Special Chapter

19.8K 495 75
                                    





Special Chapter

PITAH P.O.V


8 months na si baby Ram Kollins Bernal Jr. at limang taon na si Strawberry. Hindi ko inilagay na Rambutan ang pangalan ng anak ko noh, ito kasing si Kollins kapag natataranta saakin kung ano anong pinagsasasabi, pero isang magandang regalo daw talaga ang dalawang anak namin. Tuwang tuwa din siya dahil ipinangalan ko sakanya si Ram.

"Mommy! Mommy!" Sigaw ni Strawberry.

"Anak, h'wag kang maingay magagalit si Papa Jesus sayo." Suway ko sa anak ko, kaagad niyang tinakpan ang bibig niya, nandito kasi kami ngayon sa simbahan, kasal ni Traviz at Lian. Nakakaloka lang dahil ang daming camera at fan girls dito sa simbahan, ang lakas pa rin talaga ng hatak nitong si Traviz at MC atsaka isa pa double wedding nga pala ngayon gawa ni Kenneth at Ellaine, nakakatuwa lang dahil lahat kami lalagay na sa buhay may asawa. Si MC naman ikinasal na sa Korea, silang dalawa din ng Koreanang girlfriend niya ang nagkatuluyan, grabe noh? Kahit magkaiba ang lenggwahe as long as you love each other magkakaintindihan kayo, pero kahit ganun marunong naman kasing magkorean si MC dahil nga ang tagal na niyang artista doon.

Tinitigan ko ang mga koreanang nanonood ngayon ng kasal nila Traviz grabe lang nag iiyakan sila, may mga pinay din at ibang lahi.

"Huwaaa! Oppa!!" Sigawan ng lahat, may mga sumusuway sakanila na h'wag maingay dahil baka magalit ang Pari.

"You may now kiss the bride." Mas lalong lumakas ang iyakan at sigawan!

"Oppa! Saranghae! Huhuhu!!" Sigawan ng mga kababaihan, panay naman ang tawa nila Reno at Miguel, si MC naman parang sanay na sanay na. May anak na rin siya, 2 years old at sobrang gwapo dahil may lahing korean nga.

Yung anak naman ni Reno at Kai na kasing edad ni Strawberry mukhang haponesa, yung anak naman ni Mondragz at Tricia na five years old din lalaki at ang gwapo gwapo, actually tatlo na ang anak nila ni Mondragz at sobrang higpit ni Tricia sa panganay niya palagi niyang tinatarayan kapag makulit, pero malambing naman siya kapag mabait yung anak niya.

Si Yanessa at Miguel, nakaisa na rin sila. Si Glecy at Carlo, ayon dalawa na ang anak, bongga nga nila kasi si Carlo din ang nagpaanak sa asawa niya.

Habang si Lian at Ellaine, buntis! Halos magkasabay! Parehong 2 months pregnant. Nakakaloka.


"Baka naman nung dumating ka dito nagbakbakan kaagad kayo ni Lian? Sa natatandaan ko 2 months palang ang nakakalipas nung umuwi ka mula Korea." Pang aasar ni Miguel kay Traviz, ngumisi naman ang walanghiya.

"Mahirap na magpigil ngayon, masyado ng maganda ang asawa ko." Sobrang lalaking lalaki na talaga ang boses ng barkada, nandito na kami sa bahay namin magbabarkada, kagagaling lang namin lahat sa reception ng kasal.

Namula ang mukha ni Lian dahil sa kahihiyan, pero mabilis siyang hinalikan ni Traviz sa labi kahit magkakaharap kami.

"I love you." Bulong ni Traviz.

"Putcha! Showy na ang loko!" Sigaw ni Miguel, nagtawanan naman kami.

Naglalaro naman sa sala ang mga anak namin, kung dati puro bote ng alak ang nasa paligid ng bahay, ngayon mukha ng playground ang bahay namin.

May kanya kanya na ring trabaho ang barkada.

"Hey..kumain ka muna." Bulong ni Kollins sa tainga ko atsaka hinila niya ako papunta sa kusina, napalunok ako nang humaplos ang kamay niya sa tiyan ko.

"Baka magutom yan." Pang aasar niya saakin, sinapak ko siya pero ngumisi lang siya.

"Bwisit ka Kollins, 8 months palang si Ram, masusundan nanaman." Naiinis na sabi ko sakanya, yes, I'm 2 weeks pregnant nanaman. Nakisabay pa ako kela Ellaine.

"Haha, promise last na yan. Mag iingat na ako next time." Paninigurado niya, inirapan ko lang siya pero sinubuan niya ako ng pagkain.

"I love you.." Bulong niya at halos mapalunok ako dahil sa tuwing maririnig ko pa rin sakanya yon ang laki pa rin ng epekto saakin, iba kasi si Kollins ngayong mag asawa na kami, masyado siyang maalaga at mahilig siyang makipag laro kay Strawberry at Ram, he love's our kids, masyado na nga niyang inispoiled si Strawberry kaya naiinis ako sakanya paminsan.

"I love you too.." Sagot ko sakanya at nanlaki ang mata ko nang halikan niya ako sa labi.

---

TRICIA'S P.O.V

"Hahaha! Oo nga, paalagan muna natin sa mga Lola nila itong mga anak natin. Isang araw lang naman sa Olangapo Beach ulit tayo, ngayon lang naman tayo nakumpleto ulit." Suhestiyon ni Yanessa, paano kasi nagkakayaan ang barkada na magbakasyon muna kami kahit isang araw lang.

Nagkatinginan kami ni Ron, tatlo ang iiwanan namin kela Mama? Kasi naman bakit nagkasunod sunod, bwisit tong asawa ko!

"Ako na bahalang kumausap kela Mama." Bulong niya sa tainga ko, inirapan ko lang siya. Bahala siya, kung pwede lang na isama ko yung tatlo isinama ko na, ayoko kasing napapahiwalay saakin yung mga anak ko.

Pero isang araw lang naman Tricia. Makakaya mo yan.


Kinabukasan madaling araw kami umalis ng Manila, sobrang gulo pa rin naming magbabarkada akala mo mga nakalabas ng mental!

"Grabe, malakas trip ng anak ni Reno! Pucha balita ko suplada yun ah, nambabato daw ng sapatos sa school?!" Natatawang kwento ni Miguel saamin habang nakasakay kami sa van.

"Hala! Grabe nga yon, pinatawag nga daw sila Reno sa school, hindi malaman kung kanino nagmana eh. Samantalang si Tricia yung amazona!" Pang aasar ni Kenneth saakin.

"Ulol! Mana sa Ninang!" Sigaw ko sakanila. Pilya talaga yung anak nila Reno nasobrahan sa kahyperan.

Isa isa kong pinagmasdan ang mga kaibigan ko, ilang taon na nga ba kami? 26? Nakakatuwa lang, ilang taon na kaming magbabarkada pero ang kakapal pa rin ng mukha nila. Oo makapal mukha wagas magmurahan eh, akala mo mga binata at dalaga pa kung umasta. Pero masasabi ko namang ginagawa namin ang lahat ng makakaya namin para magampanan yung pagiging magulang, ayaw naman naming magaya saamin yung mga anak namin.

Pagkadating namin sa beach unang unang tumakbo si Glecy sa pampang ng beach at doon nagtampisaw, para pa rin siyang bata.

"Hey Hon.." Kaagad pinulupot ni Ron ang braso niya sa baywang ko at napapikit ako nang halikan niya ang pisngi ko.

"Ang bilis ng panahon Ron, parang kailan lang nung nagbabakasyon tayo dito tuwing anniversary ng barkada. Ngayon may mga anak na tayo.." Bulong ko sakanya, narinig kong humalakhak siya ng marahan.

"Ganun talaga, lahat tayo tumatanda na. Pero tandaan mo yung pagmamahal ko sayo hindi tatanda yun! Lalo lang lalago!"

"Gago ka, korni mo!" Mura ko sakanya, tinawanan niya lang ako at niyakap ng mahigpit.

"I love you too." Bulong niya, ganun pa rin. Ang isang mura para saaming dalawa ay katumbas ng isang I love you.

--

GLECY P.O.V


"Oh dahan dahan naman." Suway saakin ni Carlo, nagtatampisaw kasi ako sa pampang ng beach namiss ko to, pero bigla akong napangiti dahil naalala ko yung panahon na inaasar niya ako dito. Kami pa ni Cazey noon pero ngayon, mag asawa na kami ni Carlo at may anak na kami.

Tumungo siya at napapitlag ako nang itaas niya ang dulo ng pantalon ko hanggang ibabaw ng tuhod ko.

"Mababasa yang pantalon mo, ang kulit mo para ka pa ring bata." Aniya, tumayo na ulit siya at hinawakan ang kamay ko atsaka lumusong kami.

"Carlo..naaalala mo pa ba dati? Inaasar mo akong pandak dito?" Natatawang tanong ko sakanya, tumingala ako para matitigan siyang mabuti, ang gwapo niya Doctor na Doctor na talaga ang itsura at asta niya.

"Pandak ka pa rin naman ah." Pang aasar niya atsaka bumaling siya saakin! Hinampas ko ang tiyan niya pero hindi manlang siya nasaktan.

"Haha, don't worry kahit naman pandak ka mahal na mahal pa rin naman kita." Paninigurado niya, ngumiti ako.

"Sana magmana sayo yung dalawang anak natin, sana matangkad sila." Tumatawang sabi ko sakanya, ngumisi naman siya.

"Bakit? Ayaw mo bang maging fun size yung mga anak natin?" Pang aasar niya.

"Sira ulo ka, edi kapag may nanligaw at lumigaw sila aasarin din silang Pandak." Nakangusong sabi ko sakanya, napapitlag ako nang bigla niya akong hilahin at idinikit sa katawan niya! Napalunok ako nang idikit niya ang labi niya sa labi ko.

"Hindi naman sa height nasusukat ang pagmamahal Glecy, dahil ako kahit ikaw pa yung pinaka pandal sa buong mundo, ikaw at ikaw pa rin yung mamahalin ko." Bulong niya sa pagitan ng labi naming dalawa, magsasalita pa sana ako pero nilamon na niya ang buong labi ko ng isang malalim na halik. Nakakahibang simula ng maging kami nito ni Carlo masasabi kong magaling talaga siyang humalik.

"I love you Pandak.." Bulong niya, yumakap ako sakanya. Mahal na mahal ko 'tong si Doctor Bana, ang pinakamagaling na Oby para saakin.


--

YANESSA'S P.O.V

"Baby Yans! Sorry na kasi." Sino pa nga bang tatawag saakin ng ganyan? Kundi ang asawa kong walang kwenta! Oo wala siyang kwenta! Nakakainis kasi iniwanan niya yung camera namin, paano ako makakakuha ng sariling picture ng barkada? Kahit may kanya kanyang camera sila iba pa rin syempre yung may sariling kopya ka.


"Ang dami mong kakalimutan yun pa!" Sigaw ko sakanya saka binato ko siya ng damit na nahila ko sa maleta namin, nag aayos kasi ako ng gamit dito sa magiging kwarto namin sa Olangapo. Bigla kong narinig ang nakakalokong pag ngisi niya tinignan ko siya at nanlaki ang mata ko nang makita kong hawak niya ang underwear ko!

"Hahahaha! Baby Yans naman, kakarating palang natin. Nang aakit ka ba?" Panunuya niya, tinignan ko siya ng masama atsaka binato ko siya ng unan!

"Manyak ka!" Sigaw ko sakanya, bwisit na Miguel 'to!

Tumayo siya sa pagkakaupo dun sa sofa atsaka lumapit saakin ng hindi binibitawan yung lintik na underwear ko.

Hinila niya ako atsaka umupo siya sa paanan ng kama, iniupo naman niya ako sa hita niya at yumakap siya baywang ko mula sa likod, pinaglalaruan niya yung underwear ko kaya kinuha ko sakanya atsaka ibinato ko dun sa maleta.

"Sorry na. Umiiyak kasi kanina si Gabriel, naipatong ko sa lamesa yung camera, nawala na sa isip ko. Nakakaawa kasi kanina kung pwede lang isama, sinama ko na." Si Miguel, masyado siyang maalalahanin sa anak namin kaya natutuwa ako sakanya, kamukhang kamukha niya nga si Gabriel, grabe ang lakas ng dugo niya.

Pinagsalubong niya ang kamay naming dalawa at napapikit ako nang halikan niya ang batok ko.

"I'm sorry, h'wag ka ng magalit. Alam mo namang takot ako sayo." Pagsusumamo niya, iminulat ko ang mata ko atsaka hinampas ko siya, hinarap ko naman siya at tinignan ng masama.

"Next time ha? Siguraduhin mong kumpleto ang gamit natin." Suway ko sakanya.

"Opo." Sagot niya, at bago pa ako makapagsalita ulit mabilis niyang inangkin ang labi ko ng isang malalim na halik.

"Miguel.." Ganun pa rin, tinatawag ko pa rin ang buong pangalan niya sa tuwing binabaliw niya ako sa lintik na halik niya.


Sandali siyang humiwalay sa halik naming dalawa at halos mapaawang ang bibig ko nang bumulong siya sa tainga ko.

"Gawin na nating Kuya si Gabriel.."

---

LIAN'S P.O.V

"Traviz!!!" Sigaw ko sakanya! Kapapasok lang namin sa kwarto pero hinila na niya ako at hinalikan sa labi!

"Bakit sumexy ka ng ganito?" Natatawang tanong niya atsaka hinaplos niya ang baywang ko pababa sa may puson ko, namula ang mukha ko, bigla ko kasing naalala yung first night naming dalawa, grabe hiyang hiya ako. Ganun pala yon? Sa una lang masakit? Eh? Ano ba 'tong sinasabi ko, ang pervert kasi ni Traviz.

"Ha? E..ewan ko." Nauutal na sagot ko sakanya, humiwalay siya saakin at naupo siya doon sa sofa, tinitigan ko naman siya mukha na talaga siyang koreana na bida sa isang koreanovela, nakaupo siya habang nakadekwatro siya at nakalatag ang dalawang braso sa sandalan ng mahabang sofa, titig na titig siya saakin na para bang hindi siya makapaniwala na naging ganito yung katawan ko?

Hello? 1st year high school palang ako nung magkakilala kaming dalawa habang siya naman nasa 4th year high school na, tapos naging kami nung 2nd year high school ako, at ang huling pagkikita namin ay nung kasal pa nila Kollins, sa natatandaan ko 3rd year high school ako noon.

Hindi ko naman maitatangging gumanda talaga ang pangangatawan ko siguro dahil nga sa nagdalaga na talaga ako ng bongga, at kahit buntis ako ngayon. Yes, 2 months pregnant. Kitang kita pa rin yung pagbabago saakin.

"Uminom ka ba ng pampalaki ng boobs?" Diretsong tanong niya na nagpalaglag ng panga ko.

"Traviz!!! Ano ba yang mga tinatanong mo?!!" Sigaw ko sakanya, pero seryoso lang ang titig niya saakin na parang normal lang yung pagtatanong niya ng ganon.

"Lian..asawa mo na ako, h'wag ka ng mahiya. A-ano, i-iba kasi eh. Na..nakaka-turn on ka kahit na ganito ka kalayo saakin." Nanlaki ang mata ko kaya naman hinila ko yung kumot sa kama at kahit may damit akong suot ay itinakip ko iyon sa buong katawan ko.


"Napaka mo Traviz! Wala akong iniinom na kahit ano noh!" Sigaw ko sakanya.

"Did you play with yourself? I mean, yes. Yung boobs mo talaga." Pangungulit niya.

"Putcha ka Traviz! Tumigil ka!" Sigaw ko sakanya, pulang pula na ang mukha ko dahil sa lintik na bunganga niya. Idagdag mo pa yung nakakalaglag panty na kagwapuhan niya, kainis mas lalo kasi siyang gumuwapo simula nang magpunta siyang Korea at nag artista.

Humalakhak siya ng sobrang lakas!

"Lika nga dito." Tumatawang sabi niya, umiling ako.

"Come on. H'wag ka na mahiya, I'm your husband." Shit, bakit ganon ang boses niya? Seryoso, lalaking lalaki kasi yung boses niya at tuwing mapapatingin ako sa kanya hindi pwedeng hindi ko titignan yung katawan niya dahil sa lintik na abs niya.

Dahan dahan akong naglakad palapit sakanya, hinila niya ang kamay ko at maingat akong pinaupo sa tabi niya. Yumakap siya sa baywang ko at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko atsaka hinalikan niya ang tainga ko.

"Thank you.." Bulong niya, nilingon ko siya pero nakapikit siya ngayon. Kainis kahit anong anggulo napakagwapo talaga.

Mas lalong humigpit ang yakap niya saakin.

"Hinintay mo pa rin ako kahit sobrang tagal.." Dagdag pa niya, huminga ako ng malalim.

"Wala naman akong balak tumigil sa paghihintay, dahil nung umalis ka ipinangako ko sa sarili ko na gusto kong ikasal sayo. Sa first boyfriend ko, sa first kiss ko. Gusto ko lahat ng first sayo ko maranasan." Bulong ko sakanya, narinig kong ngumisi siya at mas yumakap saakin.

"Pati virginity saakin, panalo talaga." Shit ang sexy ng boses niya, pulang pula ang mukha ko.

"Seriously, mahal na mahal kita.." Bulong niya, grabe magwala yung puso ko. Isang kpop star ang asawa ko at mahal na mahal niya ako!

"Mahal din kita Traviz.." Bulong ko.

Umayos ako ng upo para matitigan siya sa mata, ngumiti siya at napapikit ako nang halikan niya ako ng dahan dahan at napapitlag ako nang pumisil ang kamay niya sa kanang dibdib ko! At halos sapakin ko na siya sa sumunod na sinabi niya!

"Aish..I can't help it, hindi mo lang ako binubusog sa pagmamahal, pati dito busog na busog ako."


--

ELLAINE'S P.O.V

"Sige pa!!" Sigaw ko sakanya.

"Tsk, malalim na kaya." Reklamo ni Papa Kenneth, eh sa gusto ko mas malalim pa!

"Papa Kenneth!! Punta ka pa dun!!" Sigaw ko sakanya atsaka itinuro ko pa yung dulo ng beach, hihihi. Nakakatuwa sinusunod niya lahat ng gusto ko, sabi ko languyin niya yung buong beach.

"Aish! Ellaine!" Suway niya saakin! Kinabahan naman ako dahil lumangoy na siya palapit saakin at hinila niya ang baywang ko!

Naglakad kami papunta sa kubo at umupo doon!

"Kumain nalang tayo." Aniya, nilagyan niya ng pagkain ang isang plato at sinubuan niya ako pero dinura ko yun.

"Pangit ng lasa." Naiiyak na sabi ko, huhuhu. Dati naman favorite ko ang hipon pero ngayon ayoko na, parang bumabaliktad kasi yung sikmura ko. Hindi ko na napigilan tumakbo ako sa labas ng kubo at sumuka.

Kaagad ko namang naramdaman yung mainit na palad ni Kenneth sa likod ko. "I'm sorry.." Paumanhin niya, bakas sa boses niya ang pag aalala saakin, napansin ko yun sakanya, simula ng mabuntis ako palagi na siyang nag aalala saakin. Oo dati nag aalala siya pero nahihiya siyang ipakita yon sa iba, pero ngayon kahit may ibang kaharap wala siyang pakialam basta maalagaan niya lang akong mabuti.

Yiiiie, ang sweet ni Papa Kenneth ko.

Humarap ako sakanya, hinila niya yung isang towel dun sa kubo at pinunasan niya yung bibig ko.

"You alright?" Tanong niya habang nakahawak ang kaliwang kamay niya sa baywang ko, tumango tango ako at ngumiti ng malapad.

"Papa Kenneth ang sweet mo!!" Hiyaw ko.

"Tss, low your voice, magkatabi lang tayo." Suway niya, kahit kailan talaga masungit na sweet pa rin siya saakin! Hihihi, kaya lalong gumagwapo eh.

Napapitlag ako nang haplosin niya ang tiyan ko sa loob ng tshirt ko.

"H'wag pahirapan si Mommy.." Bulong niya, tinitigan ko siya. Hala! Ang cute ni Papa Kenneth, kinakausap niya yung baby naming dalawa!

"Papa Kenneth...I..I love you." Nahihiyang bulong ko, tinignan niya ako ng diretso sa mata. Napalunok ako, bihira kasing magsabi ng ganun si Papa Kenneth, palagi lang niya pinaparamdam na mahal niya ako. Napapikit ako nang halikan niya ang noo ko at muli niya akong tinignan sa mata ko, hindi ko alam kung magtatatalon ba ako sa saya dahil sa isinagot niya saakin.

"Mas mahal na mahal kita."

---

KAI'S P.O.V


Panay ang tawa namin ni Reno dahil kay MC at sa asawa niya, paano ang bilis nilang magsalita ng Korean. Oh edi sila ng dalawa ang nagkakaintindihan lang, pati yung mga anak nila kinakausap nila ng Korean, ang sabi saamin ni MC babalik na sila next week sa Korea, doon na kasi talaga sila titira pero magbabakasyon pa rin naman daw sila dito madalas, syempre doon sanay ang asawa niya.

Ang ganda ganda nga ni Yehra, sa pagkakaalam ko artista din ito eh.

"Baby kain lang ng kain." Suway saakin ni Reno atsaka nilagyan pa niya ng kanin ang pinggan ko, nginitian ko siya, may anak na kaming isa ang cute nga eh. Nakakatuwa dahil kahit ang tagal na naming mag asawa hindi pa rin kami nagbabago sa isa't isa, sa halip mas lalong lumalalim yung pagsasama naming dalawa.

Abala kami ngayong magbabarkada sa pagkain ng dinner, napatingin naman kami kay Yanessa at Miggy, saka Traviz at Lian. Kalalabas lang nung apat sa kwarto mukhang kagagaling lang sa tulog, or let me say mukhang pare parehong pagod? Hahaha!

"Hoy! Kain na dito! Kayo kung ano anong inuuna niyong appetizer!" Pang aasar ni Kollins, nakakatuwa nagbago na talaga siya, hindi na siya masungit.

Umupo yung apat sa lamesa, nakita ko naman kung paano asikasuhin ni Traviz at Miggy ang asawa nila, panay ang lagay nila ng pagkain sa plato.

"Ayoko niyan.." Bulyaw ni Lian kay Traviz, nasa stage palang kasi ng paglilihi si Lian kaya mapili sa pagkain.

"Eto?" Pasensyoso naman si Traviz pagdating sa asawa, tumango lang si Lian at humilig sa balikat ng asawa.

Si Yanessa at Miggy naman nagshare lang sa iisang plato nakakatuwa, magkaaway palagi ang dalawang to pero sila na ngayon ang magkatuwang sa buhay.

Tinignan ko naman si Kuya Ron na sweet na sweet din kay Tricia, pero si Tricia dinadaan sa pagmumura at pambabatok kay Kuya Ron ang paglalambing.

Si Kollins naman panay ang ngisi kay Pitah, halatang inlove na inlove pa rin hanggang ngayon.

Si Ellaine at Kenneth, nakakatuwa 'tong dalawa na 'to eh. Mapapaisip ka talaga paano sila nagkakasundo? Maingay si Ellaine, ubod naman ng sungit 'tong si Kenneth, napangiti ako nang subuan niya ng cake si Ellaine at hinalikan nito ang labi ng asawa na naging dahilan ng pamumula ng mukha ni Ellaine. Sweet ha?

Si MC naman panay ang halakhak sa asawa, may kinukwento yata. Hindi ko sila maintindihan pero makikita mo sa mga mata nila na masaya silang dalawa at talaga namang kuntento sa isa't isa.

At syempre ang Doctor ng barkada, si Carlo na sa wakas si Glecy ang napang asawa. Grabe napaka professional tignan nitong si Carlo, sobrang linis din sa katawan nito, pati sa mga anak. Height doesn't matter nga naman! Hahaha.

Napapitlag ako nang may humalik sa pisngi ko.

"Baby, h'wag mo silang panoorin. Kumain ka." Suway saakin ng asawa ko.

"Ang saya kasi pagmasdan." Bulong ko, ngumiti siya.

"I know, pero kasi po hindi mo ginagalaw yang pagkain mo. Here," Sabi niya atsaka sinubuan niya ako ng hiniwa niyang pork chop.

Nginitian ko siya kaya gumanti din siya ng ngiti, gwapo nitong asawa kong 'to.

Nagulat siya nang bigla ko siyang halikan sa labi.

"I love you baby.." Bulong ko, kuminang ang mata niya atsaka ngumiti siya.

"I love you more." Sagot niya.


Pagkatapos naming kumain nagbukas ng wine si Kollins at sinalinan niya ang mga wine glass.

"Para sa isang matatag na barkadahan." Sabi niya,

"Walang limutan, alam kong pagkatapos nitong bakasyon na 'to magiging abala na tayo sa mga sariling buhay natin, pero guys! Sana wag makakalimot na kapag may problema tayo tayo ang magdadamayan!" Litanya ni Kollins, napangiti ako. Inakbayan ako ni Reno at naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko.

"Cheers for that!" Sigaw ni Yanessa.

"Cheers!!" Malakas na sigaw naming lahat.

"I love you guys!" Nagtawanan kaming lahat dahil si Kollins nanaman ang nag I love you sa barkada!

"Woooah! I love you guys! Group hug!" Sigaw ni MC atsaka bumilog kami at nagyakapan.

Siguro nga simula palang ng totoong buhay namin bilang mga magulang na rin, pero masasabi kong itong barkadang kinabibilangan ko, kahit anong mangyari hinding hindi matitibag. Student Terror yan eh.

****

A/N: Hi guys! Maraming salamat sa mga patuloy na nagbabasa nitong S.T! Sana nagustuhan niyo 'tong Special Chapter. ;) <3

Ate Ash.

Student Terror 2: Revenge of the RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon