Fifteen

196K 3.2K 158
                                    

❀❀❀Fifteen❀❀❀

Alex POV

"Class ito ang mga quizzes nyo, nacheck ko na ito. Nakakalungkot lang dahil sa haba ng pinakopya ko sa inyong notes ay marami pa rin ang nakakuha ng mababang score." Announced ni Prof.   Natahimik ang kaninang maingay na klase. Sa tingin ko ang iba ay kinakabahan na baka sila ang nakakuha ng mababang score. Inaamin ko medyo kinakabahan din ako . Eh! Ang hirap kaya ng quiz. Quiz pa nga lang ang hirap na paano pa kaya pag-exam na. Hay! ang hirap maging estudyante.   Buti pa itong katabi kong si Vincent parang walang paki alam. Parang hindi sya nag-aalala kung makakakuha sya ng mababang score. At sa tingin ko mababa ang  nakuha nya kasi nga diba itinakas ko ang notes nya at kahit ilang araw na ang nagdaan hindi ko isinuli sa kanya. Oo na, ako na ang masama. Ginawa ko lang naman iyon para makaganti sa kanya. Hindi naman ako papayag na uutos-utusan nya. Makabagong Gabriela kaya ako.

"Sa tingin mo ba  isa ako sa mga nakakuha ng mababang score? " Vincent asked me. 

Napatingin ako sa kanya. " Hmm, siguro" I answered him. Pero sa palagay ko mababa ang score nya.

"Paano kung mataas ang score ko o kaya ako ang highest?  "

Bakit kaya nya ako tinatanong ng ganito. Siguro may binabalak sya?

"I don't think so"   pang-aasar ko sa kanya.  Mahirap ang quiz  at wala syang reviewer  kaya sa tingin ko mababa lang ang score nya.

"So sa tingin mo nga na mababa nga ang score ko?" blank face na tanong nya.

"Yes" sure na sure na sagot ko.

" Ahmmm.  Parang sigurado ka na mababa ang score ko ah. How about a bet?" nakasmirk na sabi nya. 

Napangiti ako. Parang nasaktan ko ang ego nya ah. Kaya hinahamon ako ng bet.  "Sure"  sagot ko. Alam ko naman na panalo na ako.

"If I am the highest  susunduin mo ako at hahatid ng one week"  sabi nya after mag-isip ng 1 minute.

Nabigla ako sa sinabi nya. "Ano ka dalaga na kailangang ihatid at sunduin?" natatawang tanong ko. So this was his plan . Sabi na nga ba may patutunguhan itong usapan na ito eh.

"Okay let's change it.  Akin na lang ang motorbike mo." Seryosong sabi nya.

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugWhere stories live. Discover now