Chapter 5: Kanya kanya?

13.8K 297 11
                                    






= 5 =






PITAH P.O.V






Pinahatid namin kay MC si Lian, kasi ihahatid na daw niya si Jazmine, pero si Ellaine pinili niyang mag.stay nalang muna dito.







Nandito kami ngayon ni Kollins sa kwarto nila ni Traviz.






Nakaupo lang si Traviz sa tapat ng study table niya at iniikot ikot lang niya yung isang ballpen na hawak niya.






"Pinahatid nanamin siya kay Mc." - untag ni Kollins.






"Geh salamat." - malamig na sabi nito.







Hinila ni Kollins ang kamay ko at umupo kami sa isang kama, ah no nakaupo ako sa kaliwang hita niya habang nakayakap siya sa bewang ko at nakaharap kami kay Traviz.






"Si Jara yon diba?" - tanong ni Kollins, si Jara yung first love ni Traviz.






Tumango si Traviz at nahilamos niya ng palad niya ang mukha niya.






"Mahal mo pa ba?" - tanong ni Kollins, ganyan si Kollins, tahimik lang siya pero kapag ang isa sa barkada namin ang namomroblema nangunguna siya sa pagsasalita.






"Hindi ko alam. Langya naman kasi pare eh, masaya naman ako kasama si Lian pero--"






"Pero hindi mawala sa isip mo si Jara, pare 2 years na lumipas." - sabi ni Kollins, yeah 2 years na ang nakalipas..






"Alam ko naman dude.."






"Kailangan mong makita si Jara." - sabi ni Kollins, tumayo siya kaya naman inalalayan niya rin akong tumayo.






"May contact ako ni Jara." - malamig na sabi ni Kollins at napansin kong parang may hinahanap siya sa phone niya.






"Dude! Lalo lang lalala!" - sigaw ni Traviz.





Tumigil pagba-browse ng phone si Kollins at tinignan ng masama si Traviz.






"Dun mo malalaman kung sino ba talagang gusto mo. O baka naman ginagamit mo lang si Lian?" - medyo may tono na ng pagbabanta ang boses niya, hinila ko si Kollins at umiling iling ako, takte nararamdaman kong mag aaway sila.





Tumayo si Traviz at binato yung ballpen sa pader.






"Putangina naman pare! Si Lian gagamitin ko? Dude! Mahal ko siya!"






"Mahal mo siya?! Eh gago ka pala bakit ka nagagalit sakanya nung tinatanong ka niya tungkol kay Jara!!" - sigaw ni Kollins, narinig kong nagtakbuhan ang barkada papunta dito.






"Ano ngayon kung magalit ako?! Tangna paulit ulit yung tanong niya! Sino 'to?! Sino siya?!! Nakakagago!!" - kita ko sa mata ni Traviz ang galit.






"Dahil hindi mo matanggap na may nararamdaman ka pa rin kay Jara! Hindi ba siya nga ang dahilan kung bakit ka nang-gagago ng mga babae?! Si Jara ang dahilan!" - sigaw ni Kollins.






"Gago ka!" - sigaw ni Traviz at napasigaw ako ng suntukin niya si Kollins!!






Hinawakan ko sa kamay si Kollins!






"Traviz ano ba?!!" - naiinis na sigaw ko! Dahilan na ba yon para saktan niya si Kollins?!






"Pare ano ba? Para ka namang gago!" - sigaw ni Mondragz saka pumasok sa kwarto!






"Sige magkampihan kayo! Tangna si Kollins naman lagi ang magaling dito diba?" - napakunot ang noo ko sa sigaw ni Traviz, marahas na binitawan ni Kollins ang kamay ko at kinuwelyuhan nito si Traviz!!







"Gago ka. Tinutulungan ka na nga ikaw pa ang galit." - nangigigil na sabi ni Kollins, hinila ni Mondragz si Kollins at si Carlo naman hinila si Traviz.







"Guys guys!! Pwede ba h'wag niyong unahin yang init ng ulo niyo?!! Pag usapan natin 'to!!" - sigaw ko!! Nakakainis mag aaway away ba kami dito dahil lang sa isang maliit na bagay?






"Psh. Bahala kayo sa buhay niyo." - galit na sabi ni Traviz saka kumalas sa pagkakahawak ni Carlo at lumabas ng kwarto.






"Traviz!!!" - sigaw nila Kai!





Pero wala akong narinig na sagot niya.





"Okay ka lang?" - tanong ko kay Kollins, tumango lang siya.





"Ano bang nangyari?" - usisa nila Glecy. Huminga ako ng malalim.






"Si Jara..nakita ni Lian sa laptop ni Traviz, ngayon hindi maintindihan ni Traviz kung sino ba talagang gusto niya."






"Si Jara? Si Jara na as in first love niya?!" - nakakunot noong tanong ni Tricia.






Tumango ako. Nasapo ni Tricia ang noo niya at umiling iling.





"Sht. Magkakaganun talaga si Traviz!!" - sigaw ni Tricia.






"Yeah. Kilala niyo naman si Traviz diba? Minsan lang siya magseryoso ng babae, at si Jara ang kauna unahang sineryoso niya.. Pero guys mahal naman niya si Lian diba?" - tanong ni Yanessa.






"Yeah. Mahal niya si Lian! Pero hindi magiging solid yung lintik na pagmamahal ni Traviz kay Lian kung may nararamdaman pa siya para kay Jara!" - sigaw ni Tricia.






"Solid? Parang tayo solid?" - natatawang sabi ni Mondragz.






"Lul ka!" - sigaw sakanya ni Tricia..






Napatingin naman ako kay Kenneth na nakasimangot dahil kapit na kapit sakanya si Ellaine, para namang baliw na nakatingin sa wrist watch niya si Ellaine.






"And... YES!! Tapos na ang isang oras na pananahimik ko!! Papa Kenneth! Diba hindi naman tayo magiging katulad ni Traviz at Lian?!!" - dire-diretsong sabi niya, at ginawa niya nga yung isang oras na pananahimik?!






"Nak ng putcha talaga." - bulong ni Kenneth.






"Bakit hindi niyo kausapin yung Jara?!" - magiliw na sabi ni Ellaine.






"Si Jara?!" - sabay sabay na sigaw namin!







"Yep!! Si Jara!! Gaya ng sabi niyo first love ni Traviz si Jara! Baka kailangan lang nila ng closure para maging maayos ang lahat!! And besides may Lian na si Traviz! Pero!! Kung kakausapin niyo si Jara kailangan niyong paghandaan ang magiging desisyon ni Traviz! Lalong lalo na si Lian! Dahil kung hindi man closure ang mangyari kay Jara at Traviz baka MAGBALIKAN sila! Diba diba? Nung nakita ko yung mata ni Traviz pag nababanggit yung pangalan ni Jara parang may pagmamahal pa rin eh!"






Napanganga kaming lahat sa litanya ni Ellaine!!






Napatingin ako kay Kenneth na nagpipigil ng tawa.






"WHY PAPA KENNETH?!!" - sigaw ni Ellaine. Lumakas na nga ang tawa ni Kenneth.






"Akalain mo yon may utak ka palang bata ka?" - aww! Ang hard!! Sandaling ngumuso si Ellaine pero napalitan din ng malapad na ngiti!






"PAPA KENNETH!! TUMATAWA KA!! TUMATAWA KA DAHIL SAAKIN!! HUWAAAA!!" - seryoso naiiyak si Ellaine?






Napalitan nanaman ng poker face ang mukha ni Kenneth. At napanganga kaming lahat ng magsalita si Kenneth bago bumaba!







"Alam mo? Mabuti pang magsalita ka ng may sense. Baka sakaling magustuhan pa kita."


*****

Student Terror 2: Revenge of the RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon