Chapter 22: Tanan with who?!!

11.3K 251 24
                                    

Maikli itey. ;) Kai De Mesa facebook account sa external link ;)



= 22 =



KENNETH P.O.V



Napalakas ang pagtapak ko sa break dahil sa tanong niya?! Humarap ako sakanya at tinignan ko siya ng buong pagtataka! Tae? Boyfriend?!


"A-ano?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.


"Ah..eh, wala Papa Kenneth! Wag mo ng isipin yon! Hehe.." Sabi niya saka ngumiti at tumingin na sa kalsada.


Bakit bigla akong naguilty?! Tangina boyfriend? Ano?!

"Sige na Papa Kenneth diba kakain tayo sa mall! Excited na ako!" Masayang sigaw niya na ngiting ngiti.


Napailing nalang ako at nagdrive na ulit! Tae hindi ako makapaniwala bakit siya ang nagtatanong ng bagay na yon?! Ako dapat, hindi! Takte mali! Wala wala dapat nagtatanong non! Tangina ang gulo.


Pagkarating namin sa mall tahimik lang kaming naglalakad. Tumigil ako tumigil din siya!

"Bat ang tahimik mo?!"

"Ha? Wa-wala naman Papa Kenneth! Gutom na ako eh.. Hehe." Nakangising sabi niya, seriously ngumingit siya? Bat ang pangit ng ngiti niya ngayon?! Psh..


Naglakad na ulit kami pero bigla siyang napatigil at hinila ako.


"Papa Kenneth! Diba si Tricia yon?! Sino yung kasama niya?!" Tanong niya habang nakanguso, tumingin ako dun sa itinuturo niya at nakira ko nga si Tricia at Cesar.


Napakunot ang noo ko dahil nasa loob sila ng isang fine dinning restaurant.

"Tara." Yaya ko kay Ellaine saka hinila ko siya dun sa loob kung saan kumakain sila Tricia, umupo kami sa mismong harap nila kaya naman napatingin saakin si Tricia. Matagal niya akong tinitigan na para bang gulat na gulat siya.

Isinenyas ko ang ulo ko na mag usap kami sa may cr, kaagad akong tumayo at narinig kong nagpaalam siya sandali kay Cesar.


Nakahalukipkip ako habang hinihintay ko siyang dumating.

"Ano 'to Tricia? Takte."

"Chill dude. Fiancee ko siya." Bulong niya.

"A-ano?! Nababaliw ka na ba? Pano si Mondragz?!"

"Hindi ako baliw. Pero yung parents ko nababaliw na yata, tangina lang sinong gago ang ipapakasal ang anak nila sa anak ng kabusiness partner nila." Litanya niya, napatingin ako sa kaliwang kamay niya wala pa naman siyang singsing.

"Alam na ba ni Modragz?" Tanong ko. Umiling siya saka tumungo.

"Galit siya saakin."

"Bakit ka sumasama jan kay Cesar?"

"Ano ba Kenneth, hindi mo lang alam kung anong pagpipilit ang ginagawa saakin ng parents ko. Nahihirapan na ako."


"Then get out, matapang ka diba? Layasan mo yang engagement na yan."

"Tangna hindi ganun kadali, pinutol lahat nila Mama ang cards ko, wala rin akong kotse. Pulubi ako ngayon dude."

"Kailan ang engagement party niyo?"

"Next week.." Sagot niya.

"Mag ready ka, itatanan kita."


****

Medyo mahirap talagang isulat ang book 2 *O* Salamat sa pagbabasa.

ATE ABO.

Student Terror 2: Revenge of the RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon