Extra Seven: Maghiwalay na tayo!

109K 1.8K 142
                                    

Extra Seven: Maghiwalay na tayo!

Babala: Nakakaiyak kaya brace yourself. Maghanda din ng planggana para  hindi bumaha pag-umiyak na ikaw!

ALEX Point of View

Huminga ako ng malalim . Tumingin sa tanging liwanag na tumatanglaw sa akin.  Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Unti-unting tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

 " Vincent bakit? Bakit  nagawa mo akong iwan? " unti-unti kong nararamdaman ang sakit sa aking puso. "Akala ko  ba mahal na mahal mo ako pero  ........ bakit ganito ang ginawa mo sa akin?" patuloy na tumutulo ang mga luha sa aking mga mata . " Honey anong nangyari' pumikit ako sandali at kinagat ang aking ibabang labi. " Wala  naman akong naisip na naging kasalanan ko sa iyo . Kahit anong isip ko at halos sumakit na ang aking ulo kung ano ba ang naging ugat  para gawin mo sa akin ito" lumunok ako. " Perfect naman ang lahat. Mahal mo ako at mahal kita. Naniwala ako sa sinasabi mong pagmamahal. Kahit na sa una pa lang ay hindi ko gusto ang nakakainis mong ugali ay  hindi ko naiwasang mahulog sa iyon. Mahal kita ng buong puso ko. Huhuhu..." Napahawak ako sa dibdib ko dahil nararamdaman ko na naninikip na ito. Pero kailangang ilabas ko lahat ng nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kahit medyo nahihirapan na akong magsalita dahil sa panunuyo ng aking lalamunan. " Ang dahilan ba kung bakit iniwan mo ako at sinabi mo na hindi mo na ako mahal ay dahil sa isip bata ako? " Pinunasang ko ng aking mga daliri ang  luhang lumalabas sa aking mga mata. Huminga uli ako nang malalim. "Napuno ka na ba sa akin  dahil lagi kong pinipilit  sa iyo na manuod tayo ng mga horror movies kahit labag sa kalooban mo? "  huminto ako sandali. Pinunasan ko ng panyo ang aking ilong dahil unti-unti nang may namumuong sipon doon para tumulo. "Nagsawa ka na ba sa akin? Akala ko ba mahal mo ako? Sinungaling ka!" humagolgol ako. Hindi ko alintana ang nangyayari sa paligid ko , nakafocus lang ako sa aking mga sinasabi. Alam ko may mga estudyanteng nakatingin sa akin pero wala akong pakialam sa kanila. Ang gusto ko lang ay masabi ang lahat nang nararamdaman ko kahit wala si Vincent dito sa aking kinatatayuan. Alam ko naririnig n'ya ako pero tahimik lang s'ya. " Vincent mahal na mahal kita. Hindi ko matatanggap na iniwan mo na ako at nakikipaghiwalay sa akin. Pinaniwala mo ako na mahal mo ako. Ibinigay ko sa iyo lahat-lahat. Puso, kaluluwa at buong pagkatao ko. Pero ano ngayon itong ginawa mo ? Sinaktan mo ako !" mariing hinagpis  ko. Napapikit ako. Inalala ang  oras kung saan sinabi n'ya sa akin na iiwan n'ya na ako. Ang oras kung saan naramdaman ko ang pinakamasakit na pakiramdam sa buong buhay ko. Ang oras kung saan gumuho ang aking mundo.

FLASHBACK.... LAST NIGHT

Masaya akong nagbabasa  at nagkakabisa .  Nakaharap ako sa aking laptop at nakaupo sa kama dito sa pink room.  Napangiti ako nang makita kong tumatawag si Vincent mula sa SKYPE. I answered his video call. Namimiss ko na s'ya. Pagkalabas na pagkalabas ng video call ay kumaway kaagad ako sa kanya. God ang gwapo n'ya talaga. Napahawak ako sa screen ng laptop na parang hinawakan ko na rin ang kanyang mukha. I terribly miss him. Nagwawala ang puso ko sa saya dahil nasilayan ko na ang lalaking mahal ko.

"Honey hello" sabi ko na mayroong malaking ngiti sa aking mga labi. Tahimik lang s'ya. Bigla akong nakaramdam ng kaba ngunit hindi ko iyon pinansin. Hindi naman s'ya ganyang sa tuwing nagvivideo chat kami. Parang may kakaiba.

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/Pastrybugحيث تعيش القصص. اكتشف الآن