Chapter 12: Birthday ni Carlo??

13.6K 263 9
                                    








= 12 =




KENNETH P.O.V




Kinabukasan nagpunta ako sa bahay ng barkada, baka sakaling ayos na sila. Pero ang nandun lang si Glecy at si Carlo.




"Oh, tol hindi pa rin ba maayos?" Tanong ko sakanila.




"Hindi pa pare." Walang ganang sagot ni Carlo, tinignan ko si Glecy, malungkot siya.




Maya maya lang dumating si Kollins at Isabel, napaatras ako kay Isabel, takte baka mamaya ako sampalin nito eh. Grabe mga dude, yung sampal niya kay Tricia parang mayayanig yung mundo mo.




"Happy Birthday." Untag ni Kollins, napakunot ang noo naming tatlo nila Glecy.




Ngumisi si Carlo.




"Salamat pre, ikaw lang nakaalala." Natatawang sabi ni Carlo.




Natahimik kaming lahat, nakatingin naman si Glecy kay Carlo.




"Sorry.." Bulong ni Glecy.




"Hindi ayos lang." Nakangiting sabi ni Carlo.




"Haaay! Ang dami nating dapat pagtuunan ng pansin pero yung birthday ng isa satin nakakalimutan nanatin." Puna ni Isabel, kahit kailan talaga maganda pa rin sa pandinig ko yung boses niya.




"Magcelebrate tayo." Napalingon kami sa may pintuan ng marinig naming may nagsalita, si Kai at si Reno..




"Langya kayo." Bulong ni Carlo.




"Oo nga pre! Celebrate na yan!!" Nagulat kami ng sabay sabay na may nagsalita si Miggy at M.C kasama nila si Yanessa.




Si Tricia, Mondragz at Traviz nalang ang kulang.




"Pasensya na kayo sa nangyari kahapon. Hindi ko lang kasi napigilan ang sarili ko." Bulong ni Isabel.




"Kalimutan na muna natin yung nangyari kahapon para sa birthday ni Carlo!" Sigaw ni Kai, tumango naman ang lahat.




Sumama saakin si Miggy at M.C para bumili ng alak, nagluluto naman sa bahay sila Isabel, ibili na rin daw namin ng cake si Carlo.




"Nga pala pre, bakit hindi mo sunduin si Ellaine, para naman makasama siya sa birthday ni Carlo." Pang aasar ni Miggy.




"Lul ka pre. May pasok yon, sabi ko sakanya mag aral siyang mabuti kundi lagot siya saakin." Sabi ko, takte hindi ko na maintindihan yung sarili ko eh, basta gusto ko sinusunod niya yung gusto ko.




"Sus, pare sige na sunduin natin si Ellaine para makasama ko rin si Jasmine!" Sang ayon ni M.C




"Mga ulol kayo. Kayo na kaya magmaneho!" Naiinis na sigaw ko.




"Sige pre!! Alam mo namang gusto kong ibangga 'tong ferrari mo!" Natatawang sigaw ni M.C.




"Gago!!" Tumatawang sigaw ko, pero iniliko ko pa rin ang sasakyan ko papunta sa school nila Ellaine, wag kayong mag isip ng kung ano, si M.C ang may gusto nito hindi ako.




Pagdating namin sa tapat ng school napakunot ang noo ko ng makita kong nakatayo si Ellaine at Jasmine sa may gate ng school. Bumaba kaming tatlo at nilapitan sila.




"Papa Kenneth.." Mas lalong kumunot ang noo ko ng marinig ko ang matamlay niyang boses, dun ko lang napansin na inaalalayan siya ni Jasmine.




"Ano ginagawa mo? Diba sabi ko mag aral ka? Bakit nandito ka sa labas?" Sita ko sakanya.




Nagtawanan naman sila M.C.




"Hanep under si Ellaine." Bulong ni Miggy, hinampas ko naman siya sa tiyan niya kaya napalayo siya.




"Oo...kaya lang kasi 'tong si Jasmine pinapauwi na ako.." Bulong niya, namamalat siya.




"Ano--"




"Pwede ba Kenneth may lagnat si Ellaine! H'wag mo na siyang pagalitan!" Sigaw saakin ni Jasmine!




"Lagnat?! Eh bat pumasok ka pa?!!" Sigaw ko.




"Sa-sabi mo kasi mag aral akong mabuti.." Nahihirapang sabi niya, nanlaki ang mata ko.




"Nak ng putcha talaga." Iritadong bulong ko at nilapitan ko siya saka hinila sa kamay, halos mapaso pa ako sa sobrang init niya!




"Dahan dahan naman!!" Sigaw ni Jasmine! Pero hindi ko siya pinansin! Dinukot ko yung wallet ko at ibinato yon kela M.C




"Mag taxi nalang kayo!! Jan niyo na rin kuhanin yung mga pinapabili nila!" Sigaw ko sakanila, saka isinakay ko sa passenger seat 'tong makulit na 'to!




"Oy pare! Gaguhan yata 'to hatid mo muna kami!" Sigaw ni M.C




"Lul, nilalagnat si Ellaine!" Sigaw ko sakanila.




"Uyyyy..nagwoworry siya.." Pang aasar ni Miggy, ang bakla ang puta.




"Lul! Worryhin mo yang mukha mo, mabait lang ako." Sabi ko saka sumakay na ako sa sasakyan ko at mabilis na pinaandar yon pabalik sa bahay ng barkada.




Ramdam kong tinititigan ako ni Ellaine ngayon. Tae nakakailang.



"Pumikit ka nalang." Mariin na bulong ko.




"Ayoko Papa Kenneth, baka kasi nananaginip lang ako ngayon." Nahihirapang bulong niya.




"Hindi ka nananaginip Ellaine, kaya pumikit ka na." Pakiusap ko.




Pero hindi siya nakinig saakin! Nak ng putcha talaga oo! Itinabi ko yung sasakyan ko sa gilid at tinanggal ko yung seat belt ko saka siniil ko siya ng halik!




Ang init ng labi niya dahil sa lagnat pero masarap pa rin siyang halikan, takte talaga! Pinaghiwalay ko yung labi namin saka tinignan ko ang gulat na gulat niyang mata.




"Pikit na. Hindi naman panaginip 'to. Sige na magpahinga ka na." Pinilit kong babaan ang boses ko para sakanya, may sakit kasi siya kaya ayokong ipakitang naiinis ako.



Ngumiti siya.




"Dahil sa kiss mo Papa Kenneth kaya ako nagkasakit, ang hot mo kasi eh.." Putek! Anong klaseng babae ba 'to? Aish, ginagago ako.




Hinalikan niya ulit ako! Mas malalim kesa sa halik ko sakanya, tae adik yata 'to sa halik eh! Naisip ko tuloy saan kaya natuto humalik 'tong babae na 'to! Hindi ko napigilan na umungol dahil ipinasok niya yung dila niya sa bibig ko!




Tangina talaga! Kailangan ko na siyang pigilan baka kung ano pang magawa ko sakanya!! Lumayo na ako sakanya!




"Pikit na Ellaine." Mariin na sabi ko, tumango tango naman siya at sa wakas pumikit na rin siya.





Pagkadating ko sa bahay namin ng barkada tulog pa rin siya, tinanggal ko yung bag niya na nakasabit sa likod niya at hinagis ko yon sa backseat. Binuhat ko na siya. Ang gaan naman nito parang laruan lang psh.




"Mabuhay ang bagong kasal!!!" Sigaw ni Reno ng makita niya kami ni Ellaine!



"Ulol! Bagong kasal ka jan, may sakit siya.. Tabi." Bulyaw ko saka dinanggi si Reno, tulog na tulog pa rin siya.




"Sa kwarto nalang namin Kenneth!" Sigaw ni Kai saka tumakbo sa taas para pagbuksan ako ng pinto ng kwarto nila.




"Salamat." Sabi ko, pumasok kami ni Kai sa loob at maingat kong hiniga si Ellaine sa kama.




Hinawakan ko ang noo niya, sobrang init pa rin niya.




"Kukuha lang ako ng towel saka yelo." Sabi ni Kai saka bumaba na ulit..




"Hmm..Papa Kenneth..." Bulong niya, napailing nalang ako, parang baliw lang si Ellaine, tulog na nga ako pa rin tinatawag.




"Ang sakit ng ulo ko..." Reklamo niya, tae pano hindi sasakit ulo niya eh ang taas taas ng lagnat niya.



Maya maya lang dumating na ulit si Kai dala yung towel at yelo na may tubig. Kinuha ko yon at agad kong pinunasan yung braso at kamay niya.



Pawis na pawis rin siya dahil sa lagnat niya, napatingin ako sa blouse niya na basa na rin ng pawis.



"Takte..pinapahirapan mo ba ako ha Ellaine?!" Naiinis na sabi ko, iniwas ko ang tingin ko sakanya para luwagan ng kaunti yung pagkakasuot niya ng uniform niya tapos kinumutan ko rin kaagad siya! Inilagay ko na rin yung towel sa noo niya saka ako lumabas ng kwarto!




Fck sht. Pahirap ka Ellaine.


______



KAI'S P.O.V


"Happy Birthday!!" Sabay sabay na sigaw namin saka sabay sabay rin na tumagay ng isang shot ng tequilla, minsan nalang kami uminom kaya sulitin nalang. Lol.




Nakakahiya kay Carlo, nakalimutan ng barkada na birthday niya, pero kahit ganun tuloy pa rin ang celebration. At kahit na may tampuhan pa ang ilan saamin isinantabi nalang muna namin, yun nga lang wala talaga si Tricia at Mondragz pati si Traviz.



"Sana pare sagutin ka na ni Glecy!" Sigaw ni Miggy, tinignan ko si MC, hindi niya pa rin pinapansin si Glecy.




Katabi din niya ngayon si Jasmine.




"Hahaha, hanggang sana nalang ako dude!" Bitter na sabi ni Carlo.




"Oy h'wag kang mawalan ng pag asa! Kung si Ellaine nga hindi sumuko kay Kenneth eh!" Pang aasar ko.




"Hahaha! Oo nga! Nagwoworry na rin ang loko eh." Natatawang sang ayon ni Miggy.




"Lul. Tigilan niyo nga ako." Iritadong sabi ni Kenneth, pero totoo yun pansin kasi namin kanina pa pabalik balik si Kenneth para icheck si Ellaine, bakit kaya nagkasakit yon, ang tahimik tuloy hahaha.




"Hindi pare..ang hiling ko lang, sana magkaintindihan nalang tayong lahat.. Ang hirap kasi na nag aaway away tayo, samantalang tayo nalang yung magkakaibigan." Drama ni Carlo!




Walang umimik saamin.. Pero si Glecy mukhang handa ng magsalita.




"Sorry guys...pero kasi.." Nakatingin lang kaming lahat sakanya.




"Kasi?" Sabay na tanong namin ni Kollins.




"Naging bestfriend ko si Mark sa Vegas.."


*****

Student Terror 2: Revenge of the RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon