Chapter 19: Nagpipigil/ Nagtitiis..

12.5K 239 22
                                    

Si Cesar po yung nasa multimedia >>>>>

Tapos facebook ni Tricia nasa external link ;)

Tapos yung video si Cesar ulit sumasayaw! Haha >>>

____________

=19=


TRAVIZ P.O.V



Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay nila! Langya dahil sa Mark na yon nag away nanaman kaming dalawa, nakakagago kasi eh ayaw niyang layuan yung Mark.


Bababa na sana siya pero hinila ko ang kamay niya at mabilis kong pinaandar ang kotse ko!


"Traviz!! Ano ba?! Gabi na!" Sigaw niya saakin.


"Hindi tayo uuwi hangga't hindi tayo nagkakaayos!" Sigaw ko! Tangina ayokong matulog na magkaaway nanaman kaming dalawa.


"What?! Pagagalitan ako ni Mama!!" Sigaw niya.


"Hindi magagalit yon kapag nalaman niyang ako ang kasama mo." Pagmamatigas ko, totoo naman. May tiwala saakin yung Mama niya, kaya nga ang hirap din eh. Syempre bata 'tong girlfriend ko at ipinagkakatiwala siya saakin ng Mama niya, hindi ko pwedeng gawin sakanya yung mga ginagawa ko noon sa mga naging girlfriends ko, naiintindihan niyo naman siguro ako diba?! Paligoy ligoy pa! Hindi pwedeng magsex. Tapos!!


"Traviz! Uuwi na ako!" Sigaw niya!

"Shut up Lian! Nakakatulog ka ba ng mahimbing kapag magkaaway tayo?! Hindi rin diba?!! Kaya walang uuwi satin hangga't hindi natin napag uusapan 'to ng maayos!" Ma-awtoridad na sabi ko.


Tumahimik nalang siya. Boyfriend niya ako kaya may karapatan din akong magdesisyon sa relasyon naming dalawa, hindi naman pwedeng yung isa lang saamin ang masusunod. Tae, wala na ngang sex mag aaway pa ba kami? Oo! Ganun talaga ako! Langya di pa ba kayo sanay? Dito lang naman ako kay Lian nagbago, kahit mahirap.


Inihinto ko ang kotse ko sa mataas na lugar kung saan kita yung city lights. Lumingon ako sakanya at dun ko lang napansin na tulog siya, napailing nalang ako. Kinuha ko yung jacket ko sa likod ng back seat at kinumutan ko siya gamit yon.


Mahal ko nga talaga siya. Ngayon ko lang napatunayan sa sarili ko na kaya kong magtiis sa lahat ng nakasanayan ko h'wag lang siya mawala.


Mga kalahating oras na rin ang lumipas ng magising siya.

"Nasaan tayo?" Tanong niya..

"Malayo sa kabihasnan!" Nakangiting sagot ko.

"Bwisit ka Traviz nasaan nga tayo!" Sumisigaw nanaman siya, hindi ko nalang siya sinagot. Napansin naman niya siguro ang pagtahimik ko kaya tumahimik din siya.

Student Terror 2: Revenge of the RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon