Chapter 14: May nagbalikan/May bumalik ulit.

12.8K 262 19
                                    



= 14 =


TRAVIZ P.O.V



"Lian.." Tawag ko sakanya, pero tinalikuran niya lang ako.


Ang gago ko kasi eh, tangna talaga bat kasi hindi ko mabura bura yung picture namin ni Jara sa laptop ko.


Inaamin ko..gusto ko pa rin si Jara. Pero di hamak naman na mahal ko si Lian.


"Stay away from me Traviz." Seryosong sabi niya ng hilahin ko ang kamay niya.


"Takte, Lian pag usapan natin 'to."

Humarap siya saakin! Galit pa rin ang itsura niya.

"Takte talaga! Dahil nung time na gusto kitang kausapin tungkol dito tinalpakan mo ako ng pintuan ng kwarto niyo ng barkada mo! Take note sa harapan ng mga barkada mo!" Sigaw niya saakin.


"Sorry na.. Alam ko namang mali eh.. Pero Lian, oo ang tanga ko.. Mahal kita totoo yon."

"Then ano sayo si Jara ngayon?!" Sigaw niya saakin, mariin ko siyang tinitigan sa mata.


"Wa-wala."

"You're lying." Matigas na bulong niya at tinaboy ang kamay ko.


"Aish!! Fine! I still like her!! Dammit!! Mahirap siyang kalimutan dahil.. Dahil.."

"Dahil mahal mo siya?!!" Sigaw niya!

"Hindi yon Lian!"

"Eh ano nga kasi!!"

"Puta! Nakaraan na siya!"

"Nakaraan na bumabalik jan sa lintik na sistema mo!!" Sigaw niya saakin.. Namumula na ang mata niya, no no.. Please ayokong makita siyang umiiyak..

Pero putangina ayan na eh bumagsak na yung luha niya.. Hinila ko ang kamay niya at niyakap ko siya!! Nagpupumiglas siya pero hinapit ko ng mahigpit ang bewang niya!!

"Gago ka Traviz!! Gago ka.." Umiiyak na sigaw niya.

"OO!! Gago ako.. H'wag ka ng umiyak.."


"Gusto ko pa rin si Jara..pero Lian ikaw yung mahal ko eh.." Nak ng putcha talaga pumiyok na yung boses ko, di ko namalayan na umiiyak na rin ako.

"Ganun na rin yon.. Hindi mo pa rin siya makalimutan." Umiiyak na bulong niya.

Student Terror 2: Revenge of the RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon