Chapter 9: Naduduwag din ako.

13.5K 258 3
                                    







= 9 =



GLECY P.O.V




"Eh gago pala yang Traviz na yan!" Sigaw ni Mc saka akmang lalapitan si Traviz! Pero hinila siya nila Reno!





"Pare relax! Hindi pa naman natin sigurado kung ano ba talagang ginagawa ni Traviz!" Sigaw ni Reno!




"Hindi alam? Putek dude kasama niya si Jara!"





"Pare minsan mali yung nga nakikita natin, malalaman lang natin ang totoo kapag nakausap nanatin ulit si Traviz." Sabi ni Miggy.





"Seryoso ka na niyan?" Pang aalaska ni Yanessa sakanya.





"Baby Yans naman.." Bulong ni Miggy habang nagkakamot ng ulo.





Tinignan ko nalang si Traviz at Jara, sobrang seryoso ng mukha ni Traviz at mukhang desperadong desperado na siya.



_________




Pagdating namin sa bahay naming magbabarkada naabutan namin dun si Tricia at Ron na tulog sa couch, magkayakap pa silang dalawa. Hindi nga pala namin kasama si Kollins at Pitah kasi diba umalis na sila kanina?





"ANG TAMIS!!" Magkakasabay na sigaw ng buong barkada, agad namang nagising yung magboyfriend.





Napansin ko naman ang walang ganang tingin ni Tricia saamin, tinignan naman siya ni Ron na para bang sinasabi nito na h'wag ng magsimula ng away.




Huminga ng malalim si Tricia.





"Inaantok pa ako, aakyat lang ako sa taas." Seryosong sabi niya saka umakyat sa kwarto namin.




"May problema ba si Tricia?" Tanong ni Yanessa,





Nag iwas ng tingin si Ron.




"Wala. Anong magiging problema?" Isang pilit na tawa ang binigay niya, alam ko naiinis pa rin si Tricia saamin kasi nga gawa nung issue sa course.




"Ahh.."




Maya maya lang biglang dumating si Ellaine, nagulat pa nga kami kasi ang tahimik ng entrance niya. Lol.




"Oh, Ellaine? Hindi ka yata sumisigaw ngayon?" Natatawang sabi ni Kai.




Ngumiti muna si Ellaine.




"Hi, guys. Sabi ko na nga ba nandito kayo.. Hi Kenneth.." Malumanay na sabi niya, nakapink na tshirt at pants siya, tapos nakalugay yung buhok niya.




Nanlaki ang mata naming magbabarkada.




"Hi Kenneth?? Hindi na Papa Kenneth?!!" Sigaw ni Carlo!




Tinignan ni Kenneth si Ellaine from head to toe. Tapos ngumisi ng nakakaloko si Kenneth.




"Psh, anong arte yan ha?" Medyo badtrip na tanong niya kay Ellaine.




"Wala lang. Nagpunta ako dito kasi gusto kitang makita." Nakangiting sabi niya.





"Ellaine bat hindi mo kasama si Jazmine?" Tanong ni Mc.




"Busy yon. Nag aaral."




"Oh? Bat ikaw hindi ka ba nag aaral?" Tanong ni Kenneth.




"Tapos na lahat ng homework ko."




Napapangiti nalang ako sa inaasta nitong si Ellaine, sineryoso niya yung sinabi ni Kenneth.



________




Wala kaming pasok ngayon kaya naman nandito pa rin kami sa bahay naming magbabarkada, dumating na rin si Kollins at Pitah.




"Dun ka na kasi.." Pagtataboy ni Tricia kay Mondragz, nagsusulat ngayon si Tricia sa dinning table namin, medyo okay na ulit siya hindi katulad kagabi na alam mong may mali sakanya.





"Mamaya ka na mag aral, laro muna tayo ng Xbox!" Pagpupumilit ni Mondragz.





"Langya naman Ron uunahin mo pa ba yon kesa sa assignments!" Sigaw ni Tricia ng hindi inaalis ang tingin sa notebook.




"Tricia! May notes ka ba sa lesson kahapon?" Sigaw ni Kollins mula sa taas. Hanep mga nagseseryoso talaga sila.





"Oo meron! Tignan mo nalang dito!"





Nagulat ako biglang yakapin ni Mondragz si Tricia mula sa likod habang nakaupo!




"Ang sipag talaga ng girlfriend ko!" Nakangiting sabi ni Mondragz.





"Gumawa ka na ng assignment!" Sigaw ni Tricia, tumango naman si Mondragz at tumabi na sa pagsusulat.





"Sabi nila kapag ininom mo 'to tatangkad ka daw." Napalingon ako kay Carlo mula sa likod ko na ngayon ay umiinom ng Guyabano Tea! Tinignan ko siya ng masama!




Nginitian niya ako!




"Bakit?" Nakangising sabi niya! Bakit daw?!! Tinatanong niya ako kung bakit?




"Alam kong maliit ako hindi mo na kailangang iparinig!" Naiinis na sigaw ko sakanya! Like duh! Guyabano Tea! Napapansin ko kay Carlo nahihilig siya sa Tea, pinipilit niya nga akong uminom ng mga tsaa kasi maganda daw yon sa katawan! Duh hindi ako mahilig sa tsaa!




"Pandak, halika." Sabi niya saka hinila ang kamay ko, naglakad kami papunta sa rooftop, nandun yung ibang barkada namin.




"Ano ba?!" Sigaw ko sakanya! Nagulat ako ng hawakan niya ako sa bewang at itinaas niya ako na parang bata! Nanlaki ang mata ko!




Nagsisigawan naman yung mga barkada ko!




"Kumapit ka sa bakal dali!!" Sigaw ni Carlo habang itinatapat ako sa taas ng barbel, may bakal kasi dun!




"Gago ka ibaba mo nga ako!"




"Kapit na! Hihilahin kita sa paa para mastretch yung katawan mo! Magiging matangkad ka na!!" Natatawang sigaw niya!




"Hahaha! Tangna! Gago talaga 'tong si Carlo!!" Sigaw nila Mc habang nagbibilyar! Tinignan ko sila ng masama! Nagpumiglas ako sa pagkakahawak saakin ni Carlo para bitawan niya ako!




Bwisit talaga!! Nakakainis!!




"Hahaha! Relax!" Sigaw niya saka binaba na niya ako, parang hindi manlang siya nabigatan saakin! Itinulak ko siya sa dibdib niya saka nagmartsa ako pababa na sana pero natigilan ako ng magsalita siya!




"Ang aga aga kasi nakasimangot ka, mas gusto kong nakangiti ang babaeng mahal ko." Sabi niya saka kinindatan pa ako!



Nanlaki ang mata ko! At nag init ang pisngi ko!




"Woohoo!!" Sigaw nila Mc!




"Sira ulo ka!! Kapre ka kasi!! Kapre!!" Sigaw ko! Tama kapre siya!!




"Pandak!!" Sigaw niya saka binelatan ako!




Bumaba na ako! Dahil lahat sila dun inaasar na ako! Pero napapangiti ako dahil parang bumabalik na kami sa dati ni Carlo.. Yung walang ilangan.



________




YANESSA P.O.V




Nakasilip lang ako sa baba, mula dito sa rooftop. Katabi ko nanaman si Miggy, pero napapansin ko ang tahimik niya.




"Hoy!! Nag-e-emote lang?!" Sigaw ko sakanya, parang nasanay na kasi ako na maingay siya maya't maya. Parang bumabalik nanaman siya sa dati na antukin.





Ngumisi siya, napatulala ako. Dahil parang bigla siyang naging gwapo sa paningin ko ng ngumisi siya pero seryoso pa rin yung itsura niya.




Nanlaki ang mata ko sa naisip ko! Dammit! Kung ano anong pinagsasasabi ko!




"May iniisip lang ako." Seryosong sabi niya, inalis ko ang tingin ko sakanya at tumingin na ulit ako sa baba! Parang hindi ko na siya kayang titigan ng matagal.




"A-ano naman yon?" Nauutal na tanong ko.




Narinig kong humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita.




"Kung anong mangyayari sa buhay ko after 5 years.." Matatawa na sana ako pero natigilan ako, seryoso pa rin ang boses niya. Dahan dahan akong lumingon sakanya, malayo ang tingin niya na para bang may pilit na inaabot yung mga mata niya ng tingin.





"Ikaw Yanessa? Naisip mo na ba kung anong mangyayari sayo? Sa tingin mo ba magiging madali pa rin ang lahat para satin?" Hindi ako makasagot, dahil sa unang pagkakataon nakita ko ang seryosong Miguel Rivera.




Nagsalita ulit siya, this time alam kong tinamaan din ako sa sinabi niya.





"Ang korny pakinggan. Pero naduduwag akong harapin yung mga responsibilidad na alam kong hindi ko matatakasan."




Naduduwag din ako.

****

Student Terror 2: Revenge of the RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon