Twenty five

169K 2.7K 155
                                    

Oº°‘¨ Twenty five¨‘°ºO

Day 3  (Night)

Sam POV

" Sige na naman Best sama ka na sa amin"  pagmamakaawa ko kay Best na sumama sa amin na mag karaoke o pumunta sa videoke bar.

"No"  mariing tanggi nya. 

"Bakit ba ayaw mong sumama?"

""Kasama mo kasi ang mga pogita at pagkasama ang mga pogita it means kasama din si Vincent. Eh di ba nga nasa move on phase na ako ng life ko?" paliwanag nya.  

"Best sige na , gusto ko kasing makasama si Caden  na magvideoke"  pagmamakaawa ko sa kanya. "Ayaw akong payagan ni Daddy pag hindi kita kasama . So please naman Best pagbigyan mo naman ang maganda mong bestfriend na gustong makasama ang crush" naiiyak na sabi ko. Ginalingan ko talaga ang pag-arte ko para pumayag sya.  Sa totoo lang   ching ko lang na hindi ako papayagan ni Daddy. Malaki ang tiwala non sa akin. Kaya ko lang naman sinabi iyon para mapilitan syang sumama sa amin. Sabi kasi ng mga pogita ay ilang araw na daw na hindi makausap ng matino si Vincent. Iniisip nila na si Alex ang dahilan ng grumpy attitude ni Vincent these past few days.  They wanted their friend to be happy.  So pumayag ako kasi alam ko naman na na mimiss na rin naman ni Alex si Vincent. So kahit ngayong gabi lang gusto ko ring sumaya sya.

"Please Best. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo , sumama ka lang"  nag puppy dog eyes pa ako. Kahit hindi bagay ay ginawa ko parin. Baka madaan ko sya sa puppy dog eyes.

"Tch! Sige na nga. Pero pagnainis ako any minute uuwi tayo ha" nakaingos na payag nya.

"Yehey!" masayang palakpak ko. Sabi na nga ba madadala sya sa puppy dog eyes ko eh.

"Please lang Sam next time 'wag ka nang magpuppy dog eyes. Nakakadiri eh. Hindi bagay sa iyo" nasusukang sabi nya.

"Whatever! " maarte sabi ko. "Let's go ! Let's karaoke" sigaw ko pa.  

Red Hot Bar

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugWhere stories live. Discover now