Two

227K 3.3K 167
                                    

´*•.¸(*•.¸♥¸.•*´)¸.•*´

♥«´¨'•°..  Two..°•´¨'»♥

.¸.•*(¸.•*´♥'*•.¸)'*•.

Alex POV

 Pagkalabas ko ng bahay.  Tinalian ko ang buhok ko in a messy bun style.  Then naglakad ako papunta ng garahe.  Bago makarating doon ay dadaan muna sa mini garden ng nanay ko.  Napakunot ang noo ko nang makita ko si Inday na nakaupo sa swing at umiiyak. Si Inday ay ang all around kasambahay namin. Pang beauty contest din ang kanyang itsura.  Lumapit ako sa kanya.

“Inday , bakit umiiyak ka?”  tanong ko sa kanya. Nag-angat s’ya ng kanyang ulo at tumingin sa akin. “Pinagalitan ka ba ni Mommy?” umiling s’ya. “ Kinagat ka ba ng aso ng kapitbahay?” umiling ulit s’ya.  Nag-isip pa ako  “ ah nadapa ka ba kaninang bumili ka ng pandesal sa kanto?” umiling ulit s’ya. “Binasted ka na ba ni Clifford?” umiling ulit s’ya. “ Ano ba kasing dahilan? Nauubos na ang liquid  sa aking utak sa kakaisip?” atat na tanong ko. Pulang-pula na ang kanyang mga mata at ilong dahil sa kakaiyak.

 

“Ka-kasi ate si Dawson Cole namatay” sagot n’ya tapos humagolgol nang bongang-bonga. Nagbend ako para mayakap s’ya. Siguro malapit sa kanya ang taong iyon kaya masyado s’yang apektado. “Huwag kang malungkot Inday. Dapat matuwa ka pa nga kasi payapa na s’ya ngayon. Tapos na s’yang makibaka sa magulong mundo” pag-alo ko sa kanya. “ Ganito na lang sasamahan na lang kita sa libing n’ya” sabi ko pa. Nadadala ako sa kalungkutan ni Inday para narin akong naiiyak..

 

“Ha ate ano?” bumitaw s’ya sa akin tapos tiningnan ako na para bang isa akong weird na tao.

“Sabi ko  sasamahan kita sa libing ni Dawson Cole para naman kung sakaling humagolgol ka doon ay maaalalayan kita”  concern na sagot ko sa kanya tapos inabutan ko s’ya ng Doraemon na panyo na mula sa bulsa ko. Kinuha naman niya at nagpunas ng luha tapos tumawa s’ya ng parang sa baliw. Napataas ang dalawa kong kilay. “ Bakit ka tumatawa Inday?” nagtatakang tanong ko. Sa kadidikit nitong si Inday kay Mommy nahawa na s’ya ng kabaliwan . Iiyak tapos tatawa nang wagas , oh baliw diba?

 

“Ha!ha!ha ! Ikaw naman kasi ate Alex nakakatawa ka.  Sasamahan mo ako sa libing. Hahaha! Grabee ate ang galing mo . ‘Yung masakit sa pusong nararamdaman ko kanina  napalitan na ng tawa. Hahaha!” patuloy na tawa n’ya.

Napipikon na ako dito kay Inday. Anong nakakatawa sa sinabi ko? “ Paghindi ka umayos sasabunutan kita Inday. Anong nakakatawa?”

 

 

“  Kasambahay brutality ate iyang gagawin mo. Ayon sa batas kasambahay under the republic act 10361 SEC. 5. Standard of Treatment. – The employer or any member of the household shall not subject a domestic worker or “kasambahay” to any kind of abuse nor inflict any form of physical violence or harassment or any act tending to degrade the dignity of a domestic worker.”  Mahabang sabi ni Inday na nakapagpatulala sa akin. “  At ate kaya ako tumatawa kasi walang libing. Ito ang dahilan kaya ako  umiiyak” inabot n’ya sa akin ang isang libro. “ Sige ate maghuhugas pa ako ng plato” tapos umalis na s’ya.

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon