Chapter 25: Mamili kayo..

11.1K 225 11
                                    





= 25 =




PITAH P.O.V




"Guys! Nawawala si Yanessa!!" Sigaw ni Kai pagkapasok na pagkapasok niya palang sa bahay ng barkada!




"Ha? Kanina lang nagpaalam siyang pupunta ng mall para mag-grocery diba?" Sabi ni Tricia, nandito kasi kami ngayon para pag usap usapan ang tungkol kay Glecy, hindi na kasi matiis ni Kollins na malayo si Glecy sa barkada.




"Oo nga! Diba kasama mo pa nga siya?" Pag aalala ni Miggy.




"Kaya nga guys, habang nag-go-grocery kami nagpaalam siya saakin na mag ccr lang siya. Pero nakabayad na ako't lahat hindi pa rin siya bumabalik! Sinubukan ko siyang tawagan pero patay na ang cellphone niya!!" Naiiyak na sigaw ni Kai, lumapit sakanya si Reno. "Hey baby, relax.."




"Paano ako magrerelax kung nawawala nga si Yanessa?!!" Sigaw niya at tuluyan na nga siyang naiyak.




"Baka lowbat lang.." Bulong ko..


"Edi sana bumalik na siya dito! O di kaya bumalik siya sa supermarket!" Sigaw ni Kai.



Hinila ni Reno si Kai paupo sa couch.. "Masama ang kutob ko guys." Biglang sabi ni Tricia na ngayon ay nakatayo sa may hagdan.




"Anong ibig mong sabihin?!" Sigaw ni Miggy sakanya, "Dude, pwede ba h'wag mong sigawan si Tricia?!" Bulyaw ni Mondragz.




"Hindi ko siya sinisigawan! Bakit ba nag iisip siya ng masamang mangyayari kay Yanessa?!!" Sigaw ni Miggy. "Hindi ka sumisigaw ng lagay na yan?!" Galit na sigaw ni Mondragz sakanya!




"Guys ano ba!! Nawawala na nga si Yanessa mag aaway away pa ba tayo?!!" Sigaw ko! Nakakainis.




Hinaplos ni Kollins ang likod ko. "Hanapin natin si Yanessa, maghiwahiwalay tayo. Bumalik tayong lahat dito mamayang 6pm." Pahayag ni Kollins saka hinila ako palabas ng bahay, nagsunuran naman ang mga barkada at sumakay sa kanya kanyang kotse.




"Sa bahay nila Yanessa, Kollins." Nag aalalang sabi ko, tumango siya saakin at mabilis na pinaharurot ang sasakyan niya.




Pagkadating namin sa bahay nila Yanessa, sinalubong kaagad kami ng Yaya niya.



"Manang si Yanessa po?" Tanong ko.



"Ha? Wala dito, hindi ba magkakasama kayong magbabarkada?" Tanong nito saamin, nagkatinginan kaming dalawa ni Kollins.



"Ah, sige po Manang, baka nauna lang sa bahay namin." Pagpapalusot ni Kollins saka bumalik na ulit kami sa sasakyan niya.




Lahat ng madadaanan naming kalsada tinitignan ko kung may Yanessang lalabas, pero wala siya.. Tinawagan ko si Kai.




"Nakita niyo na ba?" Sigaw ko!



"Hindi ba Pitah.. Pumunta na kami sa school pero wala siya dun." Aniya,



"Osige! Balitaan niyo kami ha!" Sabi ko..saka pinatay ang tawag.




At kahit na may gap pa rin kami ni Tricia, tinawagan ko pa rin siya.




"May balita na ba?" Bungad ko sakanya.




"Wala. Galing na kaming Oecil pero wala siya don." Matipid na sagot niya.. "O-sige, balitaan niyo kami kapag nakita niyo na siya." Sabi ko.




"Ano daw?" Tanong ni Kollins. "Wala daw.. Saan naman kaya siya pupunta.." Nag aalalang sabi ko, sinubukan kong tawagan si Yanessa pero kagaya ng sabi ni Kai patay nga ang cellphone nito.




Inabot na kami ng dilim paghahanap sakanya, kaya naman nagsibalikan na kaming lahat sa bahay ng barkada.




Lahat kami kitang kita ang pagkabahala. Halatang kinakabahan at nag aalala.




Napatigil ako nang biglang mag ring ang cellphone ko!




"Si Yanessa!" Sigaw ko! Kaagad silang lumapit saakin, tinap ko ang phone ko.




"Hello?! Yanessa?!!" Sigaw ko. Pero walang nagsasalita sa kabilang linya.. "Hello?!" Sigaw ko ulit.. Nakarinig ako ng tawa ng isang lalaki.




"Si-sino 'to??" Nauutal na tanong ko.




"Napapagod na ba kayong maghanap?" Nasa tono ng pananalita nito ang pang aasar, si Kevin.




Tumayo ako at kinuyom ko ang kamao ko. "Fvck you." Mariin na bulong ko. Napakunot na ang noo ng mga barkada ko!




"Galit na galit lang? Mas doble pa diyan ang galit ko ng patayin nitong magaling niyong kaibigan ang kaibigan ko!!" Sigaw nito! "




"H'wag na h'wag niyong gagalawin si Yanessa! Kung hin--"




"Kung hindi ano?!! Papatayin niyo rin kami? Magagawa niyo ba yon ha Pitah? At isa pa, dalawa ang hawak naming alas.. Mamili kayo kung sinong una niyong ililigtas.. Nandito kami sa Trese Bridge, isang kalabit ko lang nitong baril, isa sakanila ang mamamatay.."




"Bibigyan ko kayo ng isang oras para makarating dito. Walang parak o kahit na ano.." Pagbabanta nito.




"Si Glecy?" At isang malakas ng putok ng baril ang narinig ko sa kabilang linya! Narinig ko rin ang pagsigaw ni Glecy at Yanessa!! Nabalot ako ng takot, nanlalamig ang buong katawan ko at nanginginig ang kamay ko.




"O si Yanessa?!!"


****

Hello! Sali kayo sa Ate Abo Wattpad Stories na group hahaha. Gawa din siya ng isang reader ko.Kung gusto niyo lang naman po. Thanks! ;) Ayun po yung link sa external link LOL. XD

ATE ABO.

Student Terror 2: Revenge of the RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon