Twenty Four

150K 2.6K 180
                                    

׺°”˜'”°º×  Twenty four׺°”˜'”°º× 

Day 2 na  hindi na slave si Alex

Vincent POV

Vacant time namin at nandito lang kami sa may Botanical Garden ng University nagpapalipas ng oras.

" Vincent kailan mo sasabihin kay Alex na ikaw si Van?" tanong sa  akin ni Matheo.

Napatingin ako sa kanya. " Sa birthday nya" maikling sagot ko. Wala akong ganang makipag-usap, hindi ko alam kung bakit parang ang tamlay ko. Baka dahil sa climate. Medyo mainit kasi.

"So anong gimik sa birthday nya?" tanong naman ni Caden.

Nagkibit lang ako ng aking balikat. Wala nga kasi akong sa mood na magsalita at  sabihin sa kanila ang  binabalak ko na gagawin sa birthday ni Alex.  Yes,  I volunteer to her parents na mag-arrange ng party para sa birthday nya. Doon nya rin malalaman na ako at si Van ay iisa lang. I know na magagalit sya  sa big revelation at  hinanda ko na ang  rin ang sarili  ko sa galit nya. I will do anything para mawala ang galit nya sa akin.

"  Labo mo naman  'Pre.Bakit ayaw mong sabihin sa amin?" pangungulit ni Caden.

" 'Wag na lang. Baka masabi nyo pa kay Alex" sagot ko. Sa  loob  ng isang buwan alam ko na napalapit na rin sila kay Alex at may possibility na madulas sila at masabi pa nila kay Alex ang party na binabalak ko . So mas mabuti nang wala silang alam.

" Parang hindi ka kaibigan ah. Samantalang ang tagal na nangpinagsamahan natin. Naliligo pa nga tayo ng walang salawal noong mga bata pa tayo"  nakangusong sabi ni Tommy. 

" Tommy magtiggil ka nga dyan. Nakanguso ka pa. Para kang bading" sita ni Matheo sa kanya. "Teka 'Pre umamin ka nga bading ka ba?"

" Anong klaseng tanong 'yan ha?" galit na sabi ni Tommy. "Lalaking- lalaki ito!"  inambahan nya pa ng  suntok si Matheo.

"Kung lalaking-lalaki ka  .Anong paborito mong  movie?" tanong naman ni Ian.

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugWhere stories live. Discover now