphone ni Ellaine sa swimming pool!



Nanlaki naman ang mata ni Ellaine. "B-bakit mo tinapon?!!!" Sigaw niya, mariin na tinitigan ni Kenneth si Ellaine sa mata. "Anong gusto mo? Break na tayo o itapon ko cellphone mo?" Halata ang iritasyon sa boses ni Kenneth, ngumuso naman si Ellaine saka sumagot, "Tapon cellphone.." Mahinang bulong nito, bigla namang natawa si Kenneth at nagulat nalang ako nang halikan niya ang labi nito... Nanlaki ang mata ko dahil kitang kita ng mata ko ang paglabas ng dila ni Kenneth! Shet! Kaagad akong tumalikod at uminom ng alak! Gosh..



"Wala yan kay Traviz," Biglang bulong ni Lian sa tabi ko, napatingin ako sakanya. "Si Traviz nga bago palang manghahalik, dila agad unang gagalaw!" Paliwanag ni Lian! Hinampas ko siya! "Hoy!! Ang bata bata mo pa kung ano ano ng pinagsasasabi mo!!" Sigaw ko sakanya, ngumuso naman siya. "Totoo naman eh, haay.. Natatakot ako Pitah, kasi yun ngang hindi pa artista si Traviz ang dami ng nagkakagusto sakanya, paano pa kaya kapag artista na siya." Malungkot na sabi niya, "Lian, si Traviz kahit maloko yung baliw na yon ikaw lang sineryoso niya.. Kaya h'wag ka ng mag alala.." Sabi ko sakanya.



"Pagalingan ba ng halik? Si baby Yans magaling din." Natatawang sabi ni Miggy, "Bakit?! Natry mo na?" Natatawang tanong ni Mondragon.



Ngumiti ng nakakaloko si Miggy. "Oo, at mauulit yon. Pagbalik na pagbalik niya galing Canada." Mukhang sure na sure itong Miggy kay Yanessa ah!


--


KAI'S P.O.V



"Hey, hindi ka pa ba matutulog?" Bungad ni Reno pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto ko, "Tatapusin ko lang 'to baby.." Sagot ko sakanya, marami rami din ang assignment ko. Umupo siya sa gilid ng kama ko at pansin kong tinititigan niya ako. "Aish, stop staring baby.." Suway ko sakanya, ngumisi naman siya.




"Halika muna dito," Sabi niya saka hinila ako patayo sa study table ko, humiga siya at idinapa niya ako sa ibabaw niya. Dahan dahan niyang tinanggal ang reading glass ko at hinalikan ang tungki ng ilong ko.



"Ikakasal na next year sila Pitah.. Tayo ba, walang balak magpakasal baby?" Nakangiting tanong niya, parang biglang nagwala yung dibdib ko sa tinanong niya.. Ilang taon na rin ang lumipas, at hindi pa ulit nagkikita kita ang barkada, puro sa group chat lang kami. Pero masaya pa rin naman kahit papaano. "B-bata pa tayo baby.." Bulong ko, ngumiti siya. "Alam ko, pero gusto na kitang pakasalan kahit na hindi pa tayo pagsasamahin nila Mama sa iisang bahay, gusto ko lang maging Escritor na ang apelido mo." Masayang sabi niya.



Nakipagtitigan siya saakin, at natigilan ako nang magsalita siyang ulit. "Please marry me."


***

Student Terror 2: Revenge of the RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon