Thirteen

183K 2.5K 157
                                    

♥♥♥♥♥Thirteen ♥♥♥♥♥

Alex POV

Lunch Time

Papunta kaming pito sa cafeteria.

Nauunang maglakad sina Matheo,  Tommy  at   Ian.

Kasunod kaming dalawa ni Vincent at nasa likod naman namin sina Sam at Caden.

Marami-rami na rin ang mga estudyanteng naglalakad  papuntang cafeteria at mga nagkalat sa bawat sulok ng university.

Nakakailang nga lang kasi ang daming mata na nakatingin sa amin.

'Yung ibang girls  tumitili pa . Pinapahalata talaga nila na kinikilig sila pagnakikita nila ang limang pogita na kasama namin ni Sam.

Deadma na nga lang kami ni Sam sa mga deathglare ng mga babaing  nagpapapansin sa kanila. Kung nakakamatay nga lang ang tingin tiyak na kanina pa kami ni Sam namatay. 

Wala naman kasi akong choice kundi sumama sa lahat ng pupuntahan ni Vincent dahil slave nga ang peg ko.

Hay! Sana matapos na ang isang buwan para tumahimik na ang mundo ko.

Malapit na kami sa pintuan ng cafeteria nang may biglang humaltak sa buhok ko mula sa likuran.

"Aray!"  ramdam ko ang sakit ng pagkakahaltak sa buhok ko. Nag-init ang ulo ko. Sino kayang siraulong  naglakas ng loob na  saktan ako? Makikita nito ang hinahanap nya.

 I looked back and saw a crazy girl .

  I smirk at her " Bruha ka ! Ang sakit non ha!"  

PLAK! sinampal ko sya.

Napahawak sya sa  namumulang pisnging sinampal ko.

Nakatingin na ang mga estudyanteng tsismosa. Pero walang pumipigil sa aming dalawa.

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugWhere stories live. Discover now