Twenty Seven

159K 2.3K 66
                                    

╔═.♥. ═════════════════════════╗

Twenty Seven

╚══════.♥. ════════════════════╝

Day 5 being not slave

Alex POV

Tinatamad akong pumasok kaya lang kailangan kasi obligasyon ko bilang isang estudyante ang pumasok.

Pagkatapos kong mag-ayos pumunta ako sa kitchen para mag-almusal.

"Good morning Mommy and Daddy" bati ko sa kanila then kissed sa kanilang pisngi.

"Good morning baby" sabay nilang bati sa akin.

"Xander bakit hindi mo pa ibinabalik 'yung mga pinababalik ko sa iyo?" tanong ko sa kambal ko na busy sa pagkain ng tuyo, itlog at sinangag.

Kumuha ako ng food ko dried pusit, itlog at sinangag. Si Mommy inabot naman ang hot choco na tinimpla nya para sa akin. "Thank you Mommy" pasasalamat ko.

" Busy daw sya kahapon kaya mamaya na lang" sabi nya habang ngumunguya ng pagkain.

"Seguraduhin mo lang na ibabalik mo yun ha pogi kong kambal" pambobola ko. Baka mainis at hindi nya pa isoli.

"Bakit ba naman kasi kailangan pang ibalik? Aanhin naman nya ang mga pangbabaeng bags at yung mga bra at thongs mo?" reklamo nya.

"Hoy! Anong bra at thongs?" gulat na tanong ko. Muntik na akong mabulunan sa kinakain kong pusit. "Walang ganoon!" I hissed.

"Ha!Ha!Ha! " tawa nya. Sarap buhusan ng hot choco. Pati si Daddy tumawa. "Oo nga pala hindi ka non bibigyan ng sexy lingerie, kasi panglalaki ang katawan mo" pang-aasar nya pa.

Napasimangot ako. Anong panlalaking katawan ? Eh ang sexy ko kaya.

"Helloooo soon to be family!" bati ng bagong dating.

"Helloooo Buko Shake!" bati ng kambal kong over kung makangiti sa kanyang baliw na fiancee.

"Morning Buko Pandan" over na ngiti rin ni Aria. Nag kissed pa sila. Kahiya naman sa kanila kasi nakatingin kami nina Mommy at Daddy. Over mag PDA , keaga-aga. Nakakasuka sila. Lalo na ngayong brokenhearted ako sarap nilang pagbuhulin.

"Buko Pandan at Buko shake? Anong endearment yan? Yuck!' nakataas ang kilay na tanong ko.

"Ingit ka lang Alex bestfriend" balik na sabi ni Aria. " Antay- antay lang magkakalovelife ka rin tulad namin" pasweet na sabi nya pa.

"Aria kain ka muna" yaya ni Mommy kay Aria. Umupo na man si Aria sa tabi ni Xander. Sanay na sanay na syang makikain sa amin . Halos araw-araw nandito yan eh.

"Thank you Mommy. Daddy ang pogi mo ngayon" pambobola nya kay Daddy na busy sa pagbabasa ng dyaryo habang kumakain. Everymorning ganyan si Daddy hindi magbrebreakfast hanggat wala ang dyaryo nya.

"Thank you Aria" aniya.

"Aria kung ako saiyo dalhin mo na ang mga gamit mo dito at dito kana tumira" sarcastic na sabi ko.

"Pwede?" nanlalaki ang kanyang mga mata na tanong nya. Parang gusto nya nang tumira dito ah.

"Tch! Sa araw- araw ba naman na nandito ka parang dito ka na rin nakatira eh. Nagpapagod ka lang umuwi sa inyo para magbihis at magpakita sa parents mo. Dito ka na lang tumira at magbayad ka ng upa , kuryente at sa food. Para kumita naman kami sa iyo. Panay libre na lang ang kain mo dito para kang nasa restaurant tapos lagi pa kayong naka aircon ni Xander at ang lakas nyung gumamit ng PlayStation 4. In otherwords ang lakas nyung gumamit ng kuryente at ang lakas nyung dalawang kumain." litanya ko habang sumusubo at ngumuguya ng food.

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugOnde histórias criam vida. Descubra agora