Four

201K 3.1K 252
                                    

***FOUR*****

   Alex POV

Second day of school. 

 Pinarada ko ang aking motorbike sa tabi ng isang napakagandang sportscar.  It's a shinning blue Lamborghini Reventon. Sobrang ganda , pinagsawa ko ang aking mga mata sa napakagandang sportscar. Alam ko na ang tanging mayayaman lamang ang makakabili ng ganoon. Pero hindi na nakakapagtaka na makakita ako ng ganyang klaseng sasakyan dito. Mayayaman ang mga estudyante sa university  na ito. Kaya nagtataka ako kay Mommy kung bakit ako dito  nilipat. Hindi kaya  nanalo s’ya ng lotto?  Ayaw n’ya lang ipagsabi kahit sa amin dahil natatakot s’yang makidnap ako. Naku dapat matanong si Mommy pag-uwi ko, hihingi ako sa kanya ng pambayad sa iPhone  ni Mr. Nahm para wala na akong atraso sa kanya.

  

Hahakbang na sana ako para pumunta sa klase ko nang may maramdaman akong tumapik sa aking balikat. I turned around. Halos malaglag ang panga ko nang makita ko kung sino ang tumapik sa akin. Si Vincent na nakasuot ng black shirt na bakat na bakat ang kanyang magandang katawan tenernohan pa ng hapit na Levis jeans. Sya na! Sya na talaga  ang mukhang badboy super model.

 "Anong masasabi mo sa sports car ko?"  aroganteng tanong nya . So sa kanya pala iyon?  Kahapon ibang sportscar ang gamit n’ya tapos ngayon iba na naman. Grabee si kuya ang yaman-yaman, pati kayabangan sa katawan mayaman din s’ya.

Gusto ko sanang sabihin na napakaganda ng sasakyan nya pero hindi,  hindi ko sasabihin 'yun baka  lalo lang s’yang magyabang. " Ah maganda ang sportscar mo” nakasimangot na sagot ko.

"Maganda lang?" Parang hindi makapaniwalang tanong nya. "Sa  paraan ng pagkakatingin mo sa sports car ko alam kung gandang-ganda ka” nakangising sabi n’ya pa. 

Asa naman sya na purihin ko ang car nya ! Baka lalo pa itong yumabang. Maasar nga.

 "You know what Mr. Nahm hindi ako madaling humanga sa mga bagay-bagay na nakikita ko. Kung ano ang tingin ko sa isang bagay 'yun lang ang sasabihin ko."Lihim kong naidasal kay God na patawarin ako kasi nagsinungaling ako.  Napakaganda naman talaga ng sportscar nya pero ayoko talagang purihin baka lumaki ang ulo ng rich badboy na ito.

"So kung ano lang ang tingin mo 'yun ang sinasabi mo?"   Nakakunot ang noong tanong nya.

 Is that a tricky question? " Yap" sagot ko.

 "Kung tatanungin ba kita na if you find me attractive will you honestly answer me?"  Tanong nya medyo nakataas ang gilid ng kanyang  labi.

  

What the heck? Ano ang sasabihin ko ? Isip Alex. Tiningnan ko sya ng maigi from head to foot then foot to head  . Sinadya ko talagang ipakita sa kanya na pinag-aaralan ko ang kanyang itsura. Inikutan ko pa s’ya at sinipat-sipat. Then I chuckled. "Not bad "sagot ko. 

"Oh really?"  He looked down at me. Nagniningning ang kanyang mga mata. Sa tingin ko natutuwa sya sa pag-uusap namin.

" Yes" Parang ako na yata ang naasar kasi mukhang  hindi naman sya naapektuhan sa sinabi ko.  One thing naaasar ako sa paraan ng pagkakatingin nya sa akin. Parang bumaliktad ang sitwasyon dahil pakiramdam ko ako naman ang sinisipat n’ya.  Nakakaconscious ang pagkakatingin n’ya sa akin. Feeling ko isa akong specimen sa microscope.  Buti na lang  naisipan kong mag-ayos ngayon.  I'm wearing a black    peplum tube tops and black skinny jeans with my favorite black boots. Kanina noong nagmomotor ako ay nakasuot ako ng leather jacket then hinubad ko lang.  And naisipan ko ring maglagay ng kunting make-up so ang tingin ko naman sa sarili ko kanina sa salamin bago ako umalis ng bahay ay maganda naman ako.  " Ikaw yata ang  namemesmerized sa akin eh"  pang-aasar ko sa kanya para mawala ang asiwang nararamdaman ko.

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugWhere stories live. Discover now