Extra Two: Maghiwalay na kayo!

147K 2K 112
                                    

Extra Two:Maghiwalay na kayo!

Alex's POV

"Are you sure honey dito ka lang? You know na ayaw kitang iwan ditong mag-isa"  almost one hundred times na yatang tinanong sa akin iyan ni Vincent.  Kung sa iba ay maiinis sila ako hindi tuwang-tuwa pa ako. Nirecord ko pa nga para gawing message tone. Baliw na nga ata ako. Nababaliw na ako kay Vincent.  Ang sarap kasing pakinggan na  ayaw nya akong iwan dito sa condo.  

"Honey sama ka na lang kasi" almost  one hundred times nya na rin iyang sinabi sa akin. Kailangan nyang umalis.  Pinapapunta kasi sya ng kanyang lola sa mother's side na nasa Italy. Importante daw kailangan na pumunta sya kaagad. One week lang naman iyon. Gusto nya akong isama kaya lang biglaan eh naexpired na ang passport ko. Kaya next time na lang ako sasama sa kanya. Ayaw nya nga sanang umalis na hindi ako kasama kaya lang mukhang napaka importante kaya napilitan na rin sya.

Busy ako sa pag-aayos ng mga dadalhin nyang gamit.  Inilalagay ko sa maleta ang mga gamit nya.   Ayaw ko sana syang umalis kaya lang importante nga eh. Wala akong karapatan magtantrums o mag-inarte. Kahit ang totoo gustong-gusto ko nang maglumpasay sa sahig habang umiiyak. Bakit ba naman kasing hindi ko naalala na asekasuhin ang passport ko. 

"Honey hindi ako makakatulog ng maayos,  hindi kita makakatabi ng one week" nakasimangot na sabi nya. Tumayo sya at niyakap ako mula sa likod ko. 

"Ako din" madamdaming sabi ko. Pareho lang kami. Kahit na one month pa lang kaming kasal mamimiss ko sya ng bongang - bonga. Ramdam ko ang lungkot nya at naiiyak na ako. Parang papatak na ang luha ko. Nakakainis ang corny namin parang tatlong taon kaming magkakahiwalay pero sa iyon ang nararamdaman ko  talaga.

Lumingon ako sa kanya and he claimed  my lips. He gave me a hot and very tempting kiss.  Humarap na ako nang tuluyan sa kanya at niyakap sya. God mamimiss ko talaga itong super sweet na hunk na ito.  His kissed me again.   Halos maubusan na ako ng hangin pero ayaw ko pang bumitaw. Ilang araw ko ring hindi mararamdaman ang mga halik nya. Kaya lulubos-lubusin ko na.

After five hours...

" Wifey 'wag na lang kaya akong tumuloy?" malungkot na sabi nya sa akin. Nasa airport na kami. Kasama namin ang buong barkada. Pinagtitinginan kami ng mga taong nandito sa departure area ng NAIA. Bukod kasi sa ang dami namin   panay  papable  pa ang  magkakabarkada  pero mas pogi ang hubby ko. Rinig ko nga nanagtanong ang isang girl sa kasama nya kung mga celebrity ba daw  kami. Shocks! Nahawa ako sa  pagningning ng mga itsura nila. 

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon