Pinakahuling Extra: Katapusan

155K 3K 436
                                    

 Pinakahuling Extra: Katapusan

 

VAN Point of view

"Vincent may bagong picture si Alex na pinadala ng  Tita Althea mo. Tingnan mo ang ganda-ganda na nya"  sabi sa akin ni Mommy pagkapasok na pagkapasok ko ng aming bahay.  Nakatira kami sa America at dito na ako nag-aaral. Nacurious ako sa sinabi ni Mommy kaya tumabi ako sa pagkakaupo nya sa sofa at tiningnan ang sinasabi nyang bagong picture ni Xandra. Si Alexandra ay ang anak na babae ni Tita Althea . Ang  magandang buntis na kinulit ko noong five years old pa lamang ako na ipakasal sa akin  ang kanyang isisilang na sanggol pagdumating na ito sa tamang edad. 

Halos malaglag ang aking panga  sa magandang dalagitang nasa larawan. Hindi ko inakala na ganito na pala sya kaganda at mukha na syang dalaga. Nakakaakit ang kanyang mga ngiti habang nagpapaulan. Bumilis ang tibok ng aking puso at parang hinihigop ako ng dalaga sa larawan.

"Di ba ang ganda-ganda nya na! Excited na ako  baby Van na maging manugang sya" masayang sabi ni Mommy. "Naku matawagan na nga si Althea at makumusta ang fiancee mo. Anak I'm so proud of you , ang galing mong pumili ng mapapangasawa kahit five years old ka pa lang noon"  tumayo na si Mommy at sure ako makikipagtelebabad na naman sya kay Tita Althea.

Halos hindi ko maintindihan ang mga sinabi ni Mommy dahil nakatitig parin ako sa larawan ni Xandra. Nagulat ako na ang laki na nya. Noong huling kita ko na larawan nya ay five years old pa lang sya doon.Neneng-nene ang itsura nya pa doon.

Sa bilis nang tibok ng puso ko ay halos hindi na ako makahinga.  May nag-uudyok sa akin na makipagkita na ako sa magandang babae sa larawan  ngunit napailing ako dahil masyado pa syang bata. Twelve years old pa lang sya at ako seventeen naman.   Pero nangangako ako na pag dumating na sya sa tamang edad ay lalapitan ko na sya at paiibigin ko. Kinuha ko ang aking wallet at inilagay doon ang kanyang  larawan.

Pakiramdam ko isa akong stalker kanina ko pa kasi pinagmamasdan ang  aking fiancee na si Xandra. Malayung-malayo na ang kanyang itsura sa picture  noong twelve years old sya na hanggang ngayon ay nasa wallet ko parin. Dalagang- dalaga na sya at ang laki na ng kanyang iginanda. Masaya syang naglalakad dito sa mall kasama ang kanyang dalawang bestfriend . Ang isa ay si Samantha  at ang isa pa ay si Aria . Si Aria ay pinsan ko. Napansin nya ako kanina na nakatingin sa kanila at nginisihan n'ya ako.  Ilang araw na rin kasi akong   nagmamanman sa kanyang bestfriend na si Alexandra. Tinawagan nya nga ako kagabi at  pinipilit na makipagkilala na kay Xandra. Matagal na daw akong gustong makita ng bestfriend nya dahil hindi naman ligid dito na may fiance na sya at ako nga iyon. Pero  wala pa akong lakas nang loob na magpakilala sa kanya kaya nagtitiis na lang ako na maging stalker nya. Buti na lang hindi nya napapansin ang pagsunod-sunod ko sa kanya. 

Mula sa Amerika ay napagdesisyunan na ng pamilya namin na manirahan na uli dito sa Pilipinas. Para personal na maasekaso ang mga negosyo ng pamilya at isa ring dahilan ay ang pagpapakilala ko kay Xandra. Gustong-gusto ko na syang makita ng personal. habang lumilipas ang araw at nakikita ko sya lalo akong nahuhulog sa kanya. Para akong isang teenager na patanaw-tanaw sa kanyang crush. Ang hirap pala ng ganito. Gusto ko syang lapitan pero hindi ko pa alam kung papaano. Ayaw ko naman na biglain sya, na susulpot  na lang bigka sa harapan nya at sabihin na ako ang taong papakasalan nya . Baka lalo lang syang umiwas. Kailangan bago  ako magpakilala sa kanya bilang fiance nya ay masiguro ko muna na komportable na sya sa akin. Para madali na lang na makapasok ako sa puso nya. Hay! Bakit ba kasi walang subject sa eskwelahan ang nagtuturo nang tamang pagpapaibig sa isang tao?

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon