Finale-Epilogue

19.4K 442 83
  • Dedicated kay S.T readers.. :">
                                    





Finale


PITAH P.O.V


"Congratulations!!" Graduate na kami ng college, maliban kay Kenneth dahil five years ang course niya. Nandito kami ngayon sa bahay naming magbabarkada.


"Bukas na uuwi sila Yanessa." Nakangiting balita ni Miggy, pareho kaming graduate ng culinary, pero kahit nung nag aaral pa kami nagsimula na kaming magtrabaho sa five star hotel bilang cook.


Oo tama ang rinig niyo kanina, darating na sila Yanessa..maliban sa isa. Si Kollins, wala na yatang bumalik yung lalaki na yon, usapan namin bukas na rin dapat ang dating niya pero naextend pa siya ng isang taon. Nakakainis lang.

"Sunduin natin sila sa airport!" Sigaw ni Mondragz, nang aasar pa yata itong mga 'to..


Uuwi na rin si Traviz at MC pero one month lang sila dito kasi may career pa sila sa Korea na talaga namang iniingatan nilang dalawa. Akalain niyo ba namang maging sikat yung dalawang yun, Magnet Duo ang tawag sakanilang dalawa, kumakanta sila ng korean at sumasayaw din, gwapo naman talaga silang dalawang baliw. Dami nilang fans.


Si Yanessa naman designer na sa Canada, kaya naman nung malaman nila Traviz yon kinuha nilang stylist at designer ang gaga..

Si Carlo? Ayon nurse pala sa States ang loko..

Si Glecy? Akalain mong natanggap sa airlines? Yun nga lang sa airport lang siya kasi kulang sa height. Hahaha.

Si Kai at Reno naman tumutulong sa company ng parents nila dahil balang araw sakanila din mapupunta iyon, kasal na nga pala sila ni Reno dalawang taon na rin mula ng kinasal sila..

Si Mondragz at Tricia naman big time, since mahilig silang pareho sa mga kotse, nagba-buy and sell sila ng mga kotse ng mayayaman, may bar din sila na ang style ay malaking kotse, nagbabalak pa nga daw sila na palaguin ang branch nila, tatlong taon na silang kasal.


Si Kenneth, nag aaral pa din. Wala naman siyang bagsak sa mga subjects niya pero kagaya ng sinabi ko limang taon ang course niyang Engineering. Going strong na din sila ni Ellaine kahit na paminsan naiirita si Kenneth sa kaingayan niya makikita mo naman ang pagmamahal sa kanilang dalawa.


Si Lian, 3rd year college na sa pasukan, nagrereklamo din siya kasi ang dami ng fans ni Traviz, ang dami na daw niyang kaagaw. Pero tuwing mapapanood namin ang interview ni Traviz sa Korea palagi niyang pinapaalala sa lahat na may girlfriend na siya sa Pilipinas at mahal na mahal niya ito, yun nga lang hindi niya sinasabi ang pangalan ni Lian para protektahan 'to.. Ayan tuloy tuwing nagpeperform sa stage ang Magnet Duo, may mga fan girls sila na nagluluksa sa pagkakaroon ni Traviz ng girlfriend.


Si Kollins, madalas ko na rin siyang makita sa tv, mayaman talaga sila kahit noon pa, busy na siya sa company nila kaya kadalasan puro text lang ang nangyayari sa pag uusap namin, hindi na kami nagkakaroon ng oras para mag skype o magtawagan. Inaaway ko nga siya kasi itetext niya lang ako tuwing monthsary at anniversary namin, nakakainis lang. Tapos hindi pa siya uuwi bukas.

"Ano Pitah? Sasama ka pa rin ba kahit wala si Kollins?" Pang aasar saakin ni Miggy, "Oo, wala akong pakialam sakanya." Naiinis na sabi ko.

"Hanep naman.." Natatawang sabi ni Mondragz.



Nandito na kami ngayon sa airport, inaabangan nanamin sila Carlo. Kaya lang sobrang daming tao kasi kumalat na sa internet na darating sila Traviz, nagsisigawan ang mga fans at nahihirapan na ang mga guard sa pagbabantay dahil nagtutulakan sila. Mabuti nalang at may kakilala si Mondragz na nagtatrabaho sa airport kaya pinapasok kami sa loob, iba na talaga kapag malakas ang pamilya. Saka isa pa sa airport din nagtatrabaho si Glecy edi mas lalo na kaming naging V.I.P hehe.

"Grabe! Sikat na sikat ang dalawang tungaw." Natatawang sabi ni Glecy..

Tinignan ko si Lian, hindi siya mapakali dahil nakikita niya ang mga fans ni Traviz! "Hoy h'wag ka ngang kabahan jan! Wala ka bang tiwala kay Traviz?" Natatawang tanong ko sakanya..

"Eh kasi naman si Traviz, lahat ng fan girls niya ang tawag niya babe.." Malungkot na sabi niya, loko kasi si Traviz eh, yung mga nakakausap niya Magnet Duo Cafè lahat tinatawag niyang babe.

"Don't worry Lian, ikaw lang naman ang my loves niya." Nakangiting sabi ni Tricia sakanya, "Oo nga! Saka hindi ba may status siya? Ikaw daw ang P.A niya! Palaging Asawa!!" Sigaw naman ni Mondragz, napailing nalang ako sakanila.


Maya maya lang..

"ACCCCKKKK!!! Magnet Duo saranghae!! Huwaaaaaa!!" Grabe! Nasa loob na nga kami pero rinig pa rin namin yung sigawan!


Nakita nanamin ang pagbaba ni Traviz at MC mula sa hagdan, mga mukhang koreano na talaga! At pansin ko rin na tumangkad silang lalo. May mga guard na nakapalibot sa dalawa, pero hindi nakaligtas saakin ang matamis na tingin ni Traviz kay Lian, akmang lalapit na si Traviz sa pwesto namin pero mabilis silang hinila ng Manager nila!


Maya maya lang dumating na rin si Yanessa, Kai, Reno at Carlo.


"Waaaaa!!!" Sumigaw si Yanessa nang makita niya kami! Nagtakbuhan kami palapit sakanila at isa isa namin silang niyakap!


"Namiss ko kayo!!" Sabay sabay na sigaw namin at isang group hig ang ginawa namin! "Tangna dude nakita niyo ba si Traviz at MC? Big time na mga sira ulo may mga body guard pa!" Natatawang sabi ni Reno!

"Haha! Kpop star eh!" Sigaw namin ni Tricia.

"Oh ano? Tara na?" Yaya ko sakanilang lahat, "Hmm, daan muna tayong simbahan.." Sabi ni Carlo, napakunot ang noo ko pero sumang ayon naman ako sakanila.


Naglakad na kami papunta sa parking lot at sumakay sa bagong van ni Mondragz, kasya kaming magbabarkada dito..


Ang ingay ingay ng barkada! Samantalang ako eto nakatanaw sa labas ng kalsada, isang taon pa ang hihintayin ko para makasama ulit siya.. Bakit ba ang daya daya niya.


"Grabe Yanessa! Designer ka na rin nila Traviz!" Sigaw ni Kai sa likod. "Hindi lang yon! Stylist na rin!" Pagyayabang ni Miggy, kanina pa niya ibinibida si Yanessa eh.


"Hahaha, naloloka nga ako sakanilang dalawa, paano ba naman ginawang magkapitbahay ang Canada at Korea, tuwing may concert sila pumupunta sila ng Canada para masukatan ko sila, madalas nga rin silang dumugin sa Canada." Maging ang boses ni Yanessa iba na rin, para bang matured na pero nakakainlove pakinggan.


"Buti natuto mag koreano yung dalawa na yon! Hirap din nun ha! Tapos mga kanta nila sila pa nagsusulat!" Manghang sabi ni Carlo.

"Nag aral yung dalawa sa Korea habang nagte-training eh." Bulong ni Lian na halatang naiinis pa rin dahil hindi niya manlang nalapitan ang boyfriend niya.



Nang makarating na kami sa simbahan sarado ito, pero bumaba pa rin kami dahil sabi ni Mondragz bukas daw yon. Gulo nila!! Gusto ko ng umuwi, pero magsosorry muna ako kay God sa mga nagawa kong kasalanan..


Nauna akong naglakad, ang ingay nila nakakairita pero, napatigil ako dahil biglang nawala yung ingay nila.. Lumingon ako at napakunot ang noo ko dahil wala na sila sa likod ko. Biglang may lumapit saakin na dalawang babae at laking gulat ko nang suotan ako nito ng gown!!

"Hoy!! Anong ginagawa niyo?!!" Sigaw ko at pilit ko silang pinagtutulakan pero malakas sila dahil nagawa nilang pasunurin ang katawan ko sa pag aayos nila ng gown!! Itinaas nila ang buhok ko at napapikit ako nang lagyan nila ng face powder ang mukha ko at lip gloss sa labi!!


"Hoy!!!!" Sigaw ko ulit pero nilagyan na nila ng belo ang ulo ko!! Biglang bumukas ang pintuan ng simbahan at napasinghap ako nang makita kong nakaset up ang buong loob non para sa isang kasal, biglang kumalabog ang puso ko nang marealize kong kasal ko yata ito?! Pero nasaan siya?!

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang bigla kong makita si Mama at Papa na palapit saakin, nakangiting isinabit ni Papa ang kamay ko sa braso niya, at si Mama naman binigay saakin ang bulaklak.

"Ihahatid ko na sa altar ang prinsesa ko.." Maluha luha si Papa, "Pa..a-ano 'to.." Naguguluhan na tanong ko, pero hindi ko namalayan na tumulo na ang luha ko. Inalalayan na nila akong maglakad papasok ng simbahan, lalong tumulo yung luha ko nang makita ko yung mga barkada ko na ngiting ngiti saakin! Ang bilis nilang magbihis! Bakit ba hindi ko napansin na mga nakamake up sila?! Maliban saakin! Pinag kaisahan nila ako.. Napatawa naman ako nang marinig kong nagsimulang kumanta si Traviz at MC, alam ko narinig ko na yon sa album nilang dalawa. (Pakiplay yung kanta.) Pero kahit hindi ko gaanong naiintindihan yung kanta, tumatagos yun sa puso ko..


Nagwala ang puso ko nang makita kong hinihintay niya ako sa harapan, katabi niya si Mondragz. "Bwisit ka Kollins.." Umiiyak na bulong ko, narinig ko ang pagtawa nila Mama..


"Alagaan mo ang anak ko," Bilin ni Mama at Papa kay Kollins, "Yes Ma'am and Sir.." Sobrang manly ng boses niya, at mas lalo siyang gumuwapo, ngayon ko lang din napansin ang magandang hubog ng katawan niya, natawa ako nang maisip ko iyon.


"Matagal nanating pinag usapan 'to hindi ba? Bago ka umalis, hiningi mo na ang kamay ng anak ko.. Kaya sana tumupad ka sa pangako mo na mamahalin mo siya ng tapat." Pangaral ni Papa, tumango naman si Kollins bilang sagot, titig na titig siya saakin na para bang ayaw niyang mawala ako sa paningin niya. Inilahad na niya ang kamay niya, marahan kong tinanggap iyon..

"Thank you Ma'am..thank you Sir." Magalang na sabi niya kela Papa.


Inalalayan na niya ako para humarap na sa altar.. "Kollins.." Umiiyak na tawag ko sakanya, humarap siya saakin at ipinasok niya sa loob ng belo ang kamay niya para punasan ang luha ko. "It's a surprise wedding Isabel.." Nakangiting sabi niya, "Nakakainis ka.." Humihikbing bulong ko.. Pero tinawanan niya lang ako, nagsimula na ang kasal, panay ang bulong niya saakin ng I love you kaya naman kinukurot ko ang braso niya..


Nang matapos na ang kasal sabay sabay kaming pumunta sa reception. Nandun lahat ng kamag anak ko, pati na rin ang mga parents ng barkada ko.. Paano nila naayos lahat 'to? Biglang tumunog ang mga baso, ngumisi si Kollins at laking gulat ko nang hapitin niya ako sa bewang at siniil ng isang malalim na halik.


Napapikit ako sa halik niya, sobrang lakas ng sigawan nilang lahat..

"I love you so much Isabel.. Natupad ko yung promise ko sayo, twenty one tayo ngayon.. At kasal na tayo."

"I love you too.. Hoy bukas twenty two ka na!" Naiinis na sabi ko sakanya, "Pero at least tinupad ko yung pangako ko.. Ano gawin nanatin si baby Strawberry?" Namula ako sa sinabi niya pero tinawanan niya lang ako at muling inangkin ang labi ko!

Mamaya na ako magtatanong sa mga barkada ko kung bakit pinagkaisahan nila ako! At mamaya ko na rin aawayin si Kollins dahil hindi niya ako tinatawagan nung magkahiwalay kami!


--

TRICIA P.O.V

"Sa wakas kinasal na rin silang dalawa.." Bulong ni Ron sa tabi ko, ngiting ngiti pa rin ako habang pinapanood ko si Pitah at Kollins, inlove na inlove sila sa isa't isa kahit pa ang tagal na nilang nagkahiwalay.


Isang taon din ang preparation namin sa kasal nila ha? Sinigurado kasi ni Kollins na kumpleto ang barkada, dahil ngayong araw na 'to anniversary rin ng barkada..

"Masaya ako para sakanilang dalawa.." Bulong ko, hinalikan ni Ron ang pisngi ko.. Hinawakan ko ang kamay niya at nilingon ko siya, nakangiti siya saakin.

"Gusto mong magpakasal ulit?" Seryosong tanong ko sakanya, bigla siyang tumawa. Hinampas ko ang dibdib niya, pero nasaktan ako. Kasi naman uma-abs na rin ang loko, palagi nga akong inaakit nito eh! Para daw magkababy na kami! Pero lul! Hindi ako naaakit sakanya! KUNYARE. Basta!! Pero..hindi na ako magkukunyaring inosente, dahil nagawa nanamin ang bagay na yon nung second anniversary ng kasal namin. Sht sinasabi ko talaga sa inyo?! Puta babawiin ko na! Masyado na kayong sinuswerte! Dami niyo ng nalalaman!


"Hon..inuunahan mo nanaman ako, of course gusto ko.. Nagpaplano na ako sa anniversary ng kasal natin.." Bulong niya, pinagdikit niya ang noo naming dalawa hinampas ko siya dahil ang korni niya! Pero masaya ako dahil ganito kaming dalawa.

"Hindi ako magsasawang pakasalan ka araw araw Hon.." Bulong niya saka hinalikan ang labi ko, "Gago ang korni mo." Natatawang pang aasar ko sakanya. "I love you too." Sagot niya saakin..

Siguro nga kotang kota na kami sa murahan nitong sira ulong asawa ko, pero masaya ako dahil hanggang ngayon napatunayan kong mahal namin ang isa't isa. At kagaya ng sabi niya, hindi rin ako magsasawang pakasalan siya araw araw..

Isa sa mga natutunan ko sa buhay ko, pahalagahan mo na lahat ng taong mahal mo. Dahil hindi ka nakakasiguro kung may darating pang bukas para makasama mo siya, mahirap magsisi kapag wala na siya.


--


KAI'S P.O.V

Nagkakagulo kaming magbabarkada dito sa labas ng reception, nagkukwentuhan kasi ng mga na-experience sa loob ng apat na taon. Gabi na rin at iilan nalang ang tao dahil umuwi na ang ibang bisita nila Pitah.. Sobrang saya lang naming lahat ngayon, parang yung ilang taon na paghihiwalay naming magbabarkada sulit na sulit ngayon, dahil lahat kami may napatunayan na sa sarili namin..


Napapitlag ako nang biglang may naglagay ng coat sa balikat ko, nilingon ko siya. Ang asawa ko pala.

"Malamig na baby.." Nakangiting sabi niya saka umupo siya sa tabi ko.

"Tignan mo baby, hindi ka ba natutuwa? Pagkatapos ng mga nangyari sa barkada natin, hindi ko akalain na magiging ganito tayo kasaya.. Parang ang perfect ng lahat kahit na alam nating hindi.." Nakangiting sabi ko sakanya, pinagtagpo niya ang kamay namin at hinalikan niya ang ibabaw ng kamay ko.


"At pagkatapos ng mga pinagdaanan nating dalawa, tayo pa rin ang magkasama.." Aniya saka nginitian ako.

"Maganda siguro kung gumawa na tayo ng baby para naman may baby Keano na tayo.." Nakangiting sabi niya! Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi ko!

"Uunahan pa natin sila Kollins?!" Sigaw ko sakanya, humalakhak siya.

"Oo..mamaya pag uwi.." Bulong niya sa tenga ko! Hinampas ko siya sa mukha! "Baby masakit ha! Lagot ka talaga saakin mamaya!" Mas lalo siyang nang asar.


Nakakaloka, ang lakas talaga mang asar nitong lalaki na 'to.. Pero tinignan ko siya at nagsalita ako na naging dahilan ng lalong pagtawa niya.


"Seryoso ka baby?!!"

--


YANESSA P.O.V


"Hoy! Traviz! MC! Hanggang dito ba naman ako pa rin ang stylist niyo?!" Sigaw ko sakanilang dalawa, paano ba naman gusto nila hanggang dito sa Pinas asikasuhin ko ang mga susuotin nila.

"Oo! Galing mo kaya!" Sigaw ni MC.

Magsasalita pa sana ako pero nakita ko si Miggy na nakatayo sa may fountain ng reception, titig na titig siya saakin.. Bigla akong kinabahan, naalala ko nanaman kasi yung...yung..araw na inaalagaan ko siya, napasagot niya ako ng hindi oras. At yung halik niya saakin nung araw na yon hanggang ngayon nasa isipan ko pa rin.

Nginitian niya ako at sumenyas siya na lumapit ako sakanya..


Naglakad naman ako palapit sakanya.. Kaagad niya akong hinila at niyakap.

"I missed you baby Yans.." Bulong niya at mas hinigpitan niya ang yakap saakin. Napapikit ako at nagsalita.

"I miss you too Miguel." Bulong ko, bigla siyang natawa.

"Namiss kong marinig yan mula sa labi mo.." Natatawang sabi niya, napakagat ako sa ibabang labi ko.. Oo nga pala natawag ko siyang Miguel sa pagitan ng halik naming dalawa noon.

Marahan niya akong hiniwalay sa pagkakayakap sakanya at hinawakan niya ang baba ko..

"Gusto ko ulit marinig yon, habang ganito." Mabilis niyang inilapat ang labi niya sa labi ko! Nanghina ang tuhod ko kaya naman kumapit ako sa coat niya at halos magusot ko na iyon sa higpit ng kapit ko sakanya.

Nakakalasing yung halik niya.. Baliw na ba ako kung sabihin kong namiss ko 'to? Namiss kong magkalapat yung labi naming dalawa!

"Yanessa.." Bulong niya sa pagitan ng labi namin, napaatras ako nang hulihin niya ang dila ko at marahas na kinagat iyon!

"Ugh! Miguel.. I miss you.."


--

GLECY P.O.V


"Pipikutin na ba kita?" Nabuga ko yung iniinum kong juice nang marinig ko ang boses niya mula sa likod ko! Kaagad akong humarap sakanya, nakakasilaw siya. Bakit ganun.

Naging nurse lang siya tingin ko na sakanya sobrang linis na niya. Tapos mas lalo siyang tumangkad, nanliliit nanaman tuloy ako.


"C-Carlo.." Nauutal na bulong ko, "A-ano..gusto mo ng juice?" Patuloy ko, tumawa naman siya ng marahan saka lumapit saakin, napapitlag ako nang punasan niya ng panyo niya ang bibig ko.

"Para ka pa ring bata hanggang ngayon." Natatawang sabi niya.


"Baliw ka.." Hindi ako makatingin sakanya, tumalikod ulit ako at kumuha ng inumin.


"May iba na ba ulit?" Tanong niya, may halong lungkot iyon pero alam kong naninigurado lang siya.

"Wala..Baka ikaw ang may iba." Diretsong sagot ko, napatigil ako nang hawakan niya ang kamay ko.. Magkatalikuran kaming dalawa.

"Kahit kailang walang iba.. Alam mo namang nag iisa ka lang. Sa kapandakan mong yan akalain mong pinuno mo yung puso ko."

Seryosong bulong niya, napalunok ako ng sunod sunod.. Nakakakaba siya, humigpit ang kapit niya sa kamay ko.

"Tignan mo yung barkada natin.. hindi mo akalain na magiging ganito tayo kasaya, karamihan saatin may kanya kanya ng field na pilit pa rin inaabot ang pinakatuktok.. Pero mas magiging masaya ako kung pati ikaw maaabot ko na." Ang lalim magsalita nitong si Nurse!

"Ang lalim mo ha!" Natatawang sabi ko sakanya, pero ngumiti lang siya.

"Ang lalim kasi ng pagmamahal ko sayo.. I love you and I miss you Pandak." Bulong niya, marahan niyang pinisil ang kamay ko.. Tinignan ko siya.

"Namiss din kita." Bulong ko, tumingin din siya saakin at napalunok ako nang makita ko ang pagkinang ng mata niya.


"At..mahal din kita Carlo.. Mahal na mahal.."


--

LIAN'S P.O.V


Mahirap magmahal lalo na kapag yung taong minamahal mo pinapaulanan ng maraming pagmamahal ng iba.. Sikat na sikat na talaga siya, hindi lang basta dito sa Pinas kundi sa iba't ibang bansa pa..


Bawat kilos niya binabantayan ng marami, ultimo mga stolen na pictures niya itinatago nila.. Lumingon siya saakin at nginitian ako, pero napakunot ang noo niya nang mapansin niyang titig na titig ako sakanya.

"Sandali lang pre." Narinig kong nagpaalam siya kela MC, tumayo siya at lumapit saakin.


Kaagad siyang naupo sa tabi ko, ang bango bango niya. Ang gwapo din niya lalo.

"May problema ba ang girlfriend ko bukod sa gwapo kong mukha?" Pagyayabang niya saka inakbayan ako.. "Ha?" Naguguluhan na tanong ko sakanya.

"May problema?" Tanong ulit niya, umiling iling ako. Pero kita ko sa mukha niyang hindi siya kumbinsido sa sagot ko.

"Lian." Pagbabanta niya, huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Sikat na sikat ka na Traviz. Bagay pa rin ba tayong dalawa?, Ang dami dami mo ng fans.. Siguro hindi na tayo bagay?" Malungkot na tanong ko sakanya, hinalikan niya ang ulo ko at doon nagsalita.

"Hey..mahal na mahal kita, alam mo naman yun diba? At kahit gaano karami pa yung mga taong humahanga saakin. Ikaw at ikaw pa rin yung pipiliin ko. Kahit siguro ayawan mo ako, ikaw pa rin yung gusto ko." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.. Ang sarap lang marinig na sakanya nanggagaling iyon.


"Hindi mo lang alam kung gaano kita kamiss.. Gustong gusto na kitang halikan sa airport kanina, pero hindi ako makalapit sayo kasi may mga nakabantay.. Minsan nga pinagsisisihan kong nag artista ako.." Bulong niya, humilig ako sa braso niya.


"Traviz..alam mong kung saan ka masaya, masaya na rin ako. Ang ikinatatakot ko lang baka biglang magbago yang nararamdaman mo saakin." Bulong ko sakanya.

"Kalokohan yun. Mahal na mahal kita at kahit kailan hindi na magbabago yon. Oo tumitingin ako sa mga babae, pero hanggang tingin lang ako. Dahil yung puso ko pag aari mo na.. Sayong sayo na Lian," Seryosong sabi niya saka niyakap ako at hinalikan ulit ang ulo ko.

"Basta, magtapos ka ng pag aaral. Pakakasalan na kita, para bumuo na tayo--" Hinampas ko ang dibdib niya!! Tumawa naman siya!

"Ang bastos mo Traviz!!" Sigaw ko sakanya.

"Hahaha! Hindi pa kasi ako tapos, pakakasalan na kita para bumuo na tayo ng masayang pamilya." Patuloy niya..

Tumingala ako at hinalikan ko siya sa labi, pero smooch lang naman. Ngumiti siya. "Pwede ba torrid nalang? Kakamiss eh." Natatawang sabi niya.

"Manyak mo Trav--" At bago ko pa matapos ang sasabihin ko nilamon na niya ang labi ko..

Pinakamasayang nangyari saakin? Yung time na nagtanong ako sa S.T kung bakit may sad face ang merry christmas sa bulletin board.. Dahil dun nagsimula ang lahat saamin ni Traviz.


--

ELLAINE'S P.O.V


"Sorry na Papa Kenneth.." Nakangusong sabi ko sakanya, mahina niyang hinampas ang labi ko!

"Tigilan mo yang kangunguso mo Ellaine. Saka isa pa, hindi ba sabi ko sayo itigil mo din ang pagtawag saakin ng Papa. Takte hindi mo ako tatay." Ang cute talaga niya kapag naiinis saakin, kasi naman naingayan nanaman siya.

Nakikipagsaya lang naman ako sa mga barkada niya, pero kasi ayaw ni Kenneth na sobrang magaslaw ako dahil hindi na raw ako bata.. Kahit pa madami siyang ayaw saakin okay lang kasi alam ko namang mahal niya ako.

Seloso din siya, alam niyo bang binilan niya ako ng bagong sim card? Ang number lang niya ang nakasave doon.. Tapos yung facebook ko madalas niyang buksan, kapag nagchachat saakin na lalaki binablock niya kaagad, maliban lang sa S.T syempre.


"Sorry na. Hindi na ako sisigaw ng sisigaw.." Sabi ko sakanya, mariin niyang tinitigan ang mata ko. Waaa, nakakatakot naman kasi eh, galit nanaman.

"Kapag mag asawa na tayo, mag iingay ka lang kapa--"

"Kapag nasa kama kayo." Biglang sumingit si Traviz! Binato naman siya ni Kenneth!

"Sira ulo ka!!!" Sigaw ni Kenneth sakanya, nagtawanan naman ang barkada.

"Mag iingay ka lang kapag kailangan." Patuloy ni Kenneth.

"Kaya nga! Mag iingay ka kapag nasa peak ka na! Hindi yung tini-tease ka palang maingay ka na!" Napakunot ang noo ko sa sinasabi ni Traviz, pero lahat sila nagtatawanan. Pati si Lian tumatawa, ano ba yun?

"Putangina mo ka Traviz! Bumalik ka na sa Korea!!" Sigaw ni Kenneth sakanya, napansin ko naman ang pamumula ng mukha ni Kenneth. Hala ang cute niya. Hihihi.


"Oo, babalik naman talaga kami ni MC, pero babalik din kami dito." Nakangiting sabi ni Traviz.

"Pero seryoso ako dun Ellaine, mas maganda mag ingay ka kapa--" Si Lian na ang sumapak kay Traviz.

"Hoy! Tigilan mo na nga sila Ellaine." Natatawang suway ni Lian sakanya.

"Bakit Lian nagawa niyo na ba?" Natatawang tanong ni Tricia.

"Hoy, hindi pa noh! Tagal nga eh! Tsk, pero ayos lang! Yati saakin 'to pagka graduate niya! Pakasalan ko na 'to tapos maglalaro na kami sa kwarto.." Ngiting ngiting sabi ni Traviz! Namula si Lian! Hinampas niya ang mukha nito!

"Yuck Traviz hindi ka pa rin nagbabago!" Sigaw ni Pitah.

"Hoy! Simulan niyo na si baby Strawberry mamaya ha?!" Sabay sabay na sigaw nila..

Ang gulo nila! Nakakaloka, kinuhit ko si Kenneth. "Kenneth ano yun?" Tanong ko sakanya, tinignan niya ako sa mata. "Love making Ellaine. H'wag ka ngang slow." Naiinis na sagot niya saakin, ang sungit ni Papa Kenneth. Huhuhu.

"Ha?? Love making?" Tanong ko pa ulit.. "Aish!! S-E-X!! Sex!" Sigaw niya, nanlaki ang mata ko!! Se-sex?!! As in katulad nung sinabi ni Kenneth noon? Yung fck me Ellaine? No!!


Oh my gosh.. Sex? Gosh.. Gosh.. Si..si Papa Kenneth at ako? Mag la-love making? At..at dun lang ako mag iingay?? Oh..my..gosh.. I cannot!! Coconut... Oh my gosh talaga... Ahhhhh!!


"Hoy Ellaine!! Bakit namumula ka? Siguro iniimagine mo na noh?" Pang aasar ni Traviz! Lalong nag init ang mukha ko..

"Manyak!!" Sabay sabay na sigaw nila..

Pero napahagalpak ang tawa nilang lahat nang magtanong ako kay Papa Kenneth.

"Kenneth? Magla-love making din tayo?"


--

KOLLINS P.O.V


"Hey baby..magpahinga ka na." Suway ko kay Isabel, kanina pa kasi niya pinapanood ang video ng buong barkada nung kasal namin.

Paulit ulit na nga. Pero hindi ako pwedeng magreklamo, baka nagtampo nanaman 'tong Misis ko. Four months na kasi si baby Strawberry sa tiyan niya.

Yeah, she's four months pregnant. And we are really sure na babae yon.


"Kollins, ang saya ng barkada noh? Biruin mo, high school palang tayo. Tayo, tayo na yung magkakasama. Hanggang ngayon, magbabarkada pa rin tayo." Nakangiting sabi niya.

Sinimulan niya ulit sa umpisa ang video.

"Hindi ka ba nagsasawa jan?" Tanong ko sakanya, umiling lang siya.

"Last na yan, pagkatapos niyan matulog ka na Isabel." Suway ko sakanya, tumango naman siya.

Maya maya lang pumasok sa kwarto namin si Tricia at Kai na parehong buntis na din. Napapailing nalang ako, wala lang. Masaya lang kasi, maging yung ganitong pangyayari sa barkada, nakikita ko pa rin.


Lumabas na ako ng kwarto namin ni Isabel at bumalik na sa inuman ng barkada, paalis na kasi sa isang linggo si Glecy at Carlo, 'tong dalawa na 'to nagpakasal na rin last month, at balak nilang sa states na muna tumira.

"Tae lipat niyo nga yung tv hindi ko naman maintindihan yan eh!" Sigaw ni Kenneth, nanonood kasi ng korean sila Ellaine.

Ngumiti ako nang makita ko yung dalawang ulol sa tv, si MC at Traviz. Nagsasayaw at kumakanta.

"Ang sama mo Papa Kenneth, suportahan natin si MC." Suway ni Ellaine kay Kenneth. "Tss."

"Guys, may girlfriend na din si MC. Koreana daw." Biglang sabi ni Glecy na ngayon ay katabi si Carlo.

"Oh? Ayos yan, hindi na siya loveless." Sagot ni Miggy.

Isa isa ko silang pinagmasdan. Ang gago lang ng pakiramdam ko ngayon, masaya na naiiyak. Tangina anong klaseng kabaklaan 'to?

Naiiyak ako? Tss. Kasi pagkatapos ng pambabalahura ko sa buhay nitong mga 'to, sinong mag aakala na magiging maayos ang lahat saamin..

Masaya..dahil nalagpasan namin lahat ng problema, heto na nga at may kanya kanyang buo na ng pamilya.

Darating din yung panahon na mga anak naman namin ang pangangaralan namin, tiwala lang sa diyos mapapalaki namin ng maayos yung mga magiging anak namin.


"Guys!! Picture tayo!!" Sigaw ni Tricia, lumabas na pala sila ng kwarto namin ni Isabel.

Kaagad akong tumayo at inalalayan ang asawa ko.

"Baby!!" Narinig kong sigaw ni Reno kay Kai saka nilapitan ito.

"Sayang di tayo kumpleto.." Bulong ni Lian.

"Problema ba yun? Heto ang kukumpleto saatin!!" Sigaw ni Miggy at iniladlad ang dalawang poster na may mukha ni Mc at Traviz.

"Hahahahaha!" Sabay sabay na halakhak ng buong barkada..

"Manang Angie, pakisuyo naman po. Papicture po kami.." Pakiusap ni Isabel, si Manang Angie pa rin ang kasama naming mag asawa dito sa sariling bahay namin.. Pero dumadalaw naman ang mga magulang namin saamin.

"Osige, akina yang camera." Nakangiting sabi ni Manang.

"One..two..cheese!!!"



"Talaga Mommy? Lahat sila kaibigan mo? Pati 'tong nasa posters? Diba artista siya?" Narinig ko kaagad ang matinis na boses ng anak ko pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay namin ng asawa ko.

"Yes baby, nasa tummy ka pa ni Mommy nung kinuhanan yang picture na yan.. Kaya kasama ka din namin jan." Masayang sabi ng asawa ko, naglakad ako papunta sa sala.

"Daddy?!! Daddy!!!" Mabilis na tumakbo si Strawberry palapit saakin at nagpakarga. Apat na taon na siya.

"Daddy, pagod ka sa work ano? Mamassage kita mamaya?"

"Kailangan pa ba ng massage? Kiss palang ng baby ko tanggal na pagod ni Daddy eh." Lumapit naman saamin ang asawa ko na namimilog ang tiyan pero bigla siyang natigilan at mahigpit na kumapit saakin!

"Anong nangyari?!!" Sigaw ko, tae kinabahan nanaman ako! Ganitong ganito din yung nangyari nung nanganak siya kay Strawberry.

"Ma..manga.. Sht! Kollins!! Manganganak na yata ako!!"

"Fck!! Bakit hindi mo alam yung saktong date?!!" Sigaw ko saka mabilis kong ibinaba si Strawberry at binuhat ang asawa ko!!

"Manang!! Manganganak na si Isabel!!" Sigaw ko!

Kaagad tumakbo si Manang Angie sa sala at pinagbuksan kami ng pinto pero..

"SURPRISE!!!" Buong barkada!!

"Fck sht!! Tabi!! Manganganak na ang asawa ko!!"

"Ano?!!!" Sabay sabay na sigaw nila!!

"Anong ipapangalan niyo sa baby?!!" Tanong ni Traviz!

"Ano..ah, Orange? Apple? Grapes? Aish!! Watermelon!! Putang ina tabi!!!" Putcha nakakatuliro dahil sinasapak na ako ni Isabel!!

"Bwisit ka Kollins!!! Sa susunod ikaw na ang magbuntis!! Ahhhh!!!"

"Hoy pili ka ng pangalan!!"

"Baby..baby Ram!! Rambutan!!"

"HAHAHAHAHA! Hoy tang ina niyo pinagtitripan niyo nanaman si Pinuno!! Purket alam niyong natataranta ginagago niyo na! Tumabi tabi tayo dahil lalabas na si Baby Ram!! Rambutan!!" Pang aalaska ni Tricia at Mondragz, takteng mag asawa 'to sabay pa talaga magsalita!!


Tumakbo na ako palabas ng bahay!! At sumakay sa van ni Mondragz!

"Lahat ba ng prutas ipapangalan niyo anak niyo?" Natatawang tanong ni Kai. Mabilis naman na pinaharurot ni Mondragz ang Van nila! Siksikan kaming lahat dito!


"Ahhhh!!! Fck yov Kollins!!!"

"Mommy!! Don't say bad words!" Sigaw ni Strawberry, natawa naman lahat ng barkada!

"Guys!!! Utang na loob manganganak na ako!!" Galit na sigaw ni Isabel, pero bigla siyang sumigaw ng malakas!

"Woo!! Haaa! K..kollins! Lalabas na si baby!!"

"Haa?! A-anong gagawin ko?" Sht!! Nakakataranta!!

"Gago ka ba?!!!" Mura niya saakin.

"I'll help!" Sigaw ni Carlo saka inayos si Isabel.

"Hoy!! Anong gagawin mo sa asawa ko?!!!" Sigaw ko!

"Tangina pre di na aabot sa ospital si Pitz, manganganak na yan!!" Sigaw ni Carlo!

"Puta!! Pumikit kayong lahat!!!!" Sigaw ko! Tae hindi nila pwedeng makita yon!!

"Ano?!! Paano ko makikita kung nasan yung ulo nung bata!!" Sigaw ni Carlo! Puta 'tong nurse na 'to. Nag aaral nga rin pala 'to para maging Oby.

"A-ano!! Isisigaw ko kung nasan!! Puta pumikit kayong lahat!!"


At ganun na nga ang nangyari, para akong gago na sigaw ng sigaw kay Carlo kung paano niya mahahawakan ng maayos yung anak namin ni Isabel! At ilang sandali pa narinig ko na ang pag iyak niya.. Kaagad ko siyang binuhat kahit puro dugo pa..



Kaagad namang tinakpan ni Manang Angie si Isabel..

"Aww..kamukhang kamukha ni Kollins.. Hello baby Ram.." Sabi ni Glecy.

"Malapit na tayo sa ospital!!" Sigaw ni Miggy, pero hindi ko na pinansin yon..

Maingat kong hinalikan ang noo ng asawa ko na nakatulog na sa panganganak, chinecheck naman ni Carlo ang pulso niya..

"Salamat guys." Bulong ko.

"Wala yon! Tae sa hirap at ginhawa magkakasama tayo!" Nagkatawanan ang lahat.

"Oo! Pati sa panganganak! Na lahat tayo nakapikit! Hahaha!"

"Walang iwanan guys!!" Sigaw ni Tricia.

"YEAH!! Walang iwanan! Student Terror 'till death do us part! Sht! Kinasal tayo sa isa't isa!" Sigaw ni Yanessa.

"Hahaha!"

"Pero seryoso guys..wala talagang iwanan.."


Kahit mga balahura 'tong mga kaibigan ko, ipinagmamalaki ko silang lahat. Tsk.

"Love you guys." Tae bakla ng dating.

"Anong sabi mo Pinuno?!" Tae nang aasar pa!

"Pakilakas!!" Sigaw ni Mondragz.

"Puta love you guys!!"

"HAHA! Yan tayo eh! Wala talagang iwanan!"




W.A.K.A.S

©asherina_kenza 


Finally! Tapos na ang Student Terror.. Again, thank you so much sa mga sumoporta! Magmula book 1 hanggang matapos ko 'to. Sobrang thank you! Sa mga Operator's ng S.T guys, alam niyo namang love ko kayo diba? Hahaha! Salamat sa lahat! Sa mga readers na kahit ang tagal kong mag update nag aabang pa rin, hahaha. Thank you thank you! <3 Sa mga gustong sumali sa group ng Student Terror, ayun po sa external link. :) Salamat guys! Love you all!


ATE ABO.

Student Terror 2: Revenge of the RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon