Chapter 27: Sila...

13.4K 269 8
                                    





= 27 =


TRICIA P.O.V


Kaagad tumakbo si Traviz at mabilis na inagaw kay Jewel ang baril! Tangina lampa na nga si Jewel kanina pero may nakatago pa pala siyang baril!



Mabilis akong tumakbo palapit sakanya! "Gago ka! H'wag mong sabihing dito ka pa mamamatay?!!" Sigaw ko sakanya!


Nakita ko ang pagngiti niya sa kabila ng tama ng baril sakanya! Yung luha ko ayaw tumigil sa pagtulo!

"Ayos..ka..mamamatay nalang ako ganyan mo pa ako lambingin." Nahihirapang sabi niya!


Nanginginig ang kamay ko nang hawakan ko ang dugo sa tiyan niya..

"H-hindi ka pwedeng mamatay! Badtrip ka naman!!" Pilit kong nilalakasan ang boses ko kahit hinang hina na ako dahil natatakot akong mawala siya! Natatakot akong mawala si Ron!! Pero hindi niya ako sinagot, humawak lang siya sa kamay ko at marahan akong nginitian.


Namumutla na siya at titig na titig siya sa mga mata ko. Dammit! Ayoko nito! Kababati lang namin maghihiwalay na ba kaagad kami?!


"Ron naman..paiiyakin mo nanaman ba ako? H-hindi ba nakaya mo naman yung daplis ng bala ni Jasper noon? Kayanin mo rin 'to ngayon!!!" Galit na galit na suway ko sakanya, pero kahit anong gawin kong pag alog sakanya nakatitig lang siya sa mga mata ko, yung luha ko tumutulo na rin sa mukha niya.. Yung kamay niyang kaninang sobrang higpit ng hawak saakin unti unting kumakawala..


"No..Ron..hindi pwede.. H-hindi mo ako pwedeng iwanan!!"


Pilit akong hinihila ni Kollins palayo kay Ron, unti unti kong nakita ang pagpikit ng mata niya at ang dahan dahan na pagtulo ng luha niya.


"Ano ba?!! Hindi naman siya mamamatay diba?!! Hindi!!" Pinagsasampal ko ang mukha ni Kollins pero niyakap niya lang ako!


"Tricia! Kaya ni Mondragon yan, sa ngayon kumalma ka naman!!" Sigaw ni Traviz mula sa likuran ko, humiwalay ako kay Kollins at pinunasan ko ang luha ko.


"Yah.. You're right, k-kaya ni Ron yan.. H-hindi naman niya ako iiwanan di..diba.." Halos pumiyok na ang boses ko sa pinipigilan kong paghikbi. Kaya niya yan, kahit na parang sumusuko na siya kanina, alam kong kaya niya yan.. Hindi niya ako iiwan.. Hindi..


Mahal niya ako eh.. Hindi niya ako matitiis, ayaw niyang malulungkot ako kaya hindi siya papayag na mamamatay siya. Mahal na mahal niya ako.


Pero tangina. Ang hirap umasa. Lalo na kapag alam ko sa sarili kong parang malabo. Bwisit. Puta. Nakakainis. Gusto ko siyang bugbugin para magising pero hindi ko magawa dahil sakanya lang pala ako hihina ng ganito.. Ang daming pwedeng kahinaan bakit siya pa, ang tanga tanga mo Tricia.


__


KAI'S P.O.V


Nandito na kami lahat ngayon sa ospital, nasa operating room na si Kuya Ron.. Lahat kami nagdarasal na sana maligtas siya. Pati si Miggy nasa operating room na rin para tanggalin ang bala sa hita niya.


Tinawagan na rin namin lahat ang parents namin dahil alam naming sa pagkakataong ito wala kaming ibang matatakbuhan kung hindi sila lang. Nandito na sila at kausap ang ilang pulis, pinakiusapan nalang sila ni Mama na h'wag sanang makakalabas sa media ang nangyari saaming magbabarkada, specially kay Kollins. Dahil kanina lang din namin nalaman na kay Kollins ipapamana ng parents niya ang buong Bernal Group of Company, kilala ang kumpanya nila sa buong bansa dahil sila ang leading company na nag aangkat ng tela sa Thailand, Indonesia at iba pang bansa.

Once na pumutok sa media ang balita panigurado na hindi papayag ang board na si Kollins ang maging CEO pagdating niya ng twenty one years old.


"Maayos na ang lahat anak, ano bang nangyari sa inyo ni Reno at nasangkot kayong dalawa sa ganito." Sermon saakin ni Mama, hindi ko siya masagot, dahil unang una mali talaga lahat ng ito.. Maling mali dahil hindi naman sapat na rason 'to para maging malapit kami sa isa't isa. Hindi sapat na sabihing nagrebelde ako dahil lang wala silang oras saakin.


"I'm sorry Ma.." That's all I can say, bigla akong niyakap ni Mama at hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag iyak.. "So-sorry Ma.. Sorry talaga.." Humihikbing bulong ko.


"Shhh, it's alright sweetheart, basta babalik na tayo sa Japan okay?" Aniya, tumango ako bilang sagot at mas niyakap ko pa siya ng mahigpit.


"Reno, nahuli lang ng flight ang Mama mo, pero nag aalala siya sayo.. Isasama ka na rin niya sa Japan." Sabi ni Mama sakanya, tumango naman si Reno bilang pag sang ayon.


"Tignan niyo yang itsura niyo puro pasa kayong dalawa.." Suway saamin ni Mama saka hinipo ang pasa namin sa mukha!

"Ahhh!" Halos magkasabay na sigaw namin ni Reno. "Mga pasaway kasi kayo.." Sabi ni Mama, hinila niya kami ni Reno sa ER para ipagamot yung ibang sugat namin, nandoon din ang ibang barkada.


"Nasaan si Tricia?" Biglang tanong ni Pitah..

Maging ako napalingon lingon dahil wala siya dito sa ER, may sugat din siya at kailangan iyon bigyan ng paunang lunas.


"Sandali hahanapin ko lang!" Paalam ko, "Gamutin muna natin yang sugat mo!" Suway ni Mama saakin.


"Yes Ma, pero mamaya nalang po. Sandali lang po." Paalam ko, sumunod naman saakin si Reno.

Hinila niya ang kamay ko at kahit medyo nahihirapan kami sabay kaming tumakbo para hanapin si Tricia.

At napatigil kami nang makita namin na nakaupo siya sa tapat ng pintuan ng operator room.

"Anak..tumayo ka na diyan.. Kailangan nating gamutin yan sugat mo!!" Umiiyak na sigaw ng Mama ni Tricia. Pero paghikbi lang ni Tricia ang naririnig namin ngayon, humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Reno. Nandun rin ang Daddy ni Tricia at tahimik na pinapanood ang dalawa, mukhang galit ito ngayon dahil sa mga nalaman niya.


"Anak naman, bat ba ang tigas ng ulo mo?!!" Sigaw ni Tita sakanya.

"H-hindi ako aalis dito hangga't hindi siya nagiging o-okay.. A-ayokong gamutin yung sugat ko hangga't hindi rin siya magaling.." God, ngayon ko lang nakita na ganyan kahina si Tricia at parang kinukurot ang puso ko ngayong ganyan siya.. Hindi ko na napigilan yung luha ko, kaagad ko itong pinunasan.


"Mas importante pa siya sayo!! Ni hindi mo nga sinasabi saakin na may boyfriend ka ng bata ka!! Tapos magrereklamo ka na wala akong alam tungkol sayo, my god Tricia! I'm your Mom! Pwede mong sabihin saakin ang lahat! Tapos malalaman ko may ganitong nangyayari sa inyong magbabarkada?! Anong klaseng kaibigan ang meron ka?!!" Galit na galit na sigaw ni Tita, pilit hinahawakan ng Daddy ni Tricia ang balikat ng Mama niya pero inaalis nito yon dahil sa sobrang galit din.


"Hindi mo sila kilala..dahil sila..sila yung naging sandalan ko sa panahon na wala kayo, sila yung kausap ko sa tuwing may crush ako, sa tuwing may minamahal na ako, sa tuwing malungkot ako..sa tuwing masaya ako.. K-kasi...tangina.. Tuwing susubukan kong kausapin kayo ang isasagot niyo saakin anak busy ako.. Mamaya na tayo mag usap.. Anak sandali lang importante 'tong kliyenteng kausap ko.. T-tapos ngayon nagagalit ka dahil m-may boyfriend ako at hindi mo alam, oh ayan na alam mo na.. Boyfriend ko yung nasa loob niyang lintik na operating room na yan, minsan na niyang sinagip ang buhay ko at hinding hindi ako papayag na mawala siya.. K-kasi..a-ayoko man sa salitang mahal...pero sobrang mahal na mahal ko siya.. Sobra.." Humahagulgol na ng iyak si Tricia, lumapit sakanya ang Daddy niya at niyakap siya.

"Shhh.. I'm sorry anak.." Bulong ng Daddy niya na halatang nagpapakatatag.

"Pero kasi anak, kailangan nating gamutin yang sugat mo.. Mahal mo siya kaya nasasaktan ka ng ganyan ngayon, mahal ka rin namin ng Mommy mo at nasasaktan kaming dalawa na makita na ganyan ka.." Paliwanag ng Daddy niya..


Sandaling nabalot ng katahimikan, hanggang sa mawalan na ng malay si Tricia.. Mabilis na binuhat ito ng Daddy niya! Tumakbo naman kami palapit sa Mommy niya dahil sobrang nag aalala na ito ngayon, inalalayan namin siya ni Reno papunta sa Emergency Room.



"Tricia!!" Sigaw ni Pitah nang makitang buhat buhat na ito ngayon ni Tito.. May mga lumapit na nurse sakanya at ginamot siya..

"Hey baby, kailangan na din magamot yang mga sugat mo.." Pag aalala ni Reno, tumango ako sakanya. Sinilip ko muna sandali si Tricia bago pumihit papunta kay Mama na ngayon ay may katabing nurse.


__


GLECY P.O.V


"Anong plano mo?" Tanong ko kay Carlo, nandito kami ngayon sa labas ng ospital, katatapos lang gamutin yung sugat niya sa leeg kanina.. Ako naman puro pasa lang naman ang inabot ko dahil sa ginawa nila Kevin, pagkatapos kasi nung gabing pag aaway nila Mark at Kevin pinainom nila kami ng pampatulog para pareho kaming gawing pangganti sa barkada, pero mabilis na nakatakas si Mark nung gabing yon dahil may mga kasama siyang body guard.

Si Yanessa naman narinig kong pinasundan siya nila Precious kaya nakuha din siya.


Huminga ng malalim si Carlo.

"Sasama nalang ako kay Mama sa States.." Bulong niya, napatingin ako sakanya at nakita ko ang panghihinayang sa mukha niya.


Lumingon siya saakin at mapait na ngumiti. "Bukod sa barkada, kaya lang naman ako nandito ay para sayo." Aniya, napalunok ako sa sinabi niya.


"Pero wrong timing eh. Mukhang kahit anong gawin ko hindi mo na ako magugustuhan. Tatanggapin ko kahit masakit." Paliwanag niya, no Carlo... Mahal kita..pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko masabi sakanya.

Nagulat ako nang may bigla siyang pinunasan sa pisngi ko, "Umiiyak ka," Nakangiting sabi niya, "Ha?!" Gulat na sabi ko at mabilis kong pinunasan ang luha ko, hindi ko alam na umiiyak na pala ako.

"Pero kahit ganun, hindi pa rin magbabago yung pagmamahal ko para sayo.. Sa pandak mong yan sa tingin mo ba makakalabas ka pa sa puso ko?" Natatawang sabi niya saka ginulo gulo ang buhok ko.. Wala akong mahanap na salita para sabihin sakanya, kasi umuurong yung dila ko sa tuwing susubukan kong kausapin siya..


"Good luck sa inyo ni Mark.." Malungkot na sabi niya saka tumayo..


"Hindi naman kami ni Mark eh.." Bulong ko, napatigil siya at marahan na humarap saakin. Tumungo ako nang maramdaman kong tinitigan niya ako. "Hindi kami. Hindi nagin kami." Bulong ko ulit.


Humakbang siya palapit saakin at napapitlag ako nang hawakan niya ang kamay ko. Ginamit naman niya ang kaliwang kamay niya para hawakan ang baba ko at pinagtagpo niya ang mata naming dalawa. Sobrang lapit ng mukha niya saakin at nagkakabanggaan na ang ibabaw ng ilong naming dalawa.


"H'wag mo akong paasahin. Dahil alam mong pagdating sayo umaasa talaga ako.." Bulong niya, amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya.. Umiling ako, "Hindi naman kita pinapaasa.." Bulong ko.


"Yes, you do.. Sa simpleng salita mo lang langya todo asa na ako. Dahil alam ko habang single ka pwede akong umasa, at hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha yang lintik mong oo." Mariin na sabi niya.

"Pero ngayon, ako naman ang hintayin mo. Aalis na ako next week papuntang States." Parang kinurot ng kung ano ang puso ko, tumango nalang ako sa sinabi niya.


Napapikit ako nang bigla niyang angkinin ang labi ko at halos manghina ang tuhod ko dahil sa lalim at bagal ng paghalik niya saakin. Ramdam na ramdam ko yung passion dun at hindi ko magawang tugunin iyon dahil natutuliro ako sa pag galaw ng labi niya, dahan dahan niyang pinaghiwalay ang labi naming dalawa at bumulong.


"Wala kang ibang hihintayin bukod saakin. At hinding hindi ka rin magpapaligaw sa kahit kanino, dahil kapag ginawa mo yon, pipikutin na kitang pandak ka."

Napatulala nalang ako sa sinabi niya, umalis na siya at hindi na niya ulit ako nilingon pa.. Parang may kung anong lumilipad sa loob ng tiyan ko, nakakahilo yung mga pinagsasabi niya saakin na para bang nakinig ako sa isang Algebra lessons dahil para akong timang na iniintindi ang bawat letra na lumabas sa bibig niya. Parang X at Y, hindi ko malaman kung bakit kailangan kong humanap ng tamang sagot para sa mga iniwan ni Carlo saakin.


__


PITAH'S P.O.V


"Magiging abala ka na.." Bulong ko, nandito siya ngayon sa bahay namin, kauuwi lang namin galing ospital, wala pa akong balita kay Mondragz at Miggy dahil pagkagamot ng sugat ko niyaya na ako ni Mama na umuwi para makapagpahinga, sumunod naman si Kollins sa bahay.


"Oh? Magiging busy lang ako pero hindi ibig sabihin non kakalimutan na kita.. Saka Isabel, 18 years old palang ako.. Pagtungtong ko ng 21 saka palang ako magiging mas busy." Aniya. Ngumuso ako. Narinig kong ngumisi siya, pinadausdos niya ang kamay niya sa bewang ko at niyakap ako. Nakaupo kasi kami ngayon dito sa sofa.


"Eh diba sabi ng Mama mo kailangan mong umalis ng bansa para mag aral.. Bakit hindi nalang dito?" Tanong ko sakanya, inilapit niya ang mukha niya saakin at kiniliti niya ang pisngi ko gamit ang ilong niya, ramdam na ramdam ko yung mainit niyang paghinga.

"Mahihintay mo naman ako diba? Naisip ko, ito na rin yung simula para ayusin ko yung buhay ko. Para rin saating dalawa 'to." Paliwanag niya at mas lalong humigpit ang yakap niya saakin.


"Baka may makita kang iba.." Pag aalala ko.

"Tsk, ako pa ba? Alam mo namang wala akong pakialam sa ibang babae, dahil may mahal na ako eh.." Natatawa ako sa tono ng pananalita niya, ewan ko ba para kasing nag iba siya simula nang maging kami, pero in a good way naman.

Bihirang bihira na siyang magsungit.. Napapitlag ako nang lumipat ang labi niya sa tenga ko, marahan niya iyon na hinalikan at bumulong siya doon.

"Pagbalik ko..magpakasal na tayo.." Nanlaki ang mata ko! Hinampas ko ang braso niya.

"Ang bata bata pa natin!!" Sigaw ko sakanya.

"Twenty one? Hindi na tayo bata non, at sigurado na ang magandang future nating dalawa.. CEO ng Bernal group of company ang mapapang asawa mo.. Oh, edi maitutuloy na din natin si baby strawberry.." Natatawang sabi niya, nag init ang mukha ko at napalunok ako ng sunod sunod!

"Mahal na mahal kita Isabel.." Bulong niya sa tenga ko at halos magwala nanaman ang puso ko, gumanti ako ng yakap sakanya. Pero this time nakaharap na ako sakanya,

"Mas mahal kita Kollins.. Babalik ka ha?" Malungkot na bulong ko.

"Of course..magpapakasal nga tayo eh.."


__

RENO P.O.V


Nagtakip ako ng unan sa ulo ko nang marinig kong magring ang cellphone ko, takte inaantok pa ako.. Pero ayaw tumigil nun sa pagring kaya padabog kong kinuha iyon.

"Hello?" Inaantok na bulong ko.

"Baby!!!" Napalundag ako nang marinig ko ang boses ng babaeng mahal na mahal ko, iba talaga. Boses palang gising na gising na ako.

"Oh! Yes baby?" Tawag ko sakanya, mukhang masayang masaya ng boses niya at natutuwa ako dahil doon.

"Baby...gising na si Kuya Ron.. Nandito kami sa ospital, bilisan mo!" Excited na sigaw niya.

"Alright baby, I love you."

"I love you too baby.. Bilisan mo ha!" Yun lang at nawala na sa kabilang linya, napangiti nalang ako.


Mabilis pa sa alas kwatro ako naligo at pagkatapos lumabas na ako ng kwarto.

"Anak! Gising ka na!" Napaawang ang bibig ko nang maalala kong nandito na si Mama, lumapit ako sakanya at hinalikan ko ang noo niya.


"Magbreakfast ka na muna.." Anyaya ni Mama, "Hindi na po Ma, hinihintay po ako ni Kai." Sabi ko, napansin ko naman ang mapang asar na ngiti ni Mama. Tsk.

"At kayong dalawa pa rin talaga ang nagkatuluyan?" Pang aasar ni Mama saakin, "Tss..Ma." Napailing nalang ako, niyakap ako ni Mama, tae talaga.

"Binata na talaga ang anak ko, osige na puntahan mo na si Kai, siya lang ang gusto ko para sayo anak, wala ng ibang babae okay? Alam mo namang best friends kami ng Mama niya.."

"Tsk, wala naman talagang makakapantay sakanya." Paninigurado ko saka nagpaalam na ako, malapit na kaming bumalik ng Japan, wala eh ganun talaga kinakailangan ayusin ang buhay. Pero buti nalang talaga at magkasama pa rin kami ni Kai.


Pagdating ko sa ospital pumunta kaagad ako sa private ward ni Mondragz, nasa may pinto palang ako ang iingay na nila.


"Baby!!" Salubong saakin ni Kai at mabilis akong hinalikan sa pisngi.

"Woohoo! Get a room!!" Sigaw ni Traviz gago,

"Ulol ka talaga Traviz! Tagal naming hindi narinig sayo yan ah!" Sigaw ni MC.

"Hahaha, syempre nagpapamiss ako mga dude.." Natatawang sabi niya, tumingin ako kay Mondragz na ngayon ay puro ngiti lang ang nagagawa, bawal siguro tumawa ng malakas yan dahil sa tama ng bala sa tiyan niya.

"Ano pare? Ayos ah, pusa ka ba?" Pang aasar ko, ngumiti nanaman siya at bumulong. "Gago.."


"Oo nga! Siyam siguro buhay mo, pangalawang tama na ng baril yan ah. Buhay ka pa rin, hanep may pito pa!" Pang aasar ni Kollins sakanya, iba na si Pinuno maingay na rin!


"Mga ulol kayo..hintayin niyong gumaling ako tatamaan kayo saakin.." Nahihirapang bulong niya.

"Anooo yooonn?" Pang aasar ko, takte kasi eh paos si Mondragz, nagtawanan naman kami.


"Teka, nasaan ba si Tricia?" Paghahanap ni Pitah.

"Oo nga, pati si Yanessa at Miggy nawawala.." Puna ni Glecy,


Sumipol naman si Traviz.

"I smell something cheesy.. Siguro nag check in na si Yanessa at Miggy sa hotel.." Tumatawang sabi ni Traviz.

"Ang manyak mo talaga Traviz! Siguro inano mo na si Lian ano?!!" Sigaw ni Glecy, haha tae talaga.


"Woooh.. Wala kaming ginagawa ni Lian, puro kiss lang pare.." Pagyayabang ni Traviz!

"Hahaha! Gago ka kapag nalaman ni Lian yang mga sinasabi mo lagot ka dun!"

"No no no.. Isang kiss ko lang dun tatahimik na yon.." Pa-cool na sabi nito.

Binatukan naman siya ni Pitah!

"Manyak mo bata pa si Lian!"

"Oh men! Age doesn't matter dude.."


Napailing nalang ako sa sira ulo na 'to..


***

Student Terror 2: Revenge of the RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon