Thirty One

157K 2.5K 132
                                    

,. · ,.-~*'¨¯¨'*·~-.¸-(_ Thirty One _)-,.-~*'¨¯¨'*·~-.¸

Alex POV

Natatawa akong pagmasdan ang mukha ni Vincent. Alam kong naiirita sya sa music na isinalang ko sa cd player. Nilakasan ko talaga para marindi sya sa lakas.

Sa haba ng byahe ay iyon lang ang patuloy na nagplaplay sa cd player. Ibinurned ko talaga iyon at iyong lang ang kanta sa buong cd. Alam kong hindi sya mahilig sa rap song kaya iyon ang napili kong patogtogin. Pano ko nalaman? Sinabi lang naman ni Caden kay Sam .

Sa wakas nandito na rin kami sa may Baclaran church.. Bago kami pumasok ng church ground ay pinatay ko na ang cd player.

Ipinarada nya ang sports car at lumabas na kami. Hindi ko na hinintay na pagbuksan nya ako ng pinto. Kusa na akong lumabas.

Sinabayan nya akong maglakad.

Marami-rami na ang mga tao kaya sa bandang hulihan na kami napapwesto. Nakatayo lang kami.

Maya-maya dumarami na ang mga taong magsisimba kaya siksikan na.

Naramdaman ko na pumuwesto si Vincent sa may likuran ko. Feeling ko bodyguard ko sya na pinoprotektahan ako. Nakakakilig.

Pansin ko rin na bahagyang nagpapacute sa kanya ang katabi nyang babae. Pangiti-ngiti sya kay Vincent. Pero si Vincent ay hindi sya napapansin. Hindi nya rin pansin ang ibang babae na nakatingin sa kanya. I saw admiration in their eyes pero sorry na lang sila, kasi ako ang kasama ni Vincent ngayon.

Tahimik lang si Vincent na nakikinig ng misa.

Ito na magbibigayan na ng kapayapaan sa bawat isa.

Lumingon ako kay Vincent, nginitian ko sya at nagsabi ng peace be with you.

Nagsabi rin sya ng peace be with you sa akin at...

I was shocked pero mas nashocked ang mga babaeng nag-aantay na batiin nya. Napasimangot sila at ang sama ng tingin nila sa akin.

Because Vincent kissed me in my lips not in my cheeks. It was just a smack but it shook my whole beings.

Pakiramdam ko ang pula ng mga pisngi ko sa ginawa ni Vincent.

Pinandilatan ko sya . Tapos bahagyang tumawa lang sya.

Humarap na uli ako sa may altar na namumula ang mukha. Ang daming tao, nakakahiya. I'm sure marami ang nakakita.

Natapos na ang misa.

" Bakit mo ako hinalikan?" inis na sita ko sa kanya. Pagkalabas namin ng simbahan.

Tumayo muna kami sa ilalim ng puno. Nagpapalipas ng oras.

He looked down at me.

He grinned and winked at me.

OMG! Nakakaasar sya. Bakit ang gwapo nya?

I composed myself. I need his answer. "Bakit mo nga ginawa iyon?" ulit ko.

" Can't resist your luscious lips" expressionless na sagot nya.

"Nakakainis ka! Bakit parang wala lang sa iyo sa tono ng boses mo?" pinaghahampas ko sya." Alam mo bang nagulat ako sa ginawa mo?" Nangigigil na tanong ko sa kanya. Pinaghahampas ko parin sya ng kamay ko.

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugWhere stories live. Discover now