Twenty one

184K 3.2K 158
                                    

*****Twenty one*****

Alex POV

We're here in the Bay Area in MOA.  

Para kaming  mga sira kasi katanghaliang tapat ay naglalakad kami sa initan. Buti pa si Vincent ang cool cool nyang tingnan .  Mamulamula na ang kanyang mga pisngi at balat. Nakadagdag ng kaguwapuhan nya samantalang ako pakiramdam ko ang dugyot ko na.  Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa utak ni Vincent at dito ako dinala. Date? Ito ba ang date na ipinagmamalaki nya? Pinetensya ata ito. Gaano ba kalayo ang gusto nyang lakarin namin? Pagod na ako.

"Vincent pasok tayo sa loob ng mall" aya ko sa kanya.   "Ang init-init dito eh " reklamo ko pa. Kasalukuyang nakaupo kami sa may   fountain.  Tirik na tirik ang araw kaya ipinaypay ko ang kamay ko sa mukha ko. Pero walang hangin na naiproduce ang aking kamay. 

 Humarap sya  sa akin at nginitian nya ako. Dahil sa ngiti nya biglang nawala ang pagkainis ko sa kanya. Parang isang gamot ang kanyang ngiti nakakawala ng pagkainis. Siguro kung binebenta nya ang kanyang ngiti marami ang bibili at isa na ako doon.

"Alex last day na ng usapan natin."   Sabi nya. Oo nga pala one month na at ito na ang huling araw ng paggiging slave ko. Bigla akong nalungkot. Ibig bang sabihin  wala nang dahilan para lagi ko syang makasama?  Basagin ko kaya ang salamin ng sports car nya para may extension ang kontrata.  'Wag na lang pala kasi magmomove on na nga pala ako sa nararamdaman ko sa kanya.

"Hay ! Sa wakas hindi mo na ako alila" kunwari'y masayang sabi ko. Pero sana slave mo na lang ako forlife. At paglilingkuran kita ng bongang-bonga with tender loving care pa. Sabi ng  puso ko pero ang  utak ko gustong magmove on.

"Alam mo  ba na hindi ako naging masaya ng mga oras na slave kita?" wika nya.  Tinitigan nya ako sa aking mga mata. Parang binabasa nya ang iniisip ko.

Nasaktan ako sa sinabi nya.  Pakiramdam ko dinurog na naman nya ang puso ko. Ang sakit-sakit.  Naramdaman ko na babagsak na ang aking mga luha.  Tumingin ako sa dagat para hindi nya makita ang mga luha ko na nagbabantang pumatak. Huminga ako ng malalim.

"Kasi alam mo iyon ang pinakamasayang mga araw sa buhay ko" mahinang sabi nya. Bigla akong napatingin sa kanya.   Kulang na lang ay tumalon ako sa saya. Akala ko  balewala lang  sa kanya ang mga pinagsamahan namin.

"Talaga?" Masayang tanong ko. Hindi ko na mapigilan ang saya ko. Napangiti ako sa kanya. Kulang na lang ay humalakhak ako sa sobrang saya.

Hinawakan nya ang mukha ko ng kanyang mga kamay at inilapit nya ang noo nya sa noo ko. Shocks!  halos magdikit na ang mga mukha namin. Pumikit ako kasi hindi ko matagalan  ang mga tingin nya sa akin. Kinakabahan ako. Ngayon lang na nangyaring ganito  kami kalapit sa isa't isa. Skin to skin.  Ang lakas ng tibok ng puso ko.

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugWhere stories live. Discover now