Chapter 28: Hiwalay...

13.1K 252 14
                                    






= 28 =



GLECY P.O.V



Nagtatawanan kaming magbabarkada nang biglang may kumatok.



"Hoy manyak! Buksan mo yung pinto!" Sigaw ni Pitah kay Traviz.




"Hindi ako manyak, sexy lang talaga ang utak ko. Oyeah." Nakangising sabi ni Traviz saka dahan dahan binuksan ang pinto.



At napanganga kaming lahat nang pumasok si Cesar at may dalang gitara!



"Hoy!! Wala dito si Tricia!!" Sigaw ni MC! Ngumisi lang si Cesar, nakakapangilabot yung ngisi niya para bang may binabalak.



Nagsimula siyang tumugtog ng gitara niya at bigla naming narinig ang boses ni Tricia.



~~Looking in your eyes
I see a paradise,
This world that I found
Is to good too be true..~~



Napangiti kaming lahat nang pumasok si Tricia sa loob at may dala dalang bulaklak. Napatawa naman ng malakas sa tabi ko si MC kaya siniko ko siya.



~~Standing here beside you,
want so much to give you
this love in my heart
that I'm feeling for you..~~



Pilit umuupo si Mondragz pero lumapit sakanya si Tricia at hindi siya pinayagang umupo, niyakap siya ni Tricia at ipinatong niya ang ulo niya dibdib ni Mondragz at ipinagpatuloy ang pagkanta niya.. Gumanti naman ng yakap si Mondragz sakanya.



~~And we can build
this dream together,
standing strong forever,
nothings gonna stop us
now..~~



Napangiti ako nang makita kong tumulo yung luha ni Tricia habang pilit inaayos ang pagkanta niya.. Natahimik kami nang matapos ng kumanta si Tricia at halos mapanganga nanaman kami nang magsalita siya.


"W-will...you marry me?" Umiiyak na tanong ni Tricia sakanya!



Mukhang nagulat si Mondragz sa tinanong ni Tricia! Nagtaas ng tingin si Tricia kay Mondragz at pinagapang niya ang point finger niya sa ilong nito pababa sa labi niya..



"Malapit na akong mag-18, gusto na kitang pakasalan.. K-kahit bata pa tayo, gusto ko i-ikaw lang yung kasama ko.. K-kahit palagi tayong nag aaway, gusto ko ikaw pa rin yung katabi ko sa pagtulog.. Gu-gusto ko ikaw yung kasama ko sa pagpupuyat tuwing magrereview tayo kapag may exam... G-gusto ko tayong dalawa lang yung magkasama palagi.. G-gusto ko ikaw yung kasama ko habang inaabot ko lahat ng pangarap ko, kasi...kasama ka sa pangarap ko.." Humihikbing sabi niya.



"Oy umiiyak ka.." Bulong saakin ni Carlo, takte, hindi ko nanaman namalayan yung luha ko. Hinampas ko lang siya at ibinalik ko na ang tingin ko kela Tricia..




Pilit pinahiga ni Mondragz si Tricia sa tabi niya at may binulong siya dito..


___



TRICIA P.O.V



Yumakap ako sakanya at mas lalo lang akong naiyak nang bumulong siya sa tenga ko.



"Bakit ikaw ang gumagawa niyan? A-ako dapat diba? Magpopropose naman ako sayo dapat naghintay ka nalang Hon.." Nahihirapang bulong niya, medyo husky ang boses niya at alam kong umiiyak na rin siya. Mas hinigpitan ko ang yakap sakanya..




"Eh kasi naman ang bagal mo eh.. Tandaan mo ang bala ng baril dapat iniiwasan, pero ang pagmamahal ko sayo dapat sinasalo mo!!" Hiyaw ko sakanya, narinig ko namang nagtawanan ang mga barkada ko.



Tae..para sa pagmamahal tatalikuran ko ang kahihiyang matatanggap ko sa mga sira ulo na 'to..



"Promise..pagka-18 mo magpapakasal na tayo.." Bulong niya saakin..



"Dapat lang!!!" Hiyaw ko sakanya at sa sobrang tuwa ko nahampas ko yung sugat niya!



"Masakit!!"



"So-sorry!!"



"Haaay nako, nakakainis ha?! Bakit ba ang cheesy mo Tricia?!!" Reklamo ni Kai, pero tinawanan ko lang siya.



Ganun talaga.. Narealize ko kasi baliwala ngang mahal ko siya kung hindi ko naman maipaparamdam sakanya, masyado akong naging kampante.. Natakot tuloy ako na baka mawala siya..



Tinulungan ako ni Cesar para magawa lahat ng 'to.. Nagsorry siya saakin kagabi at nangako siya na gagawin niya lahat para maging masaya ako.


___



KAI'S P.O.V



Hinayaan na muna namin doon si Tricia at Kuya Ron, nakakatuwa lang dahil sa wakas maayos pa rin silang dalawa.



Pagkapasok namin sa bahay naming magbabarkada, nanlaki ang mata namin nang makita namin magkayakap si Yanessa at Miggy na natutulog sa sofa!!



"Oh my god!!!" Sigaw ni Glecy! Makapag ingay lang talaga? Haha!



Nagising naman yung dalawa! Napansin ko ang pamumula ng mukha ni Yanessa, akmang tatayo siya pero hinila siya ni Miggy at isinubsob sa dibdib niya.



"Pinapahiga niyo naman yung nurse ko.." Natatawang sabi ni Miggy, may cast pa rin pala yung buong binti ni Miggy.



"Sus..kayo ha nagsosolo kayo! Dapat sa kwarto nalang!" Hiyaw ni Traviz, lulubog lilitaw talaga ang boses nitong si Traviz.



"Hahaha, sayang dude namiss niyo ang proposal ni Tricia kay Mondragz!" Sigaw ni MC.



"Oh?! Tae baliktad yata?" Natatawang sabi ni Miggy.



"Natakot na kasi si Tricia na baka mawala si Mondragz." Nakangiting sabi ni Pitah saka umupo sa single couch, nagsumiksik naman si Kollins sa tabi niya para mayakap siya. Uso talaga sweet ngayon noh? Nagulat ako nang yumakap sa likod ko si Reno.



"Hindi naman ako papayag na walang kayakap ang baby ko.." Bulong niya sa tenga ko saka hinalikan niya ang pisngi ko.



"Baby talaga.."


"Haaay, daming PDA." Sabi ni MC.



"Lul! Nasaan na si Jazmine?!" Sabay sabay na tanong namin, bigla kasing nawala si Jazmine..



"Wala eh, friends nalang daw muna.. Yaan mo na." Walang ganang sagot ni MC.



"Aww dude, na-friend zone ka!"



"Hindi ko po alam." Sagot niya.



"Hahaha! Napoles zone!!" Hiyaw naming magbabarkada!



Natahimik kaming lahat..



"Siguro lingid narin sa kaalaman nating lahat na maghihiwa-hiwalay tayo.." Bulong ni Kollins.. Napatango kaming lahat.



"Ako sa states, next week.. Mag aaral ako dun, para sa business namin." Balita ni Carlo.



"Babalik kami ni Reno sa Japan." Sabi ko..



"Ako sa Canada.." Bulong ni Yanessa, nandun kasi ang Mama niya.



"Siguro ako sa Korea nalang! Mag aartista ako!" Napahagalpak ang tawa namin kay MC!


"Lul ka pare!"



"Seryoso ako pare, mag-te-training ako sa Korea.. Magiging sikat na artista ako sa buong mundo!"



"Puahahahaha! Lahat kami tumatawa maliban kay Traviz.." Napatingin kami sakanya.



"Ikaw Traviz?"



"Ah..eh, sabay kaming magte-training ni gagong MC sa Korea..Sayang naman kasi ang kagwapuhan ko kung hindi mapapakinabangan." Anunsyo niya.


"Seryoso kayong dalawa?! Gusto niyong maging KPOP Star?!!" Sigaw ni Pitah.



"Oo! Bakit ba? Mukha naman kaming Koreano nito ah.." Natatawang sabi ni MC.



"Osige suportahan natin yan!" Sigaw ni Pinuno.



"Miggy?" Tawag ni Kollins.



"Dito lang ako, mag aaral ako ng culinary habang hinihintay ko si Yanessa." Aniya, napangiti ako.



"Uy, classmate nalang tayo! Culinary din kasi ang kukunin ko!" Sabi ni Pitah..



"Ako mag-to-tourism." Sabi ni Glecy.




"Lakas ng loob mo pandak ah, parang papasa height mo!" Natatawang sabi ni Carlo, pero ngumuso lang si Glecy.


Nakakatuwa lang malaman na may kanya kanya kaming gusto ngayon.. Pero at the same time nakakalungkot din, dahil magkakahiwa-hiwalay na kami.



"Nasaan si Kenneth? Kanina pa siya wala sa ospital diba.." Pagtataka ko.



"Nandito ako." Napapitlag kaming lahat nang bigla siyang magsalita mula sa pintuan, nanlaki ang mata namin dahil may kasama siyang babae.. Hawak hawak niya ito sa bewang.



"Kenza?!!" Sigaw ni Pitah.



Kilala niya? Hinila ni Kenneth yung Kenza papasok sa bahay at umupo sila sa sofa, este si Kenza nakaupo sa lap ni Kenneth! Napanganga kami dahil hinahalik halikan ni Kenneth ang buhok nito.



"Bango ng buhok mo." Bulong ni Kenneth sakanya, ngumiti lang siya.



"Kenza!! Kailan ka pa nakabalik?!!" Excited na excited na tanong ni Pitah.



"Kanina lang madaling araw sinundo ako ni Kenneth sa airport.." Nakangiting sabi ni Kenza, mukha siyang espanyol.



"Namiss kita!!" Sigaw ni Pitah saka pilit hinihila ang kamay ni Kenza, pero hinigpitan ni Kenneth ang yakap sa bewan nito.



"Isabel, hayaan mo muna kami ni Kenza. Mas namiss ko siya kesa sayo." Malamig na sabi ni Kenneth, ngumuso naman si Pitah.



"I hate you Kenneth."



"I hate you too.." Natawa kami sa sagot ni Kenneth sakanya.



"Te-teka nga! Nakaka-OP ha?! Sino ba siya?!" Sigaw ni Yanessa! Nakaupo na siya ngayon sa tabi ni Miggy.




"Ah! Si Kenza, best friend ni Kenneth.." Masayang pakilala ni Pitah sakanya.



"Hello.." Bati saamin ni Kenza, nginitian naman namin siya.



"B-best friend lang talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Traviz, mukha namang nagandahan siya dito, pero paghanga lang yung nasa mata niya.. Hindi katulad ng kay Lian na puno ng pagmamahal kapag nakikita niya iyon.




"Ganda.." Wala sa sariling bulong ni MC.



"Mga ulol kayo." Bulong ni Kenneth.



"Baka naman hindi lang kayo magbestfriend?" Tanong ko.



"Actually guys.. Mag ex din sila.." Sabi ni Pitah.



"Ano?!! Bakit magkasama kayo?!! Hala ka Kenneth lagot ka kay Ellaine!!" Sigaw ni Kollins.



"Psh," Yun lang ang sagot ni Kenneth, at nagulat kaming lahat nang halikan niya ito sa labi..



"I miss you.." Bulong ni Kenneth sa labi nito..



"Putcha!! Daming kwarto pare!!" Sigaw ni Traviz, tinakpan naman ni Reno ang mata ko at hindi pa siya nakuntento dahil hinarap niya ako sakanya at niyakap.



"Baby hindi mo dapat sila tinitignan.." Natatawang bulong ni Reno saakin.



"Psh, di na kailangan. Kagigising lang namin." Seryosong sabi ni Kenneth!



"Bilis mo pare!!" Sigaw ni Traviz, humarap na ulit ako kay Kenneth.




"K-Kenneth..." Natigilan kaming lahat nang makita namin si Ellaine sa may pintuan, para namang nagdilim ang paningin ni Kenneth.



Si Kenza naman walang kamalay malay sa mga nangyayari.



"O? Napadaan ka?" Tanong ni Kenneth kay Ellaine, hindi pa rin tinatanggal ni Kenneth ang pagkakapulupot ng braso niya sa bewang ni Kenza.



"M-mag usap naman tayo.." Nanginginig ang boses ni Ellaine.



"Nag uusap na tayo." Malamig na sabi ni Kenneth..



"Pwede ba yung tayong dalawa lang?" Tanong ni Ellaine..



Humarap si Kenza kay Kenneth.



"Mag usap kayong dalawa.." Nakangiting sabi nito, sandaling tinitigan ni Kenneth ang mata ni Kenza, lumipat ang tingin niya sa labi nito.



"Alright.." Walang ganang sabi ni Kenneth at muling hinalikan ang labi ni Kenza. "Hintayin mo ako dito. Isabel, pakisamahan muna siya." Paalam ni Kenneth saka lumabas na siya, nilagpasan niya lang si Ellaine..



Sumunod naman sakanya si Ellaine na mukhang naiiyak na.



__

KENNETH P.O.V




Titig na titig siya saakin ngayon, takte nagpapaawa yata.



"Si-sino siya??" Tanong niya.



"Girlfriend ko." Diretsong sagot ko, bakit may dahilan ba para mag deny? Kami na ulit ng best friend ko, psh ginagago ko sarili ko, hindi kami.



"P-pero Kenneth, paano tayo?" Tanong niya, fck umiiyak na siya ngayon.



"Wala namang tayo Ellaine." Pag lilinaw ko sakanya! Mas lalo siyang umiyak..



"Kenneth naman..diba mahal mo rin ako?" Tanong niya, psh..



"Sabihin mo nga saakin Ellaine, paano ko mamahalin ang babaeng nagsinungaling saakin? Puta, alam niyo ni Mama na ayoko sa mga gaguhang arrange marriage na yan, tapos malalaman ko magkasabwat kayong dalawa? Galing niyo." Matigas na sabi ko.



"Nagawa ko lang naman isikreto yon dahil mahal kita eh!! Naniwala din ako na mamahalin mo ako..k-kasi pinaramdam mo saakin.." Humihikbing sabi niya.



"Pinaramdam ko? Eh diba ikaw 'tong habol ng habol saakin?!!" Sigaw ko sakanya, tangina! Nandu na na eh, malapit ko na siyang mahalin pero sinungaling amputa.



"Ginagamit mo lang siya diba?!! Hindi mo naman siya mahal!!" Sigaw niya at pinaghahampas niya ang dibdib ko, hinuli ko ang kamay niya at isinandal ko siya sa pader.



"Wala kang karapatan na pagsalitaan siya ng ganyan.. Dahil wala ka pa sa kalingkinan niya.. Hindi ko nga siya girlfriend, pero kahit kailan hindi siya nagsinungaling saakin. Best friend ko si Kenza, at handa niyang ibigay lahat ng gusto ko.." Matigas na sabi ko sakanya, best friend ko si Kenza, at ex girlfriend na rin.



Siya lahat ng first ko, ganun din siya ako din ang first niya sa lahat, tae kabaklaan pakinggan pero lahat ng first sakanya ko naranasan! Oo lahat ng iniisip niyong first! Pareho kami lahat ng first.. Siya rin ang kauna unahang babaeng iniyakan ko, pero wala nanaman nakamove on nanaman kaming pareho, pero mahal pa rin namin ang isa't isa... Bilang magkaibigan na nga lang. Friends with benefits? Minsan ganyan kami, lalo na tuwing gulong gulo ang isip ko.



Kagaya ngayon, ginugulo nitong babae na 'to ang isip ko..



Nagkahiwalay lang kaming dalawa dahil masyado kaming malayo sa isa't isa. Sa Spain siya nakatira. At kahit na hiwalay na kami mag best friend pa rin kami, kilala siya ni Pitah dahil alam ni Pitah ang lahat ng nangyari saamin ni Kenza bago kami magkakilala.



"H-hindi mo naman siya mahal.."



"Paano ka nakakasigurado?" Tanong ko sakanya..



"Nararamdaman ko..hindi mo siya mahal.."



"Ang sama sama mo Kenneth..bakit ba kasi ang manhid mo.." Humihikbing sabi niya, pinagsasampal niya ang mukha ko pero hinila ko ang kamay niya at hinalikan ko siya ng mariin! Bullsht!



Tinugon niya ang halik ko at bawat galaw ng labi niya ramdam ko yung putanginang kabaliwan niya saakin!



"Kenneth...ako nalang..h'wag siya.." Bulong niya, pero hindi ko siya pwedeng piliin.. Dahil ipinangako ko sarili ko na hinding hindi ako magpapakasal sa ipagkakasundo saakin nila Mama..



"Please Kenneth.." Pagmamakaawa niya..



Pinaghiwalay ko ang labi naming dalawa at tinitigan ko siya sa mata, ito lang ang paraan ko para lumayo na siya saakin.



"Gusto mong piliin kita? Fck me Ellaine."


****

A/N: Dalawa update ko, baka hindi niyo nabasa yung Chapter 27 :)

4 more updates tapos na 'to. :) Thank you!

ATE ABO.

Student Terror 2: Revenge of the RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon