Chapter 20: Her future with him?

11.7K 236 25
                                    





= 20 =


TRICIA P.O.V


Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa tanong niya saakin. Nakipagsukatan siya ng tingin saakin, at kita ko ang selos at galit sa mga mata niya.

"Fck! Answer me Tricia!!" Sigaw niya! Nakakatakot siyang magalit, natatakot ako sakanya.. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang mga kamay ko, hahawakan ko sana ang kamay niya pero itinataboy niya ako.


"Dammit!! Bakit hindi ka makasagot?! Ano mahal mo pa ba ha Tricia?!! Mahal mo pa?!!" Pinagtitinginan na rin kami ng iba pang kagrupo namin sa dance battle.

"Pare hindi mo naman siya kailangan sigawan." Pag-extra ni Cesar sa usapan, mas lalo kong nakita ang galit sa mata ni Ron. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin saakin na ngayon ay namumuo na ang luha sa mata.


"H'wag kang makialam ditong gago ka. Away namin ng GIRLFRIEND KO 'to." Matigas na sabi ni Ron.


Mas lalong lumalim ang titig saakin ni Ron at parang may kumurot sa puso ko ng makita kong tumulo ang luha sa mata niya.

"Come on Tricia, sumagot ka. Mahal mo pa? Sagot! Hangga't kaharap mo kaming dalawa." Nanginginig ang boses ni Ron pagtatanong saakin, at hindi ko na rin alam na tumulo na pala ang luha sa mata ko. Fck sht Tricia! Bakit nahihirapan kang sagutin ang tanong niya?!!!

Ngumisi si Ron, at nakita ko sa pag ngisi niya ang sakit na nararamdaman niya.

"Alam ko na ang sagot. Hindi naman ako gago para hindi pa makita yon ngayon." Malamig na sabi niya at iniwanan akong mag isa.

Gusto ko siyang habulin at sigawan pero naninigas ang buong katawan ko, pakiramdam ko tinutusok ako ng maraming karayom. Hanggang sa magdilim na ang paningin ko.


______



Iminulat ko ang mabigat kong mata, nandito na ako ngayon sa kwarto ko.

"Okay ka lang?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Cesar pala.


Hindi ko siya pinansin, tumayo ako at lumabas ako ng kwarto. Nauuhaw ako at nahihirapan akong huminga. Pero nagulat ako ng makita kong nandito si Mama at ang Mama ni Cesar na si Tita Paula.


"Oh hija! Mabuti at gising ka na, kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong saakin ni Mama at lumapit saakin. Maging si Tita Paula ay lumapit para matignan ako.


"O-okay lang ako Ma. Anong ginagawa niyo dito? Kailan pa kayo nakabalik?" Tanong ko.

"Kaninang umaga lang anak." Sagot saakin ni Mama.

Lumabas na rin si Cesar sa kwarto ko at lumapit saamin.

"Ano bang nangyari sayo? Mabuti nalang at si Cesar ang nakakita sayo ng mawalan ka ng malay kanina sa school." Pag aalala ni Mama, nawalan ako ng malay? And then...it hits me. Naalala ko si Ron, naalala ko ang pag uusap naming dalawa, o sabihin nanating pakikipag usap niya saakin dahil hindi naman ako sumagot sa mga tanong niya.


"Kumain na muna tayo." Anyaya ni Mama.


Sabay sabay kaming nagtungo sa kitchen. Magkaharap kaming dalawa ni Cesar, pero hindi ko siya tinitignan. Hindi ko alam kung ano bang nararamdaman ko para sakanya, at hindi ko rin alam kung bakit hindi ko masagot si Ron.. Oo mahal ko si Ron, pero hindi malinaw saakin kung bakit pagdating dito sa lalaking kaharap ko hirap na hirap akong makahinga.


"So, malapit na ang engagement party?" Napatingin ako kay Tita Paula ng magsalita siya.

"Yes. Maybe next week, mas maganda kung mamadaliin natin. Para pagtungtong niya ng 18 yung kasal nalang ang iintindihin natin." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Mama, kinakabahan ako kaya naman kahit umuurong ang dila ko pagsasalita pinilit kong magsalita.

"Ma? Sinong ikakasal?" Naguguluhan na tanong ko, pero hindi nila ako sinagot, napatingin ako kay Cesar na seryosong seryosong nakatingin saakin, para bang alam na niya ang lahat.


"Ma..may hindi ka ba sinasabi saakin?!" Tumaas na ang boses ko.

"The truth is..napag usapan nanamin ng Daddy mo na panahon na rin para ihanap ka ng lalaking makakasama habang buhay, at si Cesar ang lalaking iyon."

"Excuse me? Are you out of your mind Ma?! Ang bata bata ko pa!!" Sigaw ko!!

"I know, 17 years old. But malapit ka ng mag 18, and besides hindi na rin kami bumabata ng Daddy mo."

"Fck!!" Hindi ko na napigilan ang pagmumura! Dahilan para magulat sila saakin.

"Tricia!!"

"Ma!! Ang bata ko pa! At isa pa hindi ako magpapakasal sa lalaking yan!!" Sigaw ko.

"Wala ka ng magagawa hija.."

"Bullsht!! Sasabihin ko kay Kuya Louie 'to!" Desperadong sabi ko!

"Alam na rin ng Kuya mo, at gusto rin niya. Dahil si Cesar naman daw pala. Ano bang problema? Hindi ba matagal na rin naman kayong magkalapit nitong si Cesar?"


"Dati yon!!" Sigaw ko.

Tumayo na ako mula sa hapag kainan at iniwan sila! Pero bago pa ako makapasok sa kwarto ko may humila na ng kamay ko at alam kong siya yon! Dammit! Bakit hanggang ngayon tanda ko parin ang paghawak niya sa kamay ko!

"I'm sorry.." Bulong niya, pilit kong hinhila ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero sobrang higpit ng kapit niya saakin!


"Pero..ito nalang ang paraan ko para bumalik ka saakin."


****

Student Terror 2: Revenge of the RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon