Thirty Three

161K 2.5K 102
                                    

'·.¸¸.·''¯'··._.· '·.¸¸.·''¯'··._.· Thirty Three '·.¸¸.·''¯'··._.· '·.¸¸.·''¯'··._.·

Vincent POV

Day 9

Boring ang nilelecture ni Mr. Sanchez ang prof. namin ngayon. Nakakaantok syang magturo. Ang bigat ng talukap ng mata ko, nakakaramdam ako ng antok.

"Xandra , inaantok ako" bulong ko sa katabi ko. Nakikinig sya sa lecture ni Prof. habang nagtatake down ng notes.

Napatingin sya sa akin. Bilib ako sa kanya kasi hindi sya inaantok sa paraan ng pagtuturo ng prof na ito. Karamihan sa mga kaklase namin ay mukhang inaantok din.

"Bawal matulog" mahinang sabi nya sa akin. Then itinuon nya uli ang kanyang attention kay prof.

Ang boring. Hinipan ko ang medyo mahabahaba ko nang bangs na tumatabing sa mata ko.

"Stop it" saway nya sa akin.

" Nakakaantok si Prof. gusto kong matulog" mahinang sabi ko. Pipikit-pikit na ang talukap ng mga mata ko. Nahihikab narin ako pero pinipigilan ko lang.

Mariing nakatingin sya sa akin. Parang nag-iisip sya kung anong gagawin para hindi ako antukin.

"Alam ko na" masayang sabi nya. Lumiwanag ang kanyang mga mata. Mukhang may pumasok na idea sa kanyang utak.

"Ano iyon?" patamad na tanong ko.

Hinawakan nya ako sa kamay ko. Napangiti ako. Parang maganda nga ang pumasok na idea nya. Libre hawak ng kamay.

"Ah ano bang idea 'yan?Bakit nakahawak ka sa akin?" kunwari'y hindi ko gusto pero infact gustong-gusto ko na hawakan nya ang kamay ko. Mayroon kasing munting kuryente akong nararamdaman sa kamay naming magkahawak. It really feels so great! Effective nga kasi nawala ang antok ko.

"Ganito iyon" nakinig ako sa kanya. Inilapit ko pa ang tenga ko sa kanya. "Sa tuwing mararamdaman ko na inaantok ka pipisilin ko ang kamay mo." Paliwanag nya.

"Tingin mo effective iyon?" kunwari ay dudang tanong ko. Syempre hindi nya pwedeng malaman na effective kaagad baka bitawan nya na ang kamay ko.

"Oo. Effective yun" sagot nya.

"How did you know? Ginawa mo na ba ito ?" nakakunot ang aking noong tanong.

Nagnood sya. Nakaramdam ako ng selos. Sino ang humawak ng kamay nya? Pagnakita ko iyon bugbog kaagad sa akin. Wala syang karapatang hawakan ang kamay ni Xandra.

"Sino ang humawak ng kamay mo?" naiinis na tanong ko. Tiningnan ko sya ng mariing.

Ngumiti sya. Lalo akong nainis.

" 'Wag kang magselos. Si Mommy lang naman ang humahawak ng kamay ko. Kasi pagstudy time namin dati lagi akong inaantok kaya pinipisil nya ang kamay ko para magising ako" paliwanag nya.

"Akala ko may iba pa eh" nawala ang pagkainis ko. Naku sorry sa Mommy ni Xandra sa naisip ko na ipabogbog sya kasi kung iba talaga iyon mata lang nya ang walang latay.

"Ano naman kung may iba? Boyfriend ba kita?" galit na sabi nya.

Fvck! Bakit nagalit sya? Ano ang isasagot ko? Mag-ano nga ba kami? Hindi ko pwedeng sabihin...ang paggiging ano nya ako. Kasi ayaw na nga nya sa kasunduan.

Nakatingin lang ako sa kanya. I can't uttered any words. Walang gustong lumabas sa bibig ko.

Naningkit ang kanyang mga mata. I see a hint of anger in her eyes. Then biglang ngumiti sya.

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugWhere stories live. Discover now