Nine

175K 2.7K 91
                                    

****Nine****

 Alex POV

Yes! Salamat po God  tapos na ang klase ko. Friday na at wala akong pasok ng Saturday.

  

Ang saya -saya ko two days rin akong mapapahinga.  

  

Two days din na hindi ko makikita si Mr.  Sungit at hindi n’ya ako mauutusan.

  

Ano kayang gagawin ko sa weekends?

 Hmmmm. Matutulog  , kakain at  magbabasa ng mga novels ni Abbi Glines . Last Tuesday dumaan ako sa bookstore at bumili ako ng novel n’ya na  Forever Too Far . I loved   Rush sobrang  nakakain-love sya.

 Yippeee! Ngayon pa lang excited na ako. Makapagrerelax akong maigi.

 "Kung may plinaplano kang gagawin bukas, huwag mo nang ituloy "   putol  ni Vincent sa pagplaplano ko ng weekends .

 May matatalim na tingin na bumaling  ako sa kanya  . Nasa tabi ko s’ya at nandito kami sa bench na nasa ilalim ng  isang malagong puno ng acacia  sa may botanical garden ng university.   Wala pa silang balak na magkakaibigan na umuwi kaya nagpapahangin muna kami dito . Mga nature lover yata  ang mga pogita.  Si Sam kakwentuhan si Matheo, si Ian may chicks na kasama. Maan ang name at taga college of  HRM. Si Tommy pumunta ng CR at si Caden tahimik na nag fafacebook sa cellphone n’ya.

 At itong katabi kong si Vincent nakapikit . Akala ko tulog 'yung pala nagplaplano na naman ng iuutos sa akin.

  

"I'm sorry . Anong sabi mo?" nagtatakang tanong ko.

 He opened his eyes and looked at me.

 " Sabi ko kung may gagawin ka bukas, ipagpaliban mo muna" expressionless na sabi nya.

 WTF!  Paano na ang novel na gusto kong basahin?

Paano na ang kama ko , mamimiss ako.

 Wala na ang pagrerelax na plano ko.

 Gustong sirain ng mokong na ito ang aking weekends. 

 

"At bakit?" tanong ko sa kanya.  I can't believed this.  Mukhang tama ako na kabilang sa lahi ng mga vampire itong si Vincent eh. May power  s’yang basahin  ang mga  iniisip ko . Grabee na man,  ipinanganak ba s’ya para pahirapan ang beauty ko?

 "Kailangang pumunta ka bukas sa condo ko para maglinis at maglaba"  he answered .May nababanaag akong pagkatuwa sa mga mata nya. 

 Siguradong tuwang-tuwa s’ya kasi nakaisip s’ya ng ipapagawa sa akin.

  

"Seriously?Nagbibiro ka lang, di ba?"  sana nagbibiro lang sya.

 "Nah" he chuckled. 

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon