Chapter 23: Walang talo talo?

12.6K 251 20
                                    





= 23 =




KENNETH P.O.V




Napanganga si Tricia sa sinabi ko, takte may nakakagulat?




"Hoy dude! Tulala?" Pang aasar ko.




"Gago! Ako itatanan mo?!!" Galit na sigaw niya! Napatawa ako ng malakas, nagtinginan saamin yung mga tao dito sa resto.




"Lul ka dude, itatanan kita tapos itatapon kita kay Mondragz, taena pagkatapos niyong magbolahan magpapakasal ka lang sa iba? Psh."




Nalaglag naman yung panga niya kaya dinampot ko, de joke lang. Ginulo gulo ko yung maikling buhok niya.




"Ge na dude mukhang naiinip na si Cesar." Pangaasar ko saka tinualikuran ko na siya. Pagbalik ko sa table wala na dun si Ellaine, nak ng?




Lalabas na sana ako ng resto pero biglang may tumawag saakin na waiter.




"Excuse me po Sir? Eto po yung bill niyo.." Magalang na sabi nito, napakunot ang noo ko.




"Bill?? Wala nga akong inorder."




"Meron po sir.. Sabi po kasi nung babaeng kasama niyo kanina sa inyo namin i-charge lahat ng order niya.. Napuno nga po yung buong mesa niyo.." Aniya, tinignan ko yung mesa namin kanina wala namang pagkain.




"Niloloko mo ba akong gago ka?! Kita mong wala namang pagkain dun sa mesa!!" Sigaw ko.




"Sir, eto po yung mesa nung babae kanina..o ni Ms.Ellaine Cristobal." Sabi niya saka itinuro saakin yung mesa, nanlaki ang mata ko ng makita kong punong puno ng pagkain yung isang lamesa!




"Actually po sir lahat po ng nasa menu namin inorder ni Ms.Ellaine."




"What?!!"




Nak ng putcha talaga oo! Kinuha ko yung wallet ko at nilabas yung credit card ko saka inabot yon sa waiter! Pero ilang ulit ng naswipe yung credit card ko lahat daw naka.hold nak ng! Mabilis kong tinawagan si Mama.




"Ma?!!"



"Is it about your credit cards baby?" Puta baby?!!



"Alam niyo naman pala Ma eh.."




"Parusa yan sayo dahil sa pakikipagtanan mo!" Sigaw ni Mama!!




"Tanan?!! Anong tanan tanan?! Wala akong tinatanan!"




"Wala pa!! Pero next week meron na! Hoy Kenneth Zelo Montez!! Pinapaalala ko lang sayo palapit na ng palapit ang engagement party mo!" Napalunok ako, tae ako rin pala may engagement party next month, ganun na ba talaga ngayon? Tsaka ayoko sa lahat kapag tinatawag ako ni Mama sa buong pangalan ko!




"Hindi ako pupunta, tsaka teka nga Ma sino namang may sabi sayong makikipag tanan ako?! Eh ayoko pa ngang mag asawa!" Sigaw ko, oo ganyan talaga kami mag usap ng Mama ko, akala mo barkada lang!




"Sa fiancee mo!" Napakunot ang noo ko, ni hindi ko pa nga nakikilala kung sino yung sugo ng diyos na pakakasalan ko daw!




"Stalker yata yan Ma."




"Stalker? Sa pagkakaalam ko anak nagkakamabutihan na kayo ni Ellaine." Malumanay na sabi ni Mama. Pero puta! Si Ellaine?!!




"You're kidding Ma.."




"I'm not hijo.." Masayang sabi ni Mama, ginulo ko ang buhok ko at binato ko yung walangyang cellphone ko! Ayokong magpakasal! Tangina kaya ba dikit siya ng dikit saakin?!!




Ibinigay ko ang pangalan ni Mama dun sa waiter pati ang number niya! Gaguhan yata ang gusto nila eh, sila magbayad nung inorder nung baba na yon! Siya papakasalan ko?! Kalokohan.





Pagdating ko sa parking area nakita kong nakatayo siya dun sa tapat ng ferrari ko, tinignan ko siya ng masama. May itinatago din pala 'tong babaeng 'to.. Nilagpasan ko lang siya.




"Ke-kenneth!!" Sigaw niya, hindi ko siya pinansin, sumakay na ako ng sasakyan ko at pinagarurot yon ng mabilis. Pakakasalan? Hah! Kahit maghirap pa ako hindi ako magpapakasal sa kahit sinong babaeng hindi ko naman gusto. Okay na sana eh, magugustuhan ko naman siya kung hindi siya nagkunyari na walang alam. Nagkampihan pa sila ni Mama para mapalapit siya saakin.




_____




KAI'S P.O.V




"Guys!!! May natanggap ba kayong invitation?!!" Sigaw ni Yanessa pagkapasok na pagkapasok palang ng bahay naming magbabarkada!




"Oo!!" Sigaw ni Mc saka ibinato sa mesa yung invitation..




"Mamayang gabi na.." Bulong ko, engagement party ni Tricia at Cesar.




"Alam mo ba 'to Mondragz?" Tanong ni Pitah.




"Yaan niyo. Dun siya masaya eh. Edi magpakasal siya." Walang ganang sabi ni Kuya Ron saka inilipat lipat yung channel sa tv.




"Gago! Susuko ka na?!!" Sigaw ni Reno!




"Oo. Suko na ko." Matipid na sagot niya, nanlaki ang mata ko!




"Nagbibiro ka lang!!" Sabay sabay na sigaw namin nila Pitah.




"Mukha ba akong nagbibiro? Nung tinanong ko siya kung mahal niya si Cesar hindi siya nakasagot. Eh tangina madali lang naman ang sagot dun, oo o hindi lang. Tama na 'tong gaguhan na 'to." Aniya saka tumayo at lumabas ng bahay, kararating lang niya galing sa bakasyon niya, pero nung bumalik siya malaki na ang pinagbago niya, para bang wala na siyang pakialam sa kahit na sino.




Sumunod kami ni Kollins sakanya! Akmang sasakay na siya sa motor niya pero sinipa ni Kollins ang binti ni Kuya Ron, mariin na tinitigan niya ang mata ni Kollins.




"Problema dude?" Tanong ni Kuya Ron.



"Ikaw ang problema. Isang linggo ka nawala tapos ganyan ka na pre? Langya ipapaubaya mo si Tricia dun?"




"Hayaan mo siya." Walang emosyon na sagot niya. Biglang dumating si Kenneth, isa pa 'to eh. Parang wala lagi sa sarili.




"Walang auto si Tricia, lahat din ng cards niya naka-hold. Kaya siya pumayag sa engagement na yon." Walang ganang paliwanag ni Kenneth.




"Sus, alam naman niyang kaya ko siyang buhayin kung gugustuhin lang niya. Pero mas pinili niya yon." Pinaandar na ni Kuya Ron ang motor niya pero hinila ni Kenneth ang likuran nito kaya napatigil siya.




"Kuya Ron, mamayang gabi na yon.. May magagawa pa tayo.." Sabi ko sakanya, tinignan niya ako.




"Wala akong gagawin. Dahil lahat ginawa ko na h'wag lang siyang lumayo saakin. Ngayon, kung saan niya gusto dun na siya." Galit na sabi niya.




"Itatanan ko si Tricia." Napatingin kaming tatlo kay Kenneth na seryosong seryoso ang mukha, nakapamulsa ang kaliwang kamay niya habang ang kanan naman nakahawak pa rin sa likod ng motor ni Kuya Ron. Tinignan ko si Kuya Ron, masama ang tingin ni kay Kenneth pero kaagad din siyang nakabawi.




"Psh, edi itanan mo. Problema ba yon." Natatawang sabi niya saka inalis ang kamay ni Kenneth sa motor at mabilis na pinaharurot yon!




Humarap si Kollins kay Kenneth.



"Dude, are you serious?!" Sigaw ni Kollins.




"Mukha ba akong nagbibiro? Plano nanamin ni Tricia yon, magtatanan kami." Nakangising sabi niya.




"Ulol!!" Sigaw ni Kollins sakanya.




"Hahaha! Chill dude. Wala naman akong gusto kay Tricia, itatanan ko lang siya para itapon kay Mondragz." Nakangising sabi niya, pero yung mga mata niya walang emosyon.




"Sira ulo ka."




"Matagal ng sira ang ulo ko."




"Kanino kay Ellaine?" Biglang singit ni MC na kalalabas lang. Sumimangot si Kenneth.




"Wow, LQ ba kayo?"




"Lul, LQ? Wala kaming relasyon nung babae na yon para maging LQ kami." Walang ganang sagot niya saka pumasok na sa loob ng bahay..




Sumunod na rin kami sakanya.




"Baby! Ano nakausap mo ba yung gagong Kuya mo?!"




"Baby, relax, hayaan mo na si Kuya Ron.. Sa tingin ko naguguluhan lang yon.." Sabi ko sakanya, hinila naman niya ako at pinaupo sa lap niya saka niyakap. Kahit kailan talaga 'tong lalaki na 'to ang hilig yumakap.




"Buti nalang tayo baby walang arrange marriage na nagaganap.." Bulong niya sa tenga ko.




"Wala naman talaga baby.. Saka kung meron man, sigurado ako ikaw lang din yung ipagkakasundo saakin nila Mama, alam mo na partner sa business ang parents natin.." Sabi ko.




"Sabagay tama ka naman dun.. Pakiss!" Humarap ako sakanya saka sinampal ko yung bibig niya!




"Puro ka pakiss!" Natatawang sabi ko sakanya!




"Daya. Isa lang!"




"Ayo--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na niya akong hinalikan pero sandali lang naman!




"Ang landi mo Reno!" Hiyaw ko sakanya!




"Sayo lang.." Natatawang aniya. Umiling iling nalang ako.






Gabi na, lahat kami nakaayos na para engagement party ni Tricia, wala lang si Glecy, Traviz at Lian. Hindi naman talaga dapat kami pupunta pero pinilit kami ni Kenneth para daw makita namin kung saang lugar pwede niyang itakas si Tricia. Pagkadating na pagkadating namin sa venue marami na kaagad tao, kanya kanyang kwentuhan ang ilan. Karamihan sakanila puro business ang pinag uusapan, tapos ang iba naman mga kaibigan ni Cesar.




"Mga hija, hijo! Mabuti at nakarating kayo.." Bati saamin ng Mama ni Tricia.




"Ah.. Hello po Tita.." Bati naming lahat..




"Mag enjoy lang kayo.. Mga twenty minutes lang lalabas na si Tricia at Cesar.." Masayang sabi nito, nanlaki ang mata naming lahat.




"PO?!! 20 minutes!!" Sigaw naming lahat! Halatang nagulat naman ang Mama ni Tricia!




"Uh- yes? Bakit?"




"Wa-wala po!!" Sigaw ni Pitah saka kaagad na tumalikod at tumakbo palabas ng venue.




"Anong nangari kay Pitah?"




"Ah..wala po Tita, buntis kasi yon.. Si baby strawberry ang nasa tiyan niya.." Pilyong sagot ni Kollins na naging dahilan para matawa kaming lahat.




"Bu-buntis?! Ang bata bata pa niya ah!!"




"Ah.. Hindi pala Tita! Ah basta! Baka natatae!!" Bawi ni Kollins! Naghahagikhikan kaming lahatdahil kay Pinuno, ano bang nangyari sakanya?! Simula ng maging sila ni Pitah wala na siyang ibang ginawa kundi ang magsalita ng puro kalokohan, pero at least ngayon hindi na siya man of few words. Lol.




"Ah..alright, sige na maiwan ko na muna kayo diyan, kung may mga kailangan pa kayo tumawag lang kayo ng isang waiter." Paalam ni Tita.




Inilibot ko ang paningin ko at napakunot ang noo ko ng makita ko si Ellaine, tatawagin ko sana siya pero umakyat siya sa taas at pumasok sa isang kwarto.





PITAH P.O.V




Mas pinabilis ko pa ang takbo ko! At ng makarating ako sa pwesto ni Kenneth!




"Dude!! 20 minutes nalang!!" Sigaw ko!




"Ah! No!! 15 minutes to be exact!!" Bawi ko!




"Sht!! Hindi ko pa mapasok si Tricia dun sa kwarto, nandun si Cesar! Halatang binabantayan mabuti!" Sigaw ni Kenneth saka itinapon yung yosi niya!




Tumingala ako at nakita ko nga si Cesar dun sa dressing room ni Tricia, may babaeng nakaupo sa may bintana katabi na katabi din ni Tricia lumingon yung babae pero sa malayo siya nakatingin, nanlaki ang mata ko ng makilala ko siya.




"Dude..si Ellaine yun diba?" Turo ko kay Kenneth, kaagad siyang tumingala at nakita ko ang galit sa mukha niya.




"Anong ginagawa niya diyan?" Pagtataka ko.




"Bullsht. Hindi natin maitatakas si Tricia.." Naiinis na sabi ni Kenneth..




"Ha?!! Bakit?!!"




"Pinangunahan na tayo ng babae na yan, baka sinabi na niya kay Cesar.. Tangina talaga, ang galing magpanggap!" Sigaw ni Kenneth saka pumasok sa loob ng venue! Sumunod ako sakanya!





"Oh?!! Bakit nandito na kaagad kayo?" Tanong ni Carlo.




"Hindi tuloy ang plano." Bulong ko, tinignan ko si Kenneth na sobrang nakakuyom ang kamao. Maya maya lang nag salita na ang mc sa party, nakita kong bumaba si Ellaine at umupo dun sa tabi ng isang babaeng parang may edad niya kamukha niya yon. Baka Mama niya?




Maya maya pa malakas na tinawag ang pangalan ni Tricia at Cesar, nagpapalakpakan ang lahat, inaalalayan ni Cesar ang pagbaba ni Tricia sa hagdan hanggangsa makarating sila sa gitna. Nagsisigawan ang lahat ng tao, pero kaming magbabarkada tuliro na dito. Nagsasalita na ngayon si Cesar tungkol sa pagkagusto niya kay Tricia na ikinatutuwa ng marami, blangko ang ekspresyon ni Tricia kahit nakangiti siya sa mga tao. Dumako ang tingin niya saamin at sunod kay Kenneth.




Matagal silang nagtitigan ni Kenneth..




"Walang talo talo mga dude.." Bulong ni Kenneth at laking gulat namin ng pumunta siya sa gitna at hinila ang kamay ni Tricia!! Nagbulong bulungan ang mga tao!




"Excuse me?!! Sino ka??" Sigaw ng Mama ni Tricia.




Kitang kita ko ang mabilis na paghinga ni Kenneth at ang mahigpit na paghawak niya sa kamay ni Tricia! Titig na titig ang lahat sakanilang dalawa, maging si Ellaine papaiyak na..at napasinghap ang lahat ng tao ng biglang halikan ni Kenneth sa labi si Tricia!! Isang matagal at malalim na halik!!




"I'm sorry Ma'am and Sir.. Pero hindi ako papayag na magpakasal 'tong girlfriend ko sa lalaking yan."




Yun lang at marahas na hinila ni Kenneth palabas ng venue si Tricia!!



*****

Student Terror 2: Revenge of the RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon