Chapter 13: Random

12.5K 249 8
                                    






= 13 =


GLECY P.O.V



Walang nagsalita sakanilang lahat ng sabihin ko ang tungkol saamin ni Mark.. Titig na titig saakin ang barkada lalong lalo na si Yanessa.



"I'm sorry guys.." Bulong ko, narinig ko ang paghinga nila ng malalim.



Tumayo si Yanessa at napapitlag pa ako ng bumagsak yung isang bote ng alak sa sahig.


"Sht." Bulong ni Yanessa, tumayo ako at hinila ko ang kamay niya pero itinaboy niya ako!


"Glecy! Alam mo naman diba kung anong ginawa saakin ng kakambal niya diba?!!" Sigaw niya saakin! Galit na galit ang mga mata niya.


"Pero iba si Mark! Mabait siya Yanessa, siya lang yung kasama ko nung panahong naguguluhan ako!" Umiiyak na sagot ko.

Isang sarcastic na tawa ang ibinigay niya saakin.


"Siya lang?! Glecy pwede naman kami eh! Pwede ako!! Pero anong ginawa mo?!! Lumayo ka!! Lumayo ka saamin para solohin yang problema mo!! Pagkatapos kung sino pa yung kaaway ng barkada sakanya ka pa magtitiwala?!! Dammit!! Nakakainis ka!!" Sigaw niya saakin habang dinuduro duro pa ako! Hinila ni Miggy ang kamay niya palabas ng bahay!


"Ano ba?!! Miggy!!"


"Bullsht. Yanessa! Kaibigan pa rin natin si Glecy kahit anong nagawa niya!!" Sigaw ni Miggy sa labas!


"PWES WALA AKONG KAIBIGAN NA TRAYDOR!!"


Para akong sinampal dahil sa narinig ko, lumingon ulit ako sa barkada pero tumungo lang silang lahat at umiwas ng tingin saakin. Great, galit sila saakin, even him...


Naglakad na ako paakyat ng kwarto pero biglang may humawak ng kamay ko at alam kong siya yon.


"Kahit ano pa yan..nandito lang ako." Bulong niya bago bitawan ang kamay ko.


"Carlo.." Tawag ko sakanya.. Birthday niya ngayon pero sinira ko lang.

"I'm alright..manhid na yata ako." Bulong niya at tinalikuran na ako..


Naiinis ako sa sarili ko! Ang dami kong gustong ipaliwanag pero alam kong hindi nila ako pakikinggan dahil kahit anong sabihin ko kaaway pa rin ang tingin nila kay Mark, higit sa lahat kapatid niya ang bumaboy sa kaibigan ko. Pero anong gagawin ko?! Pareho silang importante saakin! At ayokong mawala ang isa sakanila.


Student Terror 2: Revenge of the RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon