Chapter 24: Kami nalang..

11.6K 255 16
                                    






= 24 =




TRICIA P.O.V




Pagkalabas na pagkalabas namin ni Kenneth ng venue ng engagement party ko mabilis niya akong isinandal sa ferrari niya at may kinuha siya sa bulsa niya!




At halos mapapikit ako ng mariin niyang punasan ang bibig ko! Panyo pala ang kinuha nitong gago na 'to!




"Sorry dude.." Aniya saka paulit ulit na pinunasan pa rin ang labi ko! Bigla akong nakaramdam ng hiya sa paghingi niya ng sorry, takte hinalikan ako nitong sira ulo na 'to eh! Pero ayos dude! Marunong palang humalik 'tong gago na 'to? Hahaha!




"Ge lang!!" Sigaw ko sakanya saka hinila ko yung panyo at ako na yung nagpunas ng bibig ko.




Pinagbuksan na niya ako ng pinto ng kotse niya saka pinasakay na ako. Mabilis na pinaharurot ni Kenneth ang kotse niya! Tinadtad naman ako ng text ng barkada!




From: Yanessa!



Hoy! Paktuu!! Masarap ba humalik si Kenneth? Utot ka! Bugbog ka kay Ellaine! Hahaha!





Natigilan ako ng maalala ko kung paano sabihin ni Ellaine kay Cesar ang plano namin ni Kenneth na pagtakas sa engagement party. Sobrang kaba talaga ang naramdaman ko dahil hindi umalis si Cesar sa tabi ko, akala ko talaga hindi na ako makakatakas, pero laking pasasalamat ko nalang dito sa gagong Kenneth na 'to kahit hinalikan ako ng sobrang diin.




"Kenneth..si Ellaine.. Bakit bumaliktad siya sa barkada?" Naguguluhang tanong ko. Ngumisi siya na para bang asar na asar siya.




"H'wag mo ng intindihin yon, yung mga ganung klaseng tao hindi na dapat iniisip pa." Galit na galit na sabi niya.




"Nag away ba kayo?"




"Psh, manloloko kasi." Bulalas niya.




Hindi na ako nagtanong pa ulit dahil halata naman na galit talaga siya.. Maya maya lang laking gulat ko ng tumigil kami sa harapan ng bahay nila Ron, bumaba si Kenneth at pinagbuksan ako ng pinto.




"Baba na." Aniya, umiling iling ako.




"Tsk. Takte." Iritadong sabi niya.




"Galit siya saakin, hindi ako kakausapin non." Bulong ko.




"Psh, kaya nga nandito tayo diba.." Sabi niya saka hinila ako palabas ng kotse niya! Sunod sunod na pagpindot sa door bell ang ginawa niya!




Kaagad namang lumabas ang katulong nila Ron at ng makita ko mabilis niyang binuksan ang gate. Hila hila pa rin ako ni Kenneth!




Pagkapasok namin sa sala nadatnan naming umiinom ng tubig si Ron, mabilis niyang nilagok iyon at padabog na ipinatong sa center table ang baso niya.




"Anong ginagawa niyo dito?!" Malamig na tanong niya, nanatili akong nakatungo.




"Daming drama dude, itatapon ko lang sayo 'tong tibo na 'to!" Natatawang sabi ni Kenneth saka itinulak ako kay Ron! Kaagad naman akong na-out of balance kaya napayakap ako sakanya! Pero lumayo din ako!




"Sino namang may sabi sayo na tatanggapin ko yang itinatapon mo saakin?" Matigas na sabi ni Ron..




"Tangina ka!!" Hiyaw ni Kenneth saka dinamba ng suntok si Ron!




"Kenneth!!!" Hinila ko siya palayo kay Ron!




"Tangna dude! Mag usap kayo, pinapahirapan niyo lang pareho ang sarili niyo." Iritadong sabi ni Kenneth saka tumalikod na, pero tumigil siya sandali at nagsalita.




"May atraso ako sayo. Hinalikan ko yang girlfriend mo, torrid." Mariin na sabi niya saka lumabas na ng bahay! Halata naman ang pagkagulat sa mukha ni Ron.




Tumayo na si Ron at padabog na umupo sa couch.. Nanatili akong nakatayo habang nakatungo.




"Isang tanong isang sagot, mahal mo ba talaga ako Tricia?!" Galit na tanong niya!




"Sagot." Mariin na sabi niya.




"Oo." Bulong ko..




"Si Cesar?"




"Hindi.." Mas mahinang bulong ko.




"Bullsht. Bakit hindi mo masagot sa mismong harapan niya?! Bakit kailangan wala siya?!! Gusto mo ba si Cesar?!" Hiyaw niya saakin! Ayoko talagang naririnig na sinisigawan niya ako dahil natatakot ako.. Sakanya lang talaga ako natatakot ng ganito..




"So-sorry.." Bulong ko, oo sorry dahil alam ko sa sarili ko na gusto ko pa rin si Cesar.. Pero hindi ibig sabihin non nagbago na yung nararamdaman ko para kay Ron.. Dahil mahal na mahal ko yang gago na yan!




"Sorry? Gusto mo nga."




"Pero ikaw yung mahal ko! Hindi pa ba malinaw sayo yon ha Ron?! Kahit na anong gusto pa yung nararamdaman ko kay Cesar ayokong mawala ka!! Dahil tangina naman paulit ulit nalang?!! Mahal nga kita!!" Langya! Kailangan yata isampal ko pa sa pagmumukha niya kung gaano ko siya kamahal!!





Tumayo siya at lumapit saakin! Hinawakan niya ang magkabilang balikag ko at matamang tinignan ang mata ko, napatingin siya sa labi ko.. Mariin niyang pinunasan ng thumb niya yon..




"Walang ibang may karapatang humalik sayo kundi ako lang.." Mariin na sabi niya! Magsasalita na sana ako pero napapikit ako ng halikan niya ng sobrang diin ang labi ko! Ibig sabihin ba nito bati na kami? Marahan ko nalang tinugon ang halik niya..




_____




GLECY P.O.V




Pinapaikot ikot ko ang cellphone ko sa lamesa ng dumating si Mark.




"Here's your blueberry cheese cake.." Nakangiting sabi niya saka inilapag sa mesa yung cake.




"Thanks." Nakangiting bulong ko at nagsimulang kumain.




"Hindi ka talaga pumunta sa engagement party?" Tanong niya, umiling iling ako.. Pinadalhan kasi ako ng invitation para sa engagement party ni Tricia, pero hindi ako pumunta dahil alam kong galit pa rin saakin ang barkada. Lalo na ngayong buong pag aakala nila boyfriend ko na itong si Mark..




Oo niyaya niya akong maging girlfriend niya, pero hindi naman ako pumayag.. Napag usapan nalang namin na susubukan kong mahalin siya, pero walang commitment, saka wala siyang gagalawin kahit isa lang sa barkada ko.




"Pwede ka namang pumunta.. Hindi naman kita pinagbabawalan na makita mo sila." Aniya.




"Alam ko naman yun. Pero hindi ko kayang makita kung gano sila kagalit saakin dahil--"





"Saakin." Patuloy niya sa sasabihin ko. Tinitigan ko siyang mabuti, kung may ibang paraan lang sana para maayos na yung gusot sa barkada niya at barkada ko ginawa ko na..





Magsasalita sana ako pero biglang dumating sila Kevin, ang sama ng tingin nila Jewel saakin dahil na rin sa hindi natuloy ang plano nila.




"Mark, kailangan nating mag usap." Matapang na sabi ni Precious.




Umayos ng upo si Mark at hinarap ang mga ito..




"Kung hindi ka pa kikilos ngayon, kami nalang ang gaganti para lang naman sa kapatid mo." Paalala ni Jewel.




"Alam niyong hindi pwe--" Pinutol ni Precious ang sasabihin ni Mark.




"Hindi pwede dahil sakanya?!" Tinuro niya ako at akmang hihilahin ang buhok ko pero mabilis na tumayo si Mark at hinarangan ako!




"Ako na ang nagsabi na hindi niyo gagalawin si Glecy!" Sigaw niya!




Lumapit si Kevin kay Mark at mariin na tinitigan.




"Hah! Tangna pre, sinunod namin yang gusto mo. Pero ang umatras sa laban para sa kapatid mo? Yan ang hindi namin masusunod.. Bahala na Mark, pero kailangan kong maiganti si Jasper."


****

Student Terror 2: Revenge of the RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon